Edit storybook
Chapter 1/8

editMaraming bagay ang gusto ni Anu sa kaniyang Ama. Gusto niya ang matingkad na papel na parol na gawa niya, ang malulutong na "onion pakodas" na kaniyang pinrito, at ang nakakatuwang pagong na ginawa niya gamit ang papel. Bukod pa doon, umaakyat siya ng hagdan ng palukso, at nakikipagbuno sa kaniyang Tito para sa kasiyahan. Kapag may dumadating na bisita, lagi niya silang🌄🌅 pinapatawa. Lahat ng bagay na iyon tungkol sa kaniyang ama ay gusto ni Anu. Ngunit alam mo ba ang pinaka gusto ni Anu sa lahat? Ang bigote ng kaniyang ama!
Chapter 2/8

editKada umaga ay nag-aahit ang kaniyang Ama. Uupo si Anu sa tabi at maingat na panonoorin siya. Hawak-hawak ng kaniyang Ama ang maliit na gunting sa kaniyang dalawang daliri, at may biglang gupit ay pinantay niya ang kaniyang bigote. Sabi ni Anu, "Ngayon, kaunti pa sa kaliwa..at kaunti naman sa kanan.. Huwag huwag, Ama! Huwag mong paliitin ang iyong bigote! Hindi na kita kakausapin kapag ginawa mo iyon!"
Chapter 3/8

editKapag ang kaniyang ama ay lalabas ng banyo, sinusuklay ni Anu at iniiskoba ang bigote niya ng maayos. Pagtapos ay hahawakan niya ang magkabilang dulo gamit ang kanilang dulong mga daliri at iikutin ito. Pagtapos ay tataas at titigas na ang bigote ng kaniyang Ama. "Tapos na, Ama! Ngayon, huwag mo iyang guluhin, okey?" mahigpit niyang bilin.
Chapter 4/8

editLaging iniisip ni Anu, na kung ang kaniyang Ama ay nakasuot ng magarang turniko at isang turban at nakasakay sa isang matangkad ng kabayo,🎠🐎🦄 na may espada sa kaniyang sinturon, kung gaano ka engrande ang hitsura niya! Katulad na lamang ng kawal na nakasuot ng salamin!👓🤓
Chapter 5/8

editSa totoo lang, gusto ni Anu lahat ng may bigote. Katulad ng tatay👨 ng kaniyang kaibigan🤝 na si Tuti, na ang totoong pangalan ay Smruti. Meron siyang napaka lagong bigote! Kakailanganin niya ng malaki na matabang suklay para suklayin ito. Magaling🏆 maglaro ng tennis ang tatay👨 ni Tuti. Pero sa totoo lang, dapat siya maging mambubuno. Kung nakasuot siya ng turban na may plete at may dalang higanteng klab sa kaniyang balikat, maganda ang kaniyang hitsura.
Chapter 6/8

editAng tatay👨 ni Sahil ay may mala lapis sa nipis na bigote. Nagtataka si Anu kung paano niya nagawang pantayin ito ng pino. Kung nakasuot sana lang siya ng mataas na itim na sumbrero,👒🕵️🤠 mahabang itim na pamatong at itim na salamin,👓🤓 kahawig na niya iyong inspector sa telebisyon na nanghuhuli ng lahat ng magnanakaw!
Chapter 7/8

editPero si Lolo👴 na nakatira kalapit namin ay ang may pinaka mahusay na bigote sa lahat! Tila mukha itong malaking puting ulap na bumaba galing sa langit upang manahan sa ilalim ng kaniyang ilong! Ang kaniyang bibig ay nakatago sa likod ng ulap. Si Anu ay natakot para kay Lolo..👴 paano siya kakain ng may ulap na nakaharang?
Chapter 8/8

editNapaisip si Anu kung bakit hindi tumutubo ang bigote sa ilalim ng kaniyang ilong. Kada umaga ay binabasa niya ito ng sabon, pararamihin ang bula at lalagyan niya ang sarili ng iba't ibang uri ng mga bigote. "Ang aking bigote ang pinaka mahusay," sabi niya. "Ito ay purong puti, at napaka lambot! Maganda naman diba? masayang tanong❓🤔 niya.
Peer-review 🕵🏽♀📖️️️️
Contributions 👩🏽💻
Word frequency
Letter frequency
Letter | Frequency |
---|---|
a | 544 |
n | 331 |
i | 221 |
g | 211 |
t | 132 |
o | 104 |
y | 95 |
k | 90 |
u | 89 |
s | 85 |
l | 78 |
m | 77 |
p | 59 |
b | 52 |
r | 32 |
h | 30 |
e | 29 |
d | 27 |
A | 22 |
w | 18 |
K | 9 |
N | 5 |
S | 5 |
T | 5 |
H | 4 |
L | 4 |
M | 4 |
P | 4 |
- | 2 |
B | 1 |
G | 1 |
I | 1 |
U | 1 |
c | 1 |
' | 1 |