Peer-review: PENDING

Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Delete
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #3 (2022-01-19 21:19)
Nya Ξlimu
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "ito", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Inflections
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (183)

"Para kay Aso, ito ay napakalamig."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Si Pusa at si Aso ay sinundan ang paruparo kahit saan ito magpunta. Tumakbo sila upang maabutan ang paruparo, pero ang paruparo ay mabilis. Ang paruparo ay sadyang napakabilis, at si Pusa at si Aso ay mabagal. Sila ay sadyang napakabagal."
Ang Pusa at Aso at ang mga Paruparo

"Masayang kinain ito ng munting bibe at napadighay sa sarap!"
Ang Munting Sisiw at Bibe

"*Ang cricket ay isang kilalang laro sa India na gumagamit ng bat at bola. Nilalaro ito sa pagitan ng dalawang koponan ng labing-isang manlalaro. "
Ano Kaya Ako Ngayon?

"Nakatuklas ako ng bagong halaman. Ipapangalan ko ito sa akin."
Ano Kaya Ako Ngayon?

"Dhushh! Tsshh! Sa bilis ng paghampas ng aking mga panambol, hindi mo na ito makikita."
Ano Kaya Ako Ngayon?

"Nakita ng palaka ang isang puno ng niyog sa di-kalayuan. Napakataas nito. Ah, naisip niya na ito na ang sagot sa kanyang nais."
Ang mga Mabituing Hiling ni Palaka

""Kumusta, Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Nita sa kakaibang batang lalaki.Nagulat ang bata nang marinig ang kaniyang boses. Tumakbo ito at nagtago sa likuran ng puno. Sinisilip niya si Nita mula sa likuran ng puno."
Green Star

"Sumagot sa kaniya ang bata: "Galing ako sa ibang planeta. Nasira ang aking sasakyang pangkalawakan, at nawala ko aking bola ng enerhiya.Kailangan kong makita ang aking bola ng enerhiya. Matutulungan ako ng bola ng enerhiya na ito upang makabalik sa aming planeta.""
Green Star

"Sabay silang naglakad hanap ng bola ng enerhiya... mula tanghali hanggang gabi... Pero hindi nila ito makita."
Green Star

""Paalam Nita! Isa kang matapang at matalinong bata. Sana isang araw, makadalaw ka sa aming planeta ." Sabi ni Green Star. "Gagawa ako ng sasakyang pangkalawakan. Paliliparin ko ito upang makita kita balang araw." Sabi ni Nita. Kumakaway siya habang nagpapaalam kay Green Star."
Green Star

"Iyon ba ang kaniyang bote? O ito ba ay isang sasakyang pangkalawakan?"
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Napatitig si Chiu sa kulay berdeng patak ng pintura sa ibabaw ng kaniyang sapatos at napaisip siya. "Madulas ito at mukhang gulaman. Palaka ba ito?""
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Ano kaya kung wala ng kailangang magluto? Ano kaya kung ang hapunan ay dadating na lang sa mesa? (At ito ay ang iyong laging paborito.)"
Ano kaya kung...?

"Ang bola ba ay malapit sa damitan? Nasa ilalim ba ito ng mga damit?"
Ang Nawawalang Bola

"Pinuntahan ito ni Tuna at sinabing "Kailangan ko ng lumot para sa kapatid kong si Twain. Kaya mo ba akong ikuha ng kaunti?" "Siyempre, kaya ko," sagot ni Sapsap, "pero ano'ng ibibigay mong kapalit?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Siya ay inatake uli ng isda. Mabilis na naiwasan ito ni Tuna at sa wakas nakakuha siya ng kaunting lumot."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Dinala niya ito gamit ang kanyang bibig at lumangoy paitaas. Sa kanyang pagbalik, nadaanan niya si isdang lapad, at isdang lampay na nakasunod pa din sa isdang salmon. Nadaanan niya rin si kabayong dagat na papunta pa lang sa ilalim ng dagat."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Ang sanggol ay nagising na umiiyak. Si Ma ay nagalit. Sinigawan niya ang mga ito at sa labas pinaglaro."
Huwag Gisingin ang Sanggol!

"Ano ang dapat gawin sa sanggol upang ito ay tumigil sa pag-iyak? Hindi nagtagal, si Zu at Zi ay umiiyak na din. Hanggang si Ma ay nakauwi."
Huwag Gisingin ang Sanggol!

"Inilawan ni Trang ang halamanan gamit ang lente at ipinakita kay Iskuwirel na ito ay isang bato lamang at napawi ang takot niya."
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

"Sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan niya ang kaniyang mga pakpak at ipinagaspas ito nang ubod ng bilis paitaas at paibaba. Eksaktong dalawang daan at dalawampung beses sa bawat isang segundo!"
Ang Langaw sa Kalawakan

"Ipinagtataka ni Rica, "Paano kaya makalilipad ang mga ibon sa lugar na ito kung wala itaas o ibaba?""
Ang Langaw sa Kalawakan

"Ang langaw-prutas ang kauna-unahang hayop na nakapaglakbay sa kalawakan. Nangyari ito noong 1947."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Alam mo ba na may pagkakatulad ang langaw-prutas sa tao? Natatandaan nila ang mga bagay-bagay at nagkakasakit din sila gaya natin! Kaya naman gustong pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang mga langaw-prutas sa kalawakan. Kung tutuusin, mas madaling magpadala ng mga langaw sa kalawakan kaysa ng mga tao! At ito rin ang dahilan kung bakit ang mga langaw-prutas ay itinuturing na mga modelong organismo."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Nagpasya si Nin na isuot ang kaniyang uniporme. Una, ito ay baliktad. Pagkatapos, ang likod naman ay napunta sa harap."
Gustong Magbihis ni Nin

"At ito ang kuwento ng tsokolateng regalo ni Tutul sa kaarawan ng pinakamamahal niyang kaibigan."
Ang Regalong Tsokolate

"Kahawig ito ni Buk-Le, ang kanyang kalabaw."
Ang Bagong Sumbrero ni Bountong

"Masaya si Bountong sa kanyang bagong sumbrero. Isinuot niya ito at patakbong pinuntahan si Buk-Le."
Ang Bagong Sumbrero ni Bountong

"'Whoosh!' ito ay lumipad na pataas ng himpapawid"
Isang Araw sa Kalawakan

"Ngunit ito ang lihim sa kalawakan,"
Isang Araw sa Kalawakan

"Si Gul at ang kanyang kuting ay lumulutang sa loob ng himpilan tulad ng mga lobo. Alinmang gamit o nilalang na hindi nakatali ay magpapalutang lutang sapagkat lahat ng ito ay walang angking bigat sa kalawakan. Nangyayari ito dahil ang himpilang pangkalawakan o Space Station at ang mga nasa loob nito ay sadyang nahuhulog ng mabilis papunta sa daigdig natin. Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi ito bumabagsak? Ito ay dahil sa hugis ng ating daigdig. Ang himpilang pangkalawakan ay nahuhulog ng nahuhulog pababa, samantalang ang ibabaw ng ating daigdig ay nakakurba sa direksyon na hindi maabot ng himpilan habang ito ay nasa kalawakan."
Isang Araw sa Kalawakan

"Wala ding gripo ng tubig sa loob ng himpilan sapagkat hindi ito aagos at kaya gumamit si Gul ng natatanging sabon at kung bakit nya kailangan lunukin ang tootpeyst."
Isang Araw sa Kalawakan

"Sinabi ng isang ate na maging mahinahon siya. Abalang-abala ito sa pag-aasikaso sa mga taong sugatan."
Si Ate Bungi

""Hahaha!" Siya si Sister Mala. Wala siyang ngipin dahil natanggal ito ng kumain siya ng mais."
Si Ate Bungi

""Wow, galing ito sa Riedau Canal ah! Kung saan maaaring sumakay sa bangka, mangisda at mag-ski ang mga turista." Nasasabik na sigaw ni Reta. Hindi naman inasahan ni Sarah ang gano'ng reaksyon. Pa'no iyon nalaman ni Reta?"
Ang Dakilang Guro

"Magkano kaya ang babayaran ni Reta? Nagbilang siya sa kan'yang daliri sa kamay. Wow, tama ang kwenta ni Reta! Kagaya ito ng sagot na nakuha sa calculator. Sinabi muli niya na ang kan'yang guro ang nagturo para mapabilis ang pagbibilang."
Ang Dakilang Guro

"Lahat ng batang ito ay pupunta rin sa bahay ng guro upang mag-aral. Nagdala rin sila ng mga gamit pang-linis. Sabi ni Reta hindi kaya ng kaniyang guro na maglinis mag-isa sa kaniyang bahay."
Ang Dakilang Guro

""Hindi ko ito maibabalik!" iyak ng dragon. "Napakamapanganib nito." Kuminang ang mga mata ni Naina. "Kung saan may panganib, naroon ang pakikipagsapalaran." "At kinakailangan ng bawat paglalakbay ang isang matapang na bayani!" ani Madhav. "Mga bayani, ibig mong sabihin," ani Naina. "Ililigtas namin ang iyong buhok!" Pumayag ang dragon na ituro ang kinalalagyan ng buhok. Ngunit tumanggi siyang lapitan ito."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

"Umakyat ang dalawang bata sa isang pana. Maingat na itinutok ng taong-kabayo ang pana at kanyang ibinato ito diretso sa kanilang pinto."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

""Bibigyan kita ng mga mahiwagang buto. Lilinisin ng mga ito ang inyong hangin. Tutubo ang mga buto kung diniligan.""
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"At lumingon ng tatlong beses at sinabi, "Tutubo ang mga puno at uubusin ang mga karbon dioksido. Ang gagawin ninyo lang ay bigyan kami ng karbon na kakainin ng mga puno sa pamamagitan ng butas na ito papunta sa aming buwan. Wala kaming sapat na karbon dioksido upang langhapin at ito ay banta sa aming mga buhay.""
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Nainis ang mga matatanda. Inulit nila, "Mga puno sa tabi ng mga bahay, bakuran at sa ibabaw ng ating mga gusali! Hindi maaari! Hindi tayo nasanay sa ganyan." Sinabi ni Raymie, "Ngunit ang pagbabagong ito ay para sa ating ikabubuti.""
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Iniayos at inutusan ni Raymie ang mga robot upang alisin ang mga pabrika at ilipat sa malalayong lugar. Hinakot ng mga robot ang mga ito ng malalaking trak."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Ang paglipat sa mga pabrika sa mga malalayong lugar at paggamit ng mga sasakyang de-kuryente ay nagpababa ng carbon dioxide sa siyudad. Hindi pa rin ito sapat upang magkaroon ng malinis na hangin. Umuugong pa rin ang mga sirena sa palibot ng siyudad at marami pa rin ang inuubo."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Pumunta si Srey Pov sa kapitan ng nayon. “Nais kong gumawa ng lumilipad na makina upang mabisita ko ang araw at alamin kung bakit hindi na ito lumiliwanag.” Ngunit hindi pinakinggan ng kapitan si Srey Pov. “Hindi mo kayang lumipad patungo sa araw. Maliit ka pa! Umuwi ka na lang!”"
Paghahanap sa Araw

"Pinagsikapan ng husto ni Srey Pov na mabuo ang sasakyang nakalilipad. Natapos na niya at saka hinila ito papunta sa tuktok ng bundok at lumipad. Subalit nawalan ito ng kontrol at bumagsak sa puno."
Paghahanap sa Araw

"Naglakbay si Srey Pov hanggang marating ang araw. "Kumusta, Araw!" bati niya. "Bakit hindi ka na sumisikat sa aming nayon?" "Hinaharang kasi ng maruming hangin ang aking liwanag," tugon ng araw. "Ganoon ba. Salamat, Araw. Sasabihin ko ito sa lahat at magtutulong-tulong kami upang malutas ito." "Maging mapalad sana kayo. Sana ay magkita tayong muli," sigaw ng araw habang lumilipad na ng pabalik sa mundo si Srey Pov."
Paghahanap sa Araw

"Bumalik si Srey Pov sa kaniyang nayon at ibinahagi ang kaniyang nalaman. "Dapat nang matigil ang pagdumi ng hangin dahil sa usok na mula sa pabrika. Kung magtatanim tayo ng maraming puno, makatutulong ito sa paglinis ng hangin.""
Paghahanap sa Araw

"Nanghihina ito kaya ito ay kanyang dinala pauwi."
Ang pagtulong sa Ibon

"Gusto ko lang mahalin. Pero paano ko mararamdaman ang ganyan kung ang mga tao ay palaging malayo sa akin? Nagpaalala ito sa akin ng marami. Dahil nasunog ang kalahati ng aking katawan, naiwan akong kalbo, peklat at pangit. Iyon ang dahilan kung bakit naisip nila na mayroon akong sakit. Kaya pala parang galit sila sa akin. Ako ay isang ligaw na nais lamang mapakain, maglaro at mahalin ng mga tao."
Unang kaibigan ni Iko

"Bilang halimbawa: Setyembre 6, Lunes. Meron akong nakitang maliit na itlog sa dahon ng tanim ni Inay. Itlog kaya ito ng ano?"
Misteryo ng Itlog

"Oktubre 11, Lunes. May napulot na naman akong maliit na parang bato. Kulay dilaw ito na napakakintab. Nang inilagay ko ito sa palad ko, lumipad naman ito na parang paruparo lang."
Misteryo ng Itlog

""Ang aking Lolo ay kayang mangisda ng anumang bagay sa dagat", sabi ni Cheetah. "Minsan nakahuli siya ng isang balyena at itinago ito sa kanyang paliguan.""
Ang Ginto ni Lolo

"Ang lolo ko ay hindi gumagawa, nangingisda o umaakyat o nagluluto. wika ng unggoy, Pdro meron syang ginto! Tinatago nya ito sa kanyang bibig! At sa gabi ay binababad nya ito sa baso ng tubig."
Ang Ginto ni Lolo

"Ang maliit na ibon ay nanghihina. Dinala nya ito pauwi sa kanilang tahanan."
Pagtulong sa Ibon

"May kabayo rin ito na munti at malaki ang tainga. Ito at ang baka ay magkaibigan."
Ang Kabayo at ang Baka

"Nagtrabaho ng mabigat ang munting kabayo buong araw. Pagod na pagod ito pagdating sa kanilang bahay."
Ang Kabayo at ang Baka

"Pinagapang ni Rina ang langgam sa isang dahon. Ito'y nilagay nya sa pader. Nakakita ang laggam ng isang butil ng asukal. Kinuha nya ito at tumakbo pauwi."
Ang mga hayop sa kalye

"Hiniling ng guro kay Urgen na magbasa ng Nepali. Hindi ito mabasa ni Urgen. Pinagtatawanan siya ng lahat."
Nasasabik sa eskwelahan

"Kumuha si Pong ng unan at inilagay ito sa higaan."
Ang Higaan Para kay Ate

"Nagdala rin si Pong ng kumot at inilagay ito sa higaan."
Ang Higaan Para kay Ate

"Ang baka na ito ang pinakamahal ng pastol."
Ang baka na may isang sungay

"Habang ang ibang mga baka ay magkakasamang kumakain, ang baka na ito ay mag isang kumakain."
Ang baka na may isang sungay

"Ang baka na ito ay matapang. Ito ay pinababayaan ng ibang mga baka."
Ang baka na may isang sungay

"Ano ang pagkakaiba ng mga ibon? Ang agila na ito ay may mga pakpak na mahaba at malapad. Ang mga ibon ba ang tanging mga hayop na may pakpak?"
Patungkol sa mga Ibon

"Ang cassowary at owl na ito ay may matatalas na kuko. Ang mga ibon ba ang tanging mga hayop na may matalas na kuko?"
Patungkol sa mga Ibon

"Palaging naiwawala ni Nani ang kaniyang salamin. "Saan ko nga ito naitago?" palagi niyang tanong. Kung wala ang kaniyang salamin, hindi niya mahahanap ang kaniyang salamin."
Ang salamin ni Lola

"Ang tatay ni Sahil ay may mala lapis sa nipis na bigote. Nagtataka si Anu kung paano niya nagawang pantayin ito ng pino. Kung nakasuot sana lang siya ng mataas na itim na sumbrero, mahabang itim na pamatong at itim na salamin, kahawig na niya iyong inspector sa telebisyon na nanghuhuli ng lahat ng magnanakaw!"
Ang bigote ni Tatay

"Napaisip si Anu kung bakit hindi tumutubo ang bigote sa ilalim ng kaniyang ilong. Kada umaga ay binabasa niya ito ng sabon, pararamihin ang bula at lalagyan niya ang sarili ng iba't ibang uri ng mga bigote. "Ang aking bigote ang pinaka mahusay," sabi niya. "Ito ay purong puti, at napaka lambot! Maganda naman diba? masayang tanong niya."
Ang bigote ni Tatay

"Mayroong hinog na doon. Ngunit hindi maabot ito ni Duma."
Kaya rin iyan ni Duma

"Tinatawid ni lola ang ilog? Baka kaya din ito ni Duma!"
Kaya rin iyan ni Duma

"Ngayon ay ang aking kaarawan! Ako ay anim na taong gulang. Sinabi ng aking ina na ito ay magiging isang labis na espesyal na araw. Bakit kaya?"
Espesyal na Regalo kay Ling

"Gumagawa si Nanay ng maraming pansit, ngunit hindi ito karaniwan. Dapat mayroong mas espesyal na nangyayari. Ano kaya yan?"
Espesyal na Regalo kay Ling

"Si tatay ay nabibitin ang magagandang mga parol, ngunit ginagawa niya rin ito sa Bagong Taon ng mga Tsino. Dapat mayroong mas espesyal na nangyayari. Ano kaya yan?"
Espesyal na Regalo kay Ling

"May nilalagay si Nanay sa ref. Maaaring ito ay isang bagay na sobrang espesyal?"
Espesyal na Regalo kay Ling

"Ngayon ito ay isang sobrang espesyal na kaarawan!"
Espesyal na Regalo kay Ling

"Tumakbo si Sophy at nakita nyang natapakan na ng biik ang mga bulaklak at ito ay nasa putikan!"
Nagtanim si Sophy ng Biik

""Ang mga hayop ay hindi gulay, mahal ko! Kapag itinanim mo itong baboy ay hindi ito magkakaroon ng biik. Umpisahan natin sa pagpapakain nito para ito lumaki. Heto ang kainan na maaari mong gamitin." "Gusto ko pong tumulong!" Sa ngayon, masaya si Sophy sa pag-aalaga ng nag-iisang bagong baboy."
Nagtanim si Sophy ng Biik

"Isang araw, Sabi ni Ado kay Ali. " Bukas mahihinog ang gintong mansanas na prutas! Ako at si Aka ay kakainin ito." Ali, hindi mo ito pwedeng kainin ulit. "Tama iyon!" sabi ni Aka. "Ali, masyado kang maliit, hindi mo kailangan ng kahit anung prutas. Mag hintay ka lamang dito."
huwag mo akong maliitin

"Ang kanyang pagsayaw ng Swan Lake ay naayon lamang para sa isang reyna. matapos ang maraming taon ng pagikot sa isang paa, ito na ang panahon para makita siya! Pumagitna siya sa entablado, tumatalon, umiikot at ang lahat ay napapangiti! Sila ay pumalakpak at sumisigaw!"
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Wala silang mga anak, pero hindi naging dahilan upang sila ay malungkot, sapagkat nakaisip sila ng paraan upang makatulong sa ibang mga ina at ama. Itinatag nila ang kanilang sariling paaralan, ito ay tinawag na "Dance For All", kung saan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata, mula sa iba't ibang estado sa buhay, upang matuto at mahalin ang pagsasayaw."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Ikinagulat ito ni Phyu Wah. Napaisip siya kung bakit hindi natakot ang maya sa kalapati."
Ang Kuting na si Phyu Wah at ang Bully

""Hindi ba kailangan nating bantayan sandali si Tin Tin? Nabasa ko lang na ang susunod na pangangalaga ay kasinghalaga ng operasyon." "Tama ka," sabi ng kanyang ina. "Siguraduhin na bigyan siya ng maraming pahinga at babantayan natin ang mga tahi na iyon para makita kung gaano ito katagal. Dapat ay handa na siyang maglaro muli sa loob ng ilang araw""
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Sumipa ang nakababatang babae ng buong kanyang lakas, at...iskor! Lumipad ng pagkataas taas sa langit ang maliit na butones. At bumulusok ito pababa lagpas sa pugad. "Hindi..!! Ang butones ko!" Iyak ng nakababatang babae"
Ang bagong Pugad

"Si Chandu ay pinakikinggan ito hanggang siya ay makatulog. Sa kanyang panaginip, siya ay lumilipad."
Ang paglipad ni Chandu

"Pataas ng pataas ang paglipad ni Chandu. Ngayon naman ay nakita niya ang mga bituin na kumikislap sa paligid. Sila ay nakangiting lahat kay Chandu na parang hindi ito naiiba sa kanila. "Kumusta ka Chandu?" tanong ng isang bituin. "Mabuti naman ako" sagot naman ni Chandu. Bigla naman gumalaw ang mga bituin at umiling."
Ang paglipad ni Chandu

"Noong minsan ay may nakatirang isang lalaki na tinatawag na Ram. Kilala siya na Hatchuram dahil kapag siya ay babahing ay naglilikha ito ng malaking tunog. Ha-aaa-tchu."
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"At palakas pa ito ng palakas sa bawat pagbahing. Hatchu HatCHU HATCHU! Ang sanggol na si Malli ay nagtatatalbog sa pag hatchu hatchu ni Hatchuram. Ang batang lalaki naman na si Jaggu ay naihulog ang kaniyang sorbetes sa pag hatchu hatchu ni Hatchuram."
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"Ngunit, hindi naman ako tumatagal kapag ako ay bumibisita. Kalimitan, gumagaling naman ang karamihan tulad na lang kapag nadapa ka at ito ay gumagaling. Paalam!"
COVIBOOK

"Nang siya ay makarating sa paaralan, walang siyang naabutang ibang mag-aaral. Isang lalaking naglalakad ang nagsabi na sarado and paaralan. Nagbigay ito ng kalituhan kay Tutu."
Unang Araw ng Eskwela

"Pagkatapos, nagbihis na si Tutu. Ang kanyang damit ay kasyang-kasya. Ang pantalon rin nya ay kasya sa kanya. Maging ang sapatos nya ay eksaktong eksakto sa kanya. At ang kanyang dilaw na bag ay hindi mabigat, ito ay tamang tama sa kanya."
Unang Araw ng Eskwela

"Habang oras ng pahinga, si Tutu at ang kanyang mga kaibigan ay naglaro sa bakuran. Hanggang ngyon, ito ang pinakamasayang unang araw ng klase!"
Unang Araw ng Eskwela

"Tuloy tuloy ang iyak ng sanggol. Tinakbo nila ito sa loob ng bahay. Asan si Ma?"
Don't Wake the Baby!

"Pagkilala Una sa lahat, nais naming pasalamatan ang pagiging bukas na ipinamalas ni Durga Lai Shrestha sa pagyakap sa proyektong ito. Siya ay isang inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng malikhaing mangangatha. Isang mainit na pasasalamat sa ilustrador Amber Delahaye mula kay Stichting Thang na humawak ng workshop sa pagguhit. At bilang pagtatapos, ang aklat na ito ay hindi magiging posible kung wala sina Suman at Suchita Shresta, mga anak ni Durga Lai Shrestha, at sa kanyang asawa, Purnadevi Shrestha na laging nasa kanyang tabi."
Hoy Makaw!

"Thump! Thump! Thump! Parang tunog ito ng tumatalbog na bola, pero alam kong mga bota iyon ni Tatay."
Ang Sapatos ni Tatay

"Sinuot ni Malik ang bota ni itay. Plop! Kahit na ito ay mataas nagawa pa din n'yang tumayo ng tuwid."
Ang Sapatos ni Tatay

"Lola, ang ibon na ito ay gusto ang mais ko."
Magbilang ng Ibon

"Mayroong ilang mga bata na namuhay sa gilid ng isang lungsod. Nakatira sila malapit sa isang malaking tambak ng basurahan. Napakalaki ng basurahang ito kasing lawak ng hanggang sa kayang makita ng iyong mga mata."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Ang mga batang ito ay hindi nag-aaral sa paaralan. Sila ay namumulot sa basurahan ng mga boteng gawa sa plastik at mga malilit na piraso ng tela. Lahat ng maaaring makuha at mapakinabangan sa basurahan ay kanilang kinokolekta."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Isang araw nakita ng mga bata ang tirahan ni Didi sa isang aklat. Umalis sila upang hanapin siya. Dinala nila ang isang bag ng mga aklat. Kaya ng basahin ng mga bata ang pangalan ng bus. Hinanap nila ang pangalan numero ng kalsada na tinitirhan niya. Kaya nila itong gawin lahat dahil itinuro ito ni Didi sa kanila."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Hinanap ng mga bata ang kanyang bahay. Taas baba silang tumitingin sa bawat daanan. Subalit hindi nila it makita. Sa oras na sila ay pabalik na, may nakakita ng isang pulang dupatta. Ito ay nakasabit ito sa isang kawit malapit sa bintana."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Ngayon, araw-araw na uling pumupunta si Didi pati na rin ang mga bata. Maaari mong makita ang mga ito tuwing gabi. Maririnig mo silang nagtatawanan. Maririnig mo silang nagbabasa. Masasabi mong nagkakasayahan sila. Ang mga bata, si Didi at mga libro."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Gawa sa kahoy ang tahanan ko at ito ay nasa silong. Sari-sari ang itinitinda ng aking ama't ina sa bahay namin."
Iba't ibang Uri ng bahay

"Ang bahay ko ay gawa rin sa semento, ngunit ito ay nasa unang palapag. Nagbukas ng panahian ang aking tiya sa may bahay."
Iba't ibang Uri ng bahay

"Pagkilala Una sa lahat kami ay lubos na nagpapasalamat sa pagiging bukas palad ni Durga Lal Shrestha sa lubos na pagtanggap ng proyektong ito. Isa siyang inspirasyon para sa susunod na henerasyon na may malikhaing imahinasyon. Pasasalamat din sa ilustrador na si Amber Delaheya mula sa Stichting Thang na siyang humawak ng illustration workshops. At higit sa lahat, ang akdang ito ay hindi magagawa kung wala sina Suman at Suchita Shrestha, na mga anak ni Durga Lal Shrestha's at ang kaniyang kabiyak, Purnadevi Shrestha na palagi niyang karamay."
Alitaptap

"Nang dumating na ang mga ibon at mga hayop. Sabi ng Lobo "kailangan kong maghanda para sa kasal ng aking anak na lalaki pero hindi ko ito magagawa mag-isa, pwede niyo ba akong tulungan?""
Ang Kasal ni Lobo

"Hindi nagtagal ay napagtanto ni Palaka ang kanyang pagkakamali. Sa pag-ulan unti unting nagkaroon ng putik, nalinis niya ang kanyang lalamunan at inawit ang tamang kanta. "Sikawa-Barahi nakatali sa isang gilid at isang lubid ng isda na nakalawit mula sa kabilang panig, Walang laman ang takip, ang lalaki ay humakbang ng lima at inihahatid ng kanyang Ina" * Ang Sikawa-Barahi ay isang lubid na ginamit ng mga pamayanan ng Tharu upang magdala ng mga kalakal. Sa kuwentong ito ginagamit ito upang magdala ng mga pagkain para sa kasal."
Ang Kasal ni Lobo

"Dahil sa sobrang takot sa masamang elepante, ang maliliit na hayop ay hindi makalabas upang maghanap ng pagkain hangga't hindi ito nakakatulog."
Ang tipaklong laban sa elepante

"Ang grupo ng mga tipaklong ay nag tipon tipon upang palibutan ang elepante upang mapaalis ito sa kanilang tirahan."
Ang tipaklong laban sa elepante

"Ang biglaang pag ataki ng mga tipaklong sa masamang elepante ang siyang nag pataboy sa masamang elepante. Kumaripas ng takbo papalayo at hindi na kailan man ito bumalik."
Ang tipaklong laban sa elepante

""Bumalik ka at bisitahin kami kaagad, Sasha," sigaw ni Bluey. Si Mere at ang kanyang mga kaibigan ay kumaway pabalik kay Sasha. Pinagmamasdan siya ng mga ito hanggang sa mawala siya sa dagat. “Natutuwa kaming nakatulong kami,” masayang sabi ni Mere."
Ang Pagkikita Nina Mere at Sashang Sirena

"Hinihimok ng may-akda, ilustrador, at CANVAS ang pagbabahagi ng aklat na ito at pagsasalin ng teksto, ngunit hiniling namin na ang mga imahe mismo ay huwag baguhin. Maraming Salamat."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"May isang humuhuning ibon ang nagpaiwan. Lumipad ito sa ilog, kumuha ng maliit na patak ng tubig gamit ang tuka nito, lumipad pabalik, at ibinuhos ang patak na iyon sa apoy."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Paulit-ulit, pabalik-balik, lumilipad ito sa ilog, sa bawat oras na kumuha ng isang solong patak at ibubuhos sa apoy."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Habang tinitingnan niya ang dalampasigan, nakakita siya ng isang pigura na gumagalaw na parang isang mananayaw. Nang malapit na siya, nakita niya na ito ay isang batang babae, at hindi siya sumasayaw. Sa halip, yumuko siya, kinukuha ang isdang-bituin, at dahan-dahang hinahagis ang mga ito pabalik sa karagatan. Sumigaw siya, "Magandang umaga! Ano ang ginagawa mo?" Ang batang babae ay huminto, tumingala, at sumagot, " Ibinabalik sa karagatan ang isdang-bituin upang hindi sila mamatay.""
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

""Wag ka ng mag-abala," sabi ng lalaki. "Napakarami ng mga isdang-bituin. Wala ring mababago". Magalang na nakinig ang batang babae. Pagkatapos ay yumuko siya, kumuha ng isa pang isdang-bituin, at itinapon ito sa dagat, nadaanan ang mga alon. Pagkatapos ay tumingin siya sa lalaki, ngumiti, at sinabing, "Sa gayon, nakagawa ito ng pagkakaiba sa isang iyon!""
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Di-nagtagal matapos mawala ang mga puno, isang tuyong hangin sa timog ang nagsimulang humihip. Umiihip ito araw araw. Nagsimulang matuyo at mamatay ang mga pananim na gulay. Ang mga tao sa kanilang mga bahay ay walang magawa habang pinapanuod na hanginin ang kanilang mga hardin at ikalat ang mga patay na halaman sa buong lupain."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Di-nagtagal matapos mawala ang mga puno, isang tuyong hangin sa timog ang nagsimulang humihip. Umiihip ito araw araw. Nagsimulang matuyo at mamatay ang mga pananim na gulay. Ang mga tao sa kanilang mga bahay ay walang magawa habang pinapanuod na hanginin ang kanilang mga hardin at ikalat ang mga patay na halaman sa buong lupain."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Ang kanyang paboriting oras ng araw ay pagkatapos ng paglubog ng araw. Kung saan ang paligid ay madilim na para makita ang mga halaman. Alam ni Wangari na ito ay oras na ng pag uwi. Kailangan nyang sundan ang maliit na daan sa bukid patawid ng ilog upang sya ay makauwi."
A Tiny Seed

"Sa unibersidad ng Amerika marami syang bagong natutunan. Sya ay nagaral ng halaman at kung paano ito lumago. At naalala nya kung paano din sya lumaki: nakikipaglaro sya sa kanyang mga kapatid sa lilim ng puno sa magandang kagubatan ng Kenya"
A Tiny Seed

"May nahulog. Cling! Cling…cling. Hurray! Nalaglag ito malapit kay Koni. Pupulutin ba ito ng bata?"
Isang natatanging kwentas

"Kumuha si Olin ng isang mahabang bagay. Ikinabit niya ito sa katawan ni Koni."
Isang natatanging kwentas

"Tuwing umaga, ang guro ay nagsusulat ng mga bagay sa pisara. Sa isang malakas na tinig, sinabi niya sa mga bata na kopyahin ito sa kanilang pasigan. Tapos lalabas na siya. Kung ang mga batang lalaki ay maaaring kopyahin ang kanyang mga bagay mula sa pisara nang maayos, tiningnan ito ng guro. Kung hindi nila ito magawa, nagalit ang guro. Kapag siya ay nagalit, tatawagin niya ang mga bata ng mga pangalan at kung nagalit siya ay matalo niya sila nang husto."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Isang araw, sumulat ang guro ng ilang kabuuan sa pisara. Madali ang kabuuan ngunit nakakasawa. Hindi gusto ni Moru na gawin ang mga ito at wala siyang pasigan. Nasira ang kanyang pasigan at walang pera ang kanyang ina upang makabili ng bago. Sa halip ay binilang niya ang daan-daang mga langgam na umaakyat sa dingding. Tumingin siya sa puno sa labas at napansin na perpekto ang mga dahon. Ang mga perpektong dahon ay may perpektong mga anino. Sa kanyang isipan, binibilang ni Moru kung gaano karaming mga sirang ladrilyo ang nandoon sa kahabaan ng compound wall ng paaralan. Kinakalkula niya na kung ang bawat ladrilyo ay nagkakahalaga ng limang rupees ay kukuha ng higit sa isang libong rupees upang mapunan ang lahat ng mga puwang at sirang puwang sa dingding."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Kinaumagahan, ginising siya ng ina ni Moru sa oras para sa paaralan. Ngunit hindi tumayo si Moru. Humiga siya sa makitid na kama na mahigpit na nakapikit. Susunod na araw ito ay ang parehong kuwento, at sa susunod na araw at sa susunod. Walang makapaniwala kay Moru na bumalik sa paaralan. Isang linggo ang lumipas at pagkatapos ay isang buwan. Umupo si Moru sa pader sa harap ng kanyang bahay."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Minsan mawawala siya sa merkado ng maraming oras. Susubukan niyang ipalipad ang kanyang saranggola mula sa terasa ngunit hindi ito masaya dahil walang laman ang kalangitan. Pinagalitan siya ng kanyang ina, inaasar siya ng kanyang kapatid, pinakiusapan siya ng kanyang lola, sinuhulan siya ng kanyang tiyuhin at sinubuan siya ng kanyang mga kaibigan. Ngunit walang makapaniwala sa kanya na bumalik sa paaralan."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Pagkatapos ay dumating ang mga libro na may mga numero. Bumagal ang mga mata at daliri ni Moru. Ang mga numero ng taba ay sumayaw kasama ang mga payat. Ang dalawang numero na balanseng isa sa tuktok ng iba pa tulad ng isang hindi matatag na gusali na naghihintay pa rin na mapunan ang silong. Ang mga dumaragdag na kabuuan ay tumingin maikli at naglupasay at tumaba at tumaba sa ilalim ng lumaki ang mga numero. Ang dibisyon ay nasa kabaligtaran lamang. Nagsimula ka sa maraming at pagkatapos kung ikaw ay maingat, pinagtrabaho mo ito upang lumikha ng isang mahabang manipis na kaaya-aya na buntot. Kung ikaw ay mapalad ay walang maiiwan. Isa-isa ang lahat ng mga numero at ang kanilang mga lansihin ay bumalik sa Moru."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Madilim at walang ilaw ang paaralan. "Kailangan mong umuwi ngayon, Moru, ngunit makakabalik ka bukas," sabi ng guro. "Ngunit maaari ka bang dumating kapag ang mga bata ay narito mangyaring?" Susunod na araw, kaagad pagkatapos magsimula ang paaralan, dumating si Moru. Nagulat ang mga bata nang makita siya at medyo natakot. Sa ngayon si Moru ay sikat bilang isang 'dada' ng kapitbahayan. "Mayroon akong makakatulong sa akin ngayon," sabi ng guro. Inilagay niya si Moru kasama ang mga nakababatang bata. Mayroong mga libro kung saan dapat magsulat ang mga bata. "Mangyaring, maaari mo bang tulungan ang mga bata na ayusin ang mga numerong ito sa pataas at pababang pagkakasunud-sunod?" Ang maliit na mga bata ay nag-agawan sa paligid ng Moru; namangha sila na ang isang matigas na kapwa tulad ni Moru ay may alam ng lubos."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Pinatayo ni Moru ang mga bata sa isang linya - ang pinakamaliit na bata sa isang dulo at ang pinakamataas sa kabilang dulo. Binigyan niya sila ng mga numero na hahawak. Ngayon ay madali na. Tulad ng sa mga maiikling bata at matangkad na bata, madaling malaman kung sino ang ilalagay kung saan, pareho ito sa mga numero. Araw-araw ay pupunta si Moru nang kaunting sandali at araw-araw ay bibigyan siya ng guro ng isang mas malaki at mas malaking gawain na dapat gawin. Araw-araw natagpuan niya ang kanyang pagmamahal sa mga numero ay lumalakas at araw-araw ang kanyang kaguluhan at kasanayan ay hinihigop ng maliliit na bata."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Naroon si Moru. Nakayuko ang kanyang ulo, at tinitigan niyang mabuti ang kanyang notebook. May nakakunot na konsentrasyon sa kanyang noo at malalim na pagsipsip sa kanyang mga mata. Siya ay abala sa paglutas ng mga kumplikadong problema sa matematika kasama ang lahat ng iba pang mga bata sa kanyang edad. Tumingin din ang guro, at ngumiti siya sa kanyang malambot na mainit na ngiti sa ina ni Moru. Masaya siyang ngumiti pabalik. Si Moru ay nasa paaralan muli. Sa pagkakataong ito ay lalo siyang natuto. At higit sa lahat, sa pagkakataong ito ay minahal na niya ito."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Talagang nadama ng batik-batik na manok ang mainis. - Sa lahat ng pag-aalaga ng kanyang granny, siya pa rin ay humihingi ng higit pa? Hindi ito matulungan, Ang batik-batik na manok ay ibinigay sa maliit na buntot ang isang tuka at sinabi. - Itigil mo ang iyong pagka-inis. Gusto mo ba siyang ubusin ang maghapon para suyuin ka?"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Noong unag panahon, ang araw ay napakatamad. Sumisikat lamang ito kung kailan niya gusto."
Ang Araw at Gabi

"Si Dolly Ducky ay may maliit na pulang payong na ibinigay sa kanya ng kanyang pinakamamahal na Lola. Kapag maaraw, kapag maulap, dinadala ito ni Dolly saan man siya magpunta."
Si Dolly at ang kanyang Munting Pulang Payong

"Isang umaga, isang puting kuneho ang dumating sa hardin upang kumain ng gulay. Wow, ang mga gulay na ito ay malaki at berde! Dapat silang maging masarap! sabi niya sa sarili."
Ang Kuneho at Uod

"Tumalon ang kuneho sa susunod na bukid. Nakita niya roon ang isang kasaganaan ng mga sariwang gulay. Ang mga gulay na ito ay malaki at sariwa, sinabi niya sa sarili. Mukha silang masarap!"
Ang Kuneho at Uod

"Tinahak ng trak ang mga tubo ng asukal, mga bulubundukin, tulay na kahoy at ang kakahuyan. Di alintana ang mga ito upang patuloy na kumanta ang mga pasahero."
Isang Pagdiriwang

"Oh, hindi ito isang aktwal na bike, sa hugis lamang ng isa. "Magkano po ang bisekleta manong?" "Labinlimang libong rupiah," sabi ng nagbebenta. Walang sapat na pera si Euis. Aha! Nakakakuha siya ng ideya."
Isang Pagdiriwang

"Natuwa din si nanay, dahil naibenta niya lahat ng asukal sa palma. Laging maaalala ni Euis ang kagalakan ng pista. Mahal na mahal niya ang jipang paruparo at niyakap niya ito hanggang sa pag-uwi."
Isang Pagdiriwang

"Kinanta nya ito ng malakas at malinaw. Patuloy syang kumakanta kahit ang iba ay huminto na."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Di naglaon gumuhit ang munting kambing ng paru-paro, bangka, at puno. Nangalap ng mga dahon at bulaklak si piggy at idinagdag ito sa larawan."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Isang gabi, ang batang kambing ay nakatulog agad. Sa kaniyang panaginip, nakita niya si Piggy kasama ang lahat ng kambing na may kakaibang sungay na nagsasayaw sa hardin. "tumalon, umindak, sumigaw ng malakas Maaaaa! Tumalon, umindak, sabay-sabay sabihing baaaaaa!" Sa panaginip na ito siya ang nangunguna sa sayaw. Napabuntong hininga ang batang kambing at nagpatuloy managinip ng maganda."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Ang kanilang Ina ay nagalit. "Dira dapat matuto kang maging mapagbigay sa kapatid mo!¨ Nagdabog si Dira pabalik sa kaniyang kwarto, umakyat ito sa kama nagtalukbong ng kumot at natulog."
Si Dira at Chaku

"Nagdesisyon si Dira na tumakbo palabas ng bahay. Biglang may grupo ng elepante na naglabasan mula kung saan. Hindi ni Dira malampasan ang mga ito sa halip ay lumambitin siya sa pangil ng isa sa mga elepante at sumakay sa likod nito."
Si Dira at Chaku

"Narinig ni Dira ang boses ng kanyang ina. "Huwag kang matakot," sabi niya. Niyakap ito ng Ina. "Nanaginip ka lang ng masama." Narinig ni Chaku ang mga sigaw at tumakbo sa kwarto ni Dira. "Gusto mo bang maglaro bukas ng umaga?" tanong ni Chaku. "Okay," nakangiting sabi ni Dira. "Pwede natin parehong laruin ang laruan kong elepante.""
Si Dira at Chaku

"Hinati ng kanilang Nanay ang mangga at ibinahagi nya ito kila Meena at Raju. Nalungkot si Meena ng makita nyang mas malaki ang bahagi ng mangga na napunta kayt Raju. Nong sya ang nag protesta, ang sabi ng kanyang Lola ang mga lalake ay palaging dapat mas madaming kinakain kesa mga babae."
Hating Kapatid

"Pinagalitan ni Lola si Meena dahil gusto rin nya ng itlog, ngunit ang sabi ng Tatay hindi ito patas dahil ang mga bata ay sabay na lumalaki, at sila ay parehong nag ta-trabaho ng maigi."
Hating Kapatid

"Napagtanto ni Meena na si Lali ay nakawala at pumunta sa taniman ng gulay. Hinabol nya si Lali ng napakatagal bago nya ito mahuli."
Hating Kapatid

"At binahagi nya ang prutas kay Meena, pina ngako ni Raju na tutulungan nya ito sa mga gawaing bahay kung kaya nya. Sabi ni Meena kay Raju na ang pagbabantay kay Lali ay hindi madali."
Hating Kapatid

"Nahiya ang Hari sa itsura ng prinsipe kaya itinago ito sa isang tagong silid ng palasyo."
The King's Secret

"Nangako ang barbero na hindi niya ito ipagsasabi. Lumipas ang mga araw at nagsimulang lumaki ang kaniyang tiyan. “Kailangan kong masabi ito sa iba, kung hindi sasabog ang aking tiyan!” naisip ng barbero."
The King's Secret

"9 dalubhasang siyentipiko na kinakalkula ang orbit. Pinag aaralan ng mga siyentipiko kung anong landas ang tatahakin ng satellite kapag ito ay nasa kalawakan. Ang landas ay tinawag na orbit."
3…2…1… Blast Off

"Ang BULALAKAW ay malalaking tipak ng yelo, bato at gas. Umiikot ito sa araw pero kadalasan ay malayo sa ating mundo. Sa pagdaan nito, nagiiwan sila ng bakas na mistulang buntot. Ang ilan sa sikat na bulalakay ay ang Hale-Bopp, Halley, Hyakutake and Shoemaker-Levy."
3…2…1… Blast Off

"Ang mga DWARF PLANET ay tulad ng mga planeta ngunit ang mga ito ay mas maliit at wala pa silang malinaw na landas sa paligid ng Araw. Nangangahulugan ito na ang mga bagay tulad ng asteroid at kometa ay magkalat sa kanilang landas. Ang Pluto, Ceres, Eris, Makemake at Haumea ang bumubuo sa limang kinikilalang mga dwarf planeta ng ating solar system."
3…2…1… Blast Off

"Ang KASUOTANG PANGKALAWAKAN o SPACESUIT ang nagbibigay proteksyon sa mga astronaut sa kalawakan. Ang mga kasuotang ito ay may suplay na oxygen para sa astronaut upang makahinga at makainom ng tubig. Iniiwasan nito na makaramdam ang mga astronaut ng labis na init o labis na lamig, at pinangangalagaan sila laban sa alikabok mula sa kalawakan."
3…2…1… Blast Off

"1 umuungal na rocket na handa nang umakyat! Ang ROCKET ay isang self-propelled na sasakyan na maaaring mag-shoot sa kalawakan. Ginagamit ito upang ilunsad sa kalawakan ang mga satellite na gawa ng tao."
3…2…1… Blast Off

"Isang araw, ang mga kaibigan ni Tipaklong ay hindi maayos ang pakiramdam at napagpasiyahang manatili sa bahay. Hindi ito binigyang pansin ni Tipaklong. Siya ay tumakbo palabas at naglaro pa rin."
Nagsalita na si Tipaklong

"Nakahanap ng patpat si Tipaklong para gawin itong tulay. Nagsimulang maglakad si Kuliglig pero nadulas ito at nahulog."
Nagsalita na si Tipaklong

"Ngunit mas lalong nagalit ang Ulap. Mas naging makapal ito at madilim at ayaw nitong umalis!"
Ang Selosong Ulap

"Sobrang gusto ni Dholma si Yakko. Tuwing umaga ay binibigyan niya ito ng masarap na gatas at tuwing malamig naman ay binibigyan niya ito ng sumbrero at balabal na mabalahibo."
Ang panaginip ni Dholma

"Natangay siguro ito ng hangin. Nakain ni Yakko ang balot ng pagkain kasama ang mga damo."
Ang panaginip ni Dholma

"Ang saya namin pareho, dahil ito ay napakaganda!"
Si Didi at ang kanyang Motorsiklo

"Tinitigan lang namin ito at wala kami masabi."
Si Didi at ang kanyang Motorsiklo

"Napakasaya ng araw na ito para kay Radinka at Emma!"
Emma

"Oh hindi, ito ay isang pag-atake ng gansa!"
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Hmm... ang itlog ay hindi kasing sarap gaya ng dati. Hindi pa ito masyadong maalat. Walang ibang magagawa si Arin kundi maghintay."
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Aha! May makinang na liwanag doon. Siguro ito ang sinag ng buwan. Kailangan kong magpunta doon."
Misyon ni Alates

"Balik hindi pala ito pinang mumulan ng ilaw. Tubig! Bakit maraming alitaptap doon?"
Misyon ni Alates

"Ah! Mayroong mas maliwanag at mas mainit na ilaw sa bandong roon. Siguro ito na ang sinang ng buwan."
Misyon ni Alates

"Oh! Anong uri ito ng nilalang? Ang mga mata nya ay lumilinaw."
Misyon ni Alates

"Ang librong ito ay ginawa na may proyektong nakatuon sa Agham at Teknolohiya, engineering at matimatika (STEM) na may temang pambata sa pangaraw-araw na buhay. Ang proyektong ito ay sinamahan ng halos puro mga babaeng manunulat, ilustrador, patnugot, at taga disenyo."
Misyon ni Alates

"Ang librong ito ay nadevelop mula sa mga tagapaglimbag at pagawan sa pagtutulungan ng Litra Foundation and The Asia Foundatio through the Let's Read program na sinusuportahan ng Estee Lauder Companies Charity Foundation (ELCCF). Let's Read ay isang digital na silid aklatan para sa mga bata. Ito ay napakaraming koleksyon ng mga storya para mas madali nilang mabasa at ito ay libre. Ang Litara Foundation ay isang organisasyong non profit ang hangarin lamang ay mag promote ng literasy sa mga bata."
Misyon ni Alates

""Tama, Lunes nga, ika-21 ng Pebrero. Ang araw na ito ay mahalaga dahil ipinagdiriwang naten ang ating katutubong wika. Noong 19 52,ang mga mamamayan ng Pakistan sa Kanluran, na tinatawag ng Bangladesh sa ngayon, ay ipinaglaban at ipinanalo ang karapatan na magsalita ng Bangla. Pero ito ay hndi naging madali at maraming tao ang nasawi. Kada taon sa araw na ito at ipinagdiriwang natin ang lahat ng wika sa buong mundo at ang karapatan na bigkasin ito.""
Ekushey February

"Ang ika-21 ng Pebrero ay ang International Mother Language Day. Ipinagdiriwang ng araw na ito ang kalayaan ng bawat isa na magsalita sa kanilang sariling wika. Sa araw na ito noong 19 52,ang mga tao ay pinatay habang nagpoprotesta para sa karapatang mag-aral sa Bangla, ang wika ng lupain."
Ekushey February

"Ang Mahiwagang Ilog ay laging payapa at maganda. Ito ay umaagos sa gitna ng nayon sa tabi ng bundok. Lahat ng tao sa nayon ay umaasa sa ilog. Dito sila kumukuha ng tubig at pagkain at ito ang pangunahing paraan nila ng paglalakbay."
Mahiwagang Ilog

""Mangyaring tulungan mo ako," sabi ng ilog. "Ayokong maging pangit at masama, ngunit hindi ko ito mapigilan. Ang mga bagay na inilagay sa aking katubigan ay nagbago sa akin.""
Mahiwagang Ilog

"Mula sa araw na iyon, hindi na muling dudumihan ng mga taga baryo ang tubig. Nanatili ito sa kanilang Mahiwagang `ilog na binibigyan si Thida at ang kanyang mga kaibigan ng ligtas at espesyal na lugar upang maglaro."
Mahiwagang Ilog

"'Ito ay mga mahiwagang sapatos. Ang mga ito ay gawa sa halaman ng dyut, ang ginintuang damo na tumutubo mula sa iyong inang bayan. Dadalhin ka nila kung saan mo gustong magpunta at palagi ka ding sasamahan sa paguwi. At, saan ka man magpunta, mag-iiwan ka ng magandang bakas'"
Gintong Sapatos

"Sa pag iisip na mas madali niyang maaakay ang bisikleta kung may unting hangin ito kaysa flat, dinikitan ni Darshana ng chewing gum ang butas sa gulong. “Nakakatawa man ang ideya na ito pero baka sakaling makatulong,” ani sa isip."
Darshana's Big Idea

"Kailangan niyang mahikayat na bumili ang mga bata sa paaralan. Ngunit paano? Ang naisip niyang mabisang paraan ay ipakita sa mga ito kung gaano kaastig ang mga stickers kapag nasa mga bisikleta na nila! Naisipan niyang mamigay ng libre sa ilang mga kabataan na kanilang ididikit sa kanilang mga bisikleta."
Darshana's Big Idea

"“Napakahuhusay niyong negosyante!” Ani tiyo Nimo. “Salamat tiyo! Hindi ko po maisasakatuparan ang ideya ng negosyong ito ng wala ang iyong tulong. Gusto niyo na po bang marinig ang sunod na ideyang meron ako?”"
Darshana's Big Idea

"Ang kandilang ito ay isang orasan, ang sabi ng segundong kamay. Nakita mo ba ang mga guhit sa waks? Ito ay tumatagal ng dalawampong segundo bago masunog ang bawat marka."
Ang Kapangyarihan ng Oras

"Nang umagang ding iyon, merong bagong balita sa telebisyon tungkol sa isang malaking Ben, Ang toreng orasan kung saan iniwan nya ang kanyang sapatos! Sa unang pagkakataon sa loob ng isang daan at limamput' walong taon himinto ito sa pag galaw."
Ang Kapangyarihan ng Oras