Peer-review: PENDING

Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Delete
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #2 (2022-03-26 00:37)
0xa8a4 da1b
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "pa", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (103)

"Kinuha ni Aso ang malinis na damit na panloob, ngunit napakalamig pa rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Kinuha ni Aso ang malaking damit, ngunit napakalamig pa rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Kinuha ni Aso ang mahabang pares na pantalon, ngunit napakalamig pa rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Binigyan ni Pusa ng tsaleko si Aso, Ang isang tsaleko ay basa. Ang isang tsaleko ay tuyo. Kinuha ni Aso ang tuyong tsaleko, ngunit napakalamig pa rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Binigyan ni Pusa ng mga dyaket si Aso. Ang isang dyaket ay makapal. Ang isang dyaket ay manipis. Kinuha ni Aso ang makapal na dyaket, ngunit napakalamig pa rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Binigyan ni Pusa ng mga sombrero si Aso. Ang isang sombrero ay mataas. Ang isang sombrero ay mababa. Kinuha ni Aso ang mataas na sombrero, ngunit napakalamig pa rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Si Pusa at si Aso ay hinabol ang paruparo gamit ang kotse. Sila ay nagmaneho habang hinahabol ang paruparo, pero ang paruparo ay mabilis. Ang paruparo ay sadyang napakabilis, at si Pusa at si Aso ay mabagal. Sila ay sadyang napakabagal pa rin."
Ang Pusa at Aso at ang mga Paruparo

"Si Pusa at si Aso ay hinabol ang paruparo gamit ang eroplano. Sila ay lumipad habang hinahabol ang paruparo, pero ang paruparo ay mabilis. Ang paruparo ay sobra-sobra ang bilis, at si Pusa at Aso ay mabagal. Sila ay sobra-sobra ang bagal pa rin."
Ang Pusa at Aso at ang mga Paruparo

"Naging maganda ang karanasan ni Sophea sa pamamasyal sa hardin kasama ang kaniyang ina. Natuto siyang magbilang at tumulong pa upang maging malinis ang kapaligiran."
Ang Paglalakbay sa Hardin

"Ang sanggol ay kayang gumapang ngunit hindi pa nakakalangoy."
Nakakatalon ba ang Bibe?

"Pagkatapos, nakakita siya ng burol. Inakyat niya ito. Inunat niya ang kanyang mga kamay ngunit hindi pa rin niya maabot ang mga bituin."
Ang mga Mabituing Hiling ni Palaka

"Inunat niya ang kanyang mga kamay… pero di pa rin niya maabot ang mga bituin."
Ang mga Mabituing Hiling ni Palaka

""Isa pa ito.""
Nasaan si Lulu?

""At heto pa ang isa.""
Nasaan si Lulu?

""Mga kabibe kapalit ng lumot," matatag na sagot ni Sapsap. "Kung pupunta lang din ako sa pinakailalim ng dagat para kumuha ng mga kabibe," mabilis na sagot ni Tuna, "bakit hindi pa ako kumuha na rin ng mga lumot?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Dinala niya ito gamit ang kanyang bibig at lumangoy paitaas. Sa kanyang pagbalik, nadaanan niya si isdang lapad, at isdang lampay na nakasunod pa din sa isdang salmon. Nadaanan niya rin si kabayong dagat na papunta pa lang sa ilalim ng dagat."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Ibinigay ni Tuna sa kaniya ang pulang lumot at sinabing "masaya sana ang pagkain mo." Pagkasubo pa lang ni Twain ay agad niya rin itong iniluwa at sinabing "Kadiri! Ang sama ng lasa!""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Madilim pa ang kapaligiran habang tumatawid sila sa mga bundok."
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

""Malayo pa ang paaralan. Huwag mo akong piliting sumama sa'yo!""
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

""Lahat ng ating mga kaibigan ay naririto!" Hindi pa rin makaniwala si Iskuwirel."
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

"Gusto ring lumipad paitaas ni Phila ngunit wala nang hihigit pa sa kagustuhan niyang magmodelo."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Isang paa rito, dalawang mga paa roon at tatlo pa roon. Pagmomodelo niya."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Dahil masyado siyang naging abala para sa paghahanda sa kaniyang biyahe, hindi na niya napansin pa ang mga nasisirang saging."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Tingan mo! Sa wakas, nakalilipad na nang pagkataas-taas ang langaw-prutas na si Droso. Higit pa sa kahit sinong langaw sa mundo."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Tumingin si Nin sa salamin. Naku po! Mali pa rin ang pagsuot niya ng uniporme!"
Gustong Magbihis ni Nin

"Maya maya pa ay may naisip na paraan si Tutul."
Ang Regalong Tsokolate

"Nakatira ako sa isang kuwadra kung saan dumarating ang mga bata upang matutong sumakay ng kabayo. Pero di pa ako napipili..."
Rudi

"Sa wakas, nakarating na rin si Sarah sa bahay ni Reta! Ito ang unang beses na bumisita siya sa bahay ng pinsan. Mula pa si Sarah sa Ottawa, Canada."
Ang Dakilang Guro

"Walang oras ang kabayong may sungay para sagutin ang kanilang mga tanong. Chomp! Crrunch! Gulp! "Kung titigil ako sa pagkain, hindi na ako magiging isang napakarilag na raynoseros," ani niya. Bago pa mang makabitaw ng isang salita sina Naina at Madhav ng iba pa ay nakarinig sila ng malakas na pag-iyak sa di kalayuan. Waaaaaaah! Aiyeeeee!"
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

"Mula pa nang madaling araw ay pabalik-balik na nagtungo si Raymie mula sa silangan ng lawa patungo sa kanluran. Ang iniisip lang niya ay makahanap ng paraan upang makipag-usap sa aerospotics. Ang aerospotics ay may tirahan malapit sa Sistema Solar. Sinabi nila sa kaniya na mayroon silang solusyon sa kaniyang problema."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Ang paglipat sa mga pabrika sa mga malalayong lugar at paggamit ng mga sasakyang de-kuryente ay nagpababa ng carbon dioxide sa siyudad. Hindi pa rin ito sapat upang magkaroon ng malinis na hangin. Umuugong pa rin ang mga sirena sa palibot ng siyudad at marami pa rin ang inuubo."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Kailangang lumaki agad ang mga puno upang higupin ang mataas na bahagi ng carbon dioksido sa hangin. Pero bakit hindi pa lumalaki ang mga puno? Hinintay ng lahat sa Siyudad ng Usok na ang mga puno ay lumaki. Nais nilang lumanghap ng preskong hangin. "Bulok ba ang mga buto? Niloko ba ako ng mga aerospotics?" naisip ni Raymie. Nang biglang..."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"“Nakikita mo ’yon?” tanong ni Anopol kay Tang-id. “Oo siyempre, nakikita ko,” sagot ni Tang-id. “Gumuguho na ang mga bangin,” sabi pa niya."
Ano ang Kinatatakutan nina Anopol at ni Tang-id

"“Sabi ng mga matatanda ’yon nakilala noon ang Iriga dahil dito kinukuha ang mga bulaklak na ginagawang pabango sa Manila,” dagdag pa niya."
Ano ang Kinatatakutan nina Anopol at ni Tang-id

"“Nakita mo ’yong kaninang nadaanan nating gumuguhong lupa doon sa bangin?” tanong pa ng binata."
Ano ang Kinatatakutan nina Anopol at ni Tang-id

"May sasabihin pa sana ako ngunit napagpasyahan kong umalis nang mapansin ko ang dumaraming tao sa tabi ng panaderya. Paalam, narinig kong sabi ng isang bata. Maraming mga taong katulad ni Kiko na nagpapakain sa akin, ngunit mayroon ding ilang na patuloy na itinataboy ako."
Unang kaibigan ni Iko

"Napakamapagmasid ni Kakay sa mga bagay-bagay kahit pitong taon pa lamang siya. Iniidolo kasi niya si Sherlock Holmes. At ginagaya niya ito. Libot siya ng libot doon sa kapitbahayan nila, bitbit ang magnifying glass ng nakatatanda niyang kapatid na babae at isang notebook. Dito niya sinusulat ang mga nakikita at naoobserbahan niya."
Misteryo ng Itlog

"Setyembre 8, Miyerkoles. Di ko pa rin talaga alam kung itlog ng anong hayop o insekto ang narito sa dahon."
Misteryo ng Itlog

"Setyembre 25, Sabado. Wala namang nagbago sa kulay berdeng bagay na nakabitin. Pareho pa rin ang itsura at ang kulay nito."
Misteryo ng Itlog

"Setyembre 30, Huwebes. Wala pa ring nagbabago sa kulay berdeng bagay na nakabitin. Ano kaya ang nasa loob nun?"
Misteryo ng Itlog

"Sino pa ang pwede kong basahan? Aha! Pwede kong basahan ang aking sarili."
Gusto kong Magbasa

"Sa unang araw ni Lita sa paaralan, hindi pa niya alam kung paano magbilang."
Masaya ang Magbilang

""Bakit ka nahihiyang pumasok sa paaralan?" tanong sa kaniya ni Cesar. "Nahihiya ako kasi hindi pa ako marunong magbilang," sagot ni Lita. "Huwag kang mag-alala, tuturuan ka namin!" sabi agad ni Nene."
Masaya ang Magbilang

"Bago umuwi si Lita ng bahay, sinabi niya, "Masaya pala ang magbilang. Papasok ulit ako sa paaralan bukas upang lalo pa akong matuto sa pagbibilang.""
Masaya ang Magbilang

"Pagdating nila sa hardin, sabi ni Vanh: "Maghiwalay tayo para mas marami pa tayong makolektang panggatong.""
Magtulungan

""Urgen, naiintindihan ko Miss Dolma," sabi ni Urmu. "Oo, gusto kong matuto nang higit pa mula sa kanya," sabi ni Urgen."
Nasasabik sa eskwelahan

""Wala akong masyadong ginawa ngayong araw. Maliban lang sa pagpunta ng biyenan ni Veena, alam mo na. At kung gaano siya kahaba makipag tsismisan! Nakarami kami ng tasa ng tsaa. At kinain niya lahat ng laddoos na ginawa pa ng iyong ina," sabi ni Nani."
Ang salamin ni Lola

"Ang puno ng kadam ay namumulaklak sa mga bilog nitong dilaw na bungkos. Lumipad ang kuku sa ulan mula sa puno hanggang sa puno, hinahanap ang kanyang boses. Pero, hindi pa rin siya marunong kumanta."
Gustong Kumanta ni Cuckoo

"Ang mga hinog na bunga ng palma ay nakasabit nang husto sa puno. Sinubukan ng kuku na kantahin ang kanilang kagandahan. Ngunit gayon pa man, hindi niya magawa."
Gustong Kumanta ni Cuckoo

"Pagkatapos ay dumating ang huli na taglagas. Ang mga magsasaka ay umani ng bagong palay sa mga buwan ng Kartik at Agryahayan. Ngunit, hindi pa rin nakakanta ang kuku sa masaganang ani para sa pagdiriwang ng Nabonno. Malapit na siyang sumabog sa frustration!"
Gustong Kumanta ni Cuckoo

"Ginawa ng mga babae ang jaggery mula sa mainit na katas ng petsa. Gumawa sila ng matamis na cake. Ang mga dahon ay nahulog mula sa mga puno. Ang mga patlang ay natatakpan ng mga dilaw na bulaklak ng mustasa. Malapit nang matapos ang taon. At gayon pa man, ang kuku ay hindi kumanta. Nagsimula siyang umiyak. Ano ang ibig sabihin kung tuluyan nang nawala ang kanyang kanta?"
Gustong Kumanta ni Cuckoo

"Maraming bagay ang gusto ni Anu sa kaniyang Ama. Gusto niya ang matingkad na papel na parol na gawa niya, ang malulutong na "onion pakodas" na kaniyang pinrito, at ang nakakatuwang pagong na ginawa niya gamit ang papel. Bukod pa doon, umaakyat siya ng hagdan ng palukso, at nakikipagbuno sa kaniyang Tito para sa kasiyahan. Kapag may dumadating na bisita, lagi niya silang pinapatawa. Lahat ng bagay na iyon tungkol sa kaniyang ama ay gusto ni Anu. Ngunit alam mo ba ang pinaka gusto ni Anu sa lahat? Ang bigote ng kaniyang ama!"
Ang bigote ni Tatay

"Kada umaga ay nag-aahit ang kaniyang Ama. Uupo si Anu sa tabi at maingat na panonoorin siya. Hawak-hawak ng kaniyang Ama ang maliit na gunting sa kaniyang dalawang daliri, at may biglang gupit ay pinantay niya ang kaniyang bigote. Sabi ni Anu, "Ngayon, kaunti pa sa kaliwa..at kaunti naman sa kanan.. Huwag huwag, Ama! Huwag mong paliitin ang iyong bigote! Hindi na kita kakausapin kapag ginawa mo iyon!""
Ang bigote ni Tatay

"Pulot? Pag-iisip ng isang masarap na pulot, hindi na makapaghintay pa si Duma."
Kaya rin iyan ni Duma

"Araw ng konsiyerto. Tama lang ang sayaw ni Mihlali. Napakasaya! At sa kanyang sorpresa, dumating pa si lola para manood ng sayaw ni Mihlali."
Sayaw, Mihlali!

"Kinabukasan, maagang gumising si Ali. Umalis siya bago pa magising sila Ado at Aka."
huwag mo akong maliitin

"Noong unang panahon, hindi pa ganoon katagal, ang batang si Phyllis ay ipinanganak para sumayaw ng baley. Dalawang taong nagmamahalan, ang kanyang nanay at tatay, ay di pa nalalaman kung anong klaseng mananayaw ang ipinagkaloob sa kanila."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Hindi na muli pang inapi ng malaking pusa si Phyu Wah. Ngayo'y nag-iisip pa siya ng iba pang paraan upang maging matapang."
Ang Kuting na si Phyu Wah at ang Bully

""Sa palagay ko ay dapat ding tumulong ang iyong kapatid sa operasyong ito," sabi ng ina ni Sokha. "Pero siya ang gumawa nito kay Tin Tin!" protesta ni Sokha. "Oo pero hindi magaan ang pakiramdam niya, kaya mabuti para sa kanya na tumulong at makita kung gaano kalaki ang trabaho sa pag-aayos kay Tin Tin," tugon ng kanyang ina. "Bukod pa rito, ang mga mapanghamong operasyon ay nangangailangan ng isang buong koponan upang maibigay ng pinakamahusay na pangangalaga.""
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Matapos gumawa ng ilang tahi pa ang kanyang ina, nilingon niya si Sokha. "Gusto mo bang tapusin ang operasyon?" tanong niya. Oo, siyempre gagawin niya!"
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Bumalik sa kanyang silid, maingat na inihiga ni Sokha si Tin Tin sa kanyang kama. "Dr. Sokha?" Tanong ni Dara, papasok sa silid na may dalang mga lumang laruang hayop. "May oras ka pa bang makakita ng ilang pasyente?""
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Nagsimula ng mag-impake ang lahat ngunit ang bunsong babae ay hindi pa rin makkapadesisyon kung ano ang kanyang dadalhin. Napamahal na sa kanya ang mga bagay na kanyang naitabi."
Ang bagong Pugad

""Oh, ang paborito kong malambot na balahibo!" Ang naka babatang kapatid ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Nagawa pa ng kanilang Nanay na makakuha habang sila ay nag iimpake."
Ang bagong Pugad

"Lumipad pa si Chandu ng mas mataas. Lumipad siya papunta sa isang maya. "Kumusta ka?" tanong ng maya. "Mabuti naman, salamat" sagot naman ni Chandu."
Ang paglipad ni Chandu

"Si Chandu ay lumipad pa ng mas mataas hanggang sa makita niya ang isang agila. "Kumusta kaibigan?" tanong ng agila. "Mabuti naman" sagot naman ni Chandu."
Ang paglipad ni Chandu

"Si Chandu ay lumipad pa ng mas mataas hanggang sa maramdaman niyang madali na para sa kanya ang paglipad. Sa sobrang taas ng kaniyang nilipad ay nakita niya ang isang eroplano. "Kumusta ka Chandu?" tanong ng eroplano. "Mabuti naman,mag ingat ka" mabilis na wika ni Chandu."
Ang paglipad ni Chandu

"Di nagtagal ay umakyat pa ng mas mataas si Chandu. Lumipad siya ng lumipad hanggang sa masalubong niya ang isang rocket. "Kumusta ka ginoo?" sigaw ng rocket. "mabuti naman" wika ni Chandu ng nakangiti."
Ang paglipad ni Chandu

"At palakas pa ito ng palakas sa bawat pagbahing. Hatchu HatCHU HATCHU! Ang sanggol na si Malli ay nagtatatalbog sa pag hatchu hatchu ni Hatchuram. Ang batang lalaki naman na si Jaggu ay naihulog ang kaniyang sorbetes sa pag hatchu hatchu ni Hatchuram."
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"Kapag ang lahat ng ito'y iyong sinunod, hindi na ako makabibisita pa sa inyo. Samantala, ang mga doktor ay masikap na naghahanap ng bakuna upang hindi ka na magkasakit kahit na kumustahin pa kita."
COVIBOOK

"Ha ha, ang aking giraffe ay tuyo pa rin. - Masayang tumawa si Nini. - Hindi na ngayon! - sigaw ni Nana."
Pagpapaligo sa Kamelyo

""Hindi Mama. Sarado pa ang paaralan," bulong ni Tutu habang nakapikit."
Unang Araw ng Eskwela

"Sinuot ni Malik ang bota ni itay. Plop! Kahit na ito ay mataas nagawa pa din n'yang tumayo ng tuwid."
Ang Sapatos ni Tatay

"Nagtaka ang mga bata at nagsilapit kay Didi. May dala-dalang mga makukulay na aklat si Didi. Mga aklat na naglalaman ng mga kuwento. Mas lumapit pa ang mga bata nang masilayan ang mga aklat."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Ang May Akda Si Durga Lal Shrestha ay isang tanyag na makata sa Nepal Bhasa at Nepali. Bilang isang guro sa Nepal Bhasa sa Kanya Mandir Higher Secondary School noong dekada singkwenta hanggang dekada sitenta, gumagawa siya ng mga kanta upang makakuha ng inspirasyon ang mga bata na maipahayag ang kanilang mga sarili sa kanilang sariling salita. Ang kaniyang mga kanta ay nakilala sa buong Kathmandu Valley at ang mga koleksyon ng mga kantang pambata ay umabot hanggang ikalabintatlong imprenta at patuloy pa rin hanggang sa ngayon."
Alitaptap

"Kaagad, lumitaw ang araw. Kahit na umaambon pa rin, ang mga panauhin ay nagsimulang magsayawan."
Ang Kasal ni Lobo

""Huwag mong sabihing mahina ka. Wala ni isa sa atin ang makakayang malabanan ang alon" paalala ni Crawly. "Pero ano ang nangyari sa iyong buntot, Sasha?" dagdag pa nito. "Nang maliit pa ako ay naipit ako sa lambat ng mga mangingisda, at naipit ang aking mga buntot at nahati. Kung kaya, palagi akong kinukutya ng ibang mga sirena," sabi ni Sasha."
Ang Pagkikita Nina Mere at Sashang Sirena

""Huwag mong sabihing mahina ka. Wala ni isa sa atin ang makakayang malabanan ang alon" paalala ni Crawly. "Pero ano ang nangyari sa iyong buntot, Sasha?" dagdag pa nito. "Nang maliit pa ako ay naipit ako sa lambat ng mga mangingisda, at naipit ang aking mga buntot at nahati. Kung kaya, palagi akong kinukutya ng ibang mga sirena," sabi ni Sasha."
Ang Pagkikita Nina Mere at Sashang Sirena

"Maganda ang kinalabasan ng saranggola ni Edi at may kasama pa itong buntot na gawa sa laso."
Gumawa si Edi ng Saranggola

"Gusto nyang matuto! Parami ng parami ang natutunan nya sa bawat libro na binabasa nya. Napakahusay nya sa paaralan kaya sya ay inimbitahan na mag aral sa Amerika. Natuwa si Wangari at gusto nyang dumami pa ang kanyang kaalaman sa mundo."
A Tiny Seed

"Ilang taon pa ang nagdaan, may mga bagong puno ang tumubo sa kagubatan, ang ilog ay nagsimulang na umagos muli. Ang mensahe ni Wangari ay kumalat sa ibang lugar sa Africa. Sa ngayon milyong puno na ang tumubo mula sa buto ni Wangari."
A Tiny Seed

""Moru!";saway ng guro. ";Bakit wala kang ginagawa?"Si Moru ay mukhang blangko. "Nasaan ang pasigan mo? Bakit hindi mo pa dinala sa paaralan?"sigaw ng guro. Nakita ni Moru na galit ang guro sa kanya. Sumagot si Moru, "Nasira ang dati kong pasigan at wala akong pera upang bumili ng bago."Galit ang guro at binigyan si Moru ng isang matulis na gripo na may pamalo sa kanyang kamay."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Pagkatapos ay dumating ang mga libro na may mga numero. Bumagal ang mga mata at daliri ni Moru. Ang mga numero ng taba ay sumayaw kasama ang mga payat. Ang dalawang numero na balanseng isa sa tuktok ng iba pa tulad ng isang hindi matatag na gusali na naghihintay pa rin na mapunan ang silong. Ang mga dumaragdag na kabuuan ay tumingin maikli at naglupasay at tumaba at tumaba sa ilalim ng lumaki ang mga numero. Ang dibisyon ay nasa kabaligtaran lamang. Nagsimula ka sa maraming at pagkatapos kung ikaw ay maingat, pinagtrabaho mo ito upang lumikha ng isang mahabang manipis na kaaya-aya na buntot. Kung ikaw ay mapalad ay walang maiiwan. Isa-isa ang lahat ng mga numero at ang kanilang mga lansihin ay bumalik sa Moru."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Isang araw, tinanong ng may batik na manok si Nanay. - Ikaw ang aking ina. Kaya, ang iyong ina ay.... -... ang iyong Lola. Sagot ni nanay na manok at nagpatuloy. - Noong maliit pa kayo, pinapasyal niya kayo bago maglakad, maghanap ng pagkain para sa inyo, turuan kayo kung paano maiiwasan ang mga uwak at lawin... Ngunit ngayon, hindi mo na muling makikita ang maririnig. Matagal na siyang pumanaw."
Ang Lola ng Batikang Manok

"Talagang nadama ng batik-batik na manok ang mainis. - Sa lahat ng pag-aalaga ng kanyang granny, siya pa rin ay humihingi ng higit pa? Hindi ito matulungan, Ang batik-batik na manok ay ibinigay sa maliit na buntot ang isang tuka at sinabi. - Itigil mo ang iyong pagka-inis. Gusto mo ba siyang ubusin ang maghapon para suyuin ka?"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Nasasaksihan ang kanyang apo na peck ng isang hindi kilalang tao, ang lola ay umusbong kaagad ang kanyang mga balahibo at binigyan ng pagsaway ang Speckled Chicken. - Sino ka upang bullyin ang aking apo? Sinabi ng Speckled Chicken pagkatapos sa lola kung paano niya namiss ang kanyang Lola. - Lola, sana nandito pa rin ang Lola ko... Kung nandiyan lang ako sa tabi ko si Lola kagaya ng apo mo ngayon...""
Ang Lola ng Batikang Manok

"Sa kusina, halos natabunan ng abo ang mga baga. "Apoy...wag ka pa mamatay!" Nagdagdag si Euis ng kahoy sa kalan. Hinipan niya ang mga uling gamit ang isang kawayan. Whuuu...whuuu...whuuu... “Yehey! Handa na ang apoy ko!""
Isang Pagdiriwang

"Nagtungo si Dira sa kwarto ng kanyang kapatid. Napansin niya na madaming koleksyon ng laruan sa kwarto nito gaya ng mga bola, sasakyan at may mga libro rin. Mayroon ring bagong pares ng sapatos samantalang ang kay Dira ay puro luma lamang. Kung marami namang gamit at laruan si Chaku bakit pa kailangan ni Dira ibahagi ang laruan nitong elepante sa kapatid?"
Si Dira at Chaku

"Mabilis na inagaw ng bantay ang tambol. “Walang sinoman ang dapat makaalam sa sikreto ng Hari!” babala ng bantay. “Umalis ka na bago pa may makahuli sa iyo!” Ngunit huli na ang lahat."
The King's Secret

"Ang mga DWARF PLANET ay tulad ng mga planeta ngunit ang mga ito ay mas maliit at wala pa silang malinaw na landas sa paligid ng Araw. Nangangahulugan ito na ang mga bagay tulad ng asteroid at kometa ay magkalat sa kanilang landas. Ang Pluto, Ceres, Eris, Makemake at Haumea ang bumubuo sa limang kinikilalang mga dwarf planeta ng ating solar system."
3…2…1… Blast Off

"Isang araw, ang mga kaibigan ni Tipaklong ay hindi maayos ang pakiramdam at napagpasiyahang manatili sa bahay. Hindi ito binigyang pansin ni Tipaklong. Siya ay tumakbo palabas at naglaro pa rin."
Nagsalita na si Tipaklong

"Iniisip ng tipaklong ang tungkol sa pagtigil upang batiin ang kanyang kaibigan. Ngunit nagagalit pa rin siya na ang Cricket ay hindi dumating upang maglaro, kaya't siya ay lilipad."
Nagsalita na si Tipaklong

"Ang kuliglig ay nadulas pa lalo sa patpat. "Hindi ako makakahawak ng matagal." Hinihimok ng tipaklong na maging malakas ang kuliglig. "Huwag kang bibitaw! May isang bagay sa tubig sa ibaba na maaaring kumagat sa iyo.""
Nagsalita na si Tipaklong

"Kung hindi ka pa nakakarating doon, siguradong dapat kang pumunta!"
Si Didi at ang kanyang Motorsiklo

"Ang Tetra - amalia syndrome ay kakaibang sakit n kawalang ng kamay at paa. Ang Tetra ay hango sa Griyego na salita na ibig sabihin ay apat.,ang amelia ay hindi natuloy sa pgbuo ng kamay at mga paa sa pgkapanganak. Maraming tao ang nag aakala na ang may mga sakit na ganito ay nkadepende sa ibang tao. Maraming kayang gawin ang may sakit ng ganito. Kaya nilang umalis sa wheelchair, kumain, magbihis, mgpinta, maglangoy, maglakad at makgawa pa ng mga bagay ng mag isa. Maraming sikat na halimbawa ang may Tetra-Amelia: Joanne Oriordan, isang manunulat at isang aktibista pra sa may mga disability. Zuly Sanguino, tanyag na artist sa buong mundo na nais mgkaroon ng bahay amounan."
Emma

"Ngunit kinabukasan umakyat pa si Daisy ng mas mataas pa rin, hanggang sa tuktok ng rondavel. Flap, flap, flap, si Daisy ay nag-flap ng kanyang mga pakpak."
Kamangha-manghang si Daisy

"Tumulong si Mr. Danu na ingatan ang itlog sa carton sa bike ni Arin. Pero kailangan pa rin niyang mag-ingat."
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Hmm... ang itlog ay hindi kasing sarap gaya ng dati. Hindi pa ito masyadong maalat. Walang ibang magagawa si Arin kundi maghintay."
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Ginising ako ni Inay ng maaga nung sumunod na araw, bago pa sumikat ang araw. Binihisan nya ako ng itim at puti na sari. Habang hawak ang aming sapatos sa aming kamay, naglakad kame patungo sa Shaheed Minar, isang malaking rebulto sa Dhaka. Sinabi sa akin ni Inay na sa buong Bangladesh mayroong libu-libong maliliit na Shaheed Minar upang alalahanin ang mga taong nagmamahal sa kanilang katutubong wika, ang Bangla."
Ekushey February

"Galit pa rin ang ilog ngunit ang mga hampas ng alon nito ay hindi na umaabot sa nayon."
Mahiwagang Ilog

"Subalit, hindi pa tapos ang ginawa ni Thida. “Tignan niyo ang mga basurang umaagos papunta rito!” Ani niya sakaniang mga kaibigan. “Ako’y lalangoy sa ilog at kukunin ko ang mga basura.” Dagdag pa niya. “Huwag, masiyadong mapanganib!” Sigaw ng kaniyang mga kaibigan."
Mahiwagang Ilog

"Nagulat si Darshana nang paguwi niya sa bahay ay may hangin pa rin ang mga gulong. “Aba ang galing! Pwede rin natin gamitan ng nakatawang mukha,” sabay dikit ng sticker sa nakakadiring itsura ng gum."
Darshana's Big Idea

"Bumalik ang tingin niya sa kaniyang tiyo Nimo at ngumiti, “Hindi pa po eh. Pero tutulungan niyo naman po ako diba? Paniguradong magiging masaya ito”."
Darshana's Big Idea

"“Pumunta rin po ako si tindahan ng mga bisikleta para tingnan yung mga regular nilang pantapal sa gulong,” dagdag pa niya. “Edi mas maganda,” sagot nito. “Yung mga regular na pantapal ang sabstityut na bibilhin ng mga tao imbes na ang mga sticker na pantapal mo.”"
Darshana's Big Idea