Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #2 (2021-01-27 21:28)
Nya Ξlimu
Added letter-to-allophone mapping
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "ba", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (100)

"Ang dilim naman! May tao ba diyan? Sino iyan?"
Hindi na Ako natatakot!

"At ang ingay na yon? Krak, krak, krak! Ano ba iyon."
Hindi na Ako natatakot!

"Nakikita ba ni Sophea ang puno ng Champei? Nakikita ni Sophea ang puno ng Champei."
Ang Paglalakbay sa Hardin

"Nakikita ba ni Sophea ang mga ibon? Nakikita ni Sophea ang mga ibon."
Ang Paglalakbay sa Hardin

"Nakikita ba ni Sophea ang mga paru-paro? Nakikita ni Sophea ang mga paru-paro."
Ang Paglalakbay sa Hardin

"Nakikita ba ni Sophea ang bag na plastik? Nakikita ni Sophea ang bag na plastik."
Ang Paglalakbay sa Hardin

"Nakikita ba ni Sophea ang basurahan? Nakikita ni Sophea ang basurahan."
Ang Paglalakbay sa Hardin

"Hmm... ano nga ba ang gusto ko? Hoy tingnan niyo! Mayroong nagtitinda ng sorbetes."
Sa aking Paglaki

""Lumabas ka riyan! Nakakatakot ba ako?" Tanong ni Nita at tinawanan ang bata. May tunog na nanggagaling sa kamay ng kakaibang batang lalaki, toot, toot. Lumabas siya mula sa likuran ng puno."
Green Star

"Mahahanap mo ba ang karot?"
Matalinong Baboy

"Iyon ba ang kaniyang bote? O ito ba ay isang sasakyang pangkalawakan?"
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Tumingin si Chiu sa pisara na nagtataka, "Iyon ba ay mga isdang lumalangoy sa dagat?""
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Napatitig si Chiu sa kulay berdeng patak ng pintura sa ibabaw ng kaniyang sapatos at napaisip siya. "Madulas ito at mukhang gulaman. Palaka ba ito?""
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Ipinakita ni Dr. Nikita ang isang tsart. "Ang mga langgam ba na iyon ay nagmamartsa sa mga pahina?" tanong ni Chiu."
Ang Kapangyarihan ni Chiu

""Nawala ba ang bisa ng aking mahika, doktor?" tanong ni Chiu. "Ipikit mo ang iyong mga mata at managinip ka. Manunumbalik ang iyong mahika", wika ni Dr. Nikita."
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Ang Lalagyan ng SalaminHindi suot ni Chiu ang kanyang salamin at malabo ang kanyang paningin. Maaari mo ba siyang tulungan?"
Ang Kapangyarihan ni Chiu

"Ang bola ba ay nasa kaniyang kama?"
Ang Nawawalang Bola

"Ang bola ba ay malapit sa damitan? Nasa ilalim ba ito ng mga damit?"
Ang Nawawalang Bola

"Lumingon sa kaniya ang kapatid at sinabing "gusto ko ng pulang halamang may kakaibang maliliit na sanga." Alam kaya ni Tuna iyon? Nag-isip nang nag-isip si Tuna at saka sinabi, "Aha. Pulang lumot ba ang ibig mo! Saan ka nakakita ng ganoon?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Tinanong siya ni Tuna, "pero hindi tayo kumakain ng lumot." Naglabas siya ng pagkain at sinabing, "Ayaw mo ba ng mga pusit o hipon? O baka gusto mo ng alumahan?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Dahan-dahan niya itong nilapitan at sinabing, "Kailangan ko ng pulang lumot na mula sa pinakailalim ng dagat para sa kapatid kong si Twain. Maaari mo ba akong ikuha ng kaunti?" "Patawad, kaibigan, ngunit napakabagal ko," sagot ni Kabayong-Dagat. "Balikan mo ako pagkaraan ng isa o dalawang araw.""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Naalala ni Tuna si Lamprea. Mabilis niya itong pinuntahan at nakita niya itong nakakabit sa isang salmon. Tumingin siya dito at sinabing "Kailangan ko ng lumot para sa kapatid kong si Twain. Maaari mo ba akong ikuha ng ilan?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Pinuntahan ito ni Tuna at sinabing "Kailangan ko ng lumot para sa kapatid kong si Twain. Kaya mo ba akong ikuha ng kaunti?" "Siyempre, kaya ko," sagot ni Sapsap, "pero ano'ng ibibigay mong kapalit?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Malaking ipin, kakaibang itsura at ilaw na nagmumula sa kanyang ulo! Oh, isa ba itong isdang me malaking ipin?"
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Dapat na ba siyang umuwi sa kaniyang Tatay?"
Isang Luntiang Araw

"Alam mo ba na may pagkakatulad ang langaw-prutas sa tao? Natatandaan nila ang mga bagay-bagay at nagkakasakit din sila gaya natin! Kaya naman gustong pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang mga langaw-prutas sa kalawakan. Kung tutuusin, mas madaling magpadala ng mga langaw sa kalawakan kaysa ng mga tao! At ito rin ang dahilan kung bakit ang mga langaw-prutas ay itinuturing na mga modelong organismo."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Lumapit si Tutul sa kaniyang ina. "Kaarawan ng kaibigan ko Inay. Maaari mo po ba akong bilihan ng tsokolate?" sabi ni Tutul."
Ang Regalong Tsokolate

"Tumungo naman si Tutul sa kanyang Itay. "Itay, maaari mo po ba akong bilihan ng tsokolate?" pakiusap niya."
Ang Regalong Tsokolate

"Pumunta siya sa tindahan. "Ako ang ina ni Tutul. Maari mo ba akong bigyan ng isang tsokolate." sabi niya sa tindero."
Ang Regalong Tsokolate

"Muling bumalik si Tutul sa tindahan. "Ako ang ama ni Tutul, maaari mo ba akong bigyan ng isang tsokolate?" pakiusap niya sa tindero."
Ang Regalong Tsokolate

"Nagmamadali siyang bumalik muli sa tindahan. "Ako ang Lolo ni Tutul, maaari mo ba akong bigyan ng isang tsokolate?" patuloy na pakiusap niya."
Ang Regalong Tsokolate

""Mama, ano po iyon?" "Iyon ay isang padausdusan," sabi ni Mama. "Maari po ba akong maglaro doon?" tanong ni Tumi. "Oo naman!" sabi ni Mama."
Si Tumi ay Namasyal sa Parke.

"Sadyang kakaiba ang mga lola natin, Nagbibigay surpresa sa atin! Alam mo ba na ang lola ko ay nagsisirko? Kaya't ang mapalapit sa kanya ang s'yang aking gusto!"
Ang Lola kong Naghahagis at Sumasambot ng mga Bagay

"Minamahal na Mambabasa, Nakakita na ba kayo ng mga naghahagis-sambot sa sirko?"
Ang Lola kong Naghahagis at Sumasambot ng mga Bagay

"Ano ang hinahagis nila sa hangin? Sa palagay n’yo ba ay posible ring ihagis at sambutin ang mga bagay na ginamit ng lolang ito?"
Ang Lola kong Naghahagis at Sumasambot ng mga Bagay

"Ikaw ba ay tulad ng batang ito?"
Isang Araw sa Kalawakan

""Nasaan ang buwan?" Tinanong nila ang isang kumikinang na kabayong may sungay ng direksyon. "Paano ka naging ganyang kakintab?" "Alam mo ba kung saan gawa ang buwan?" "Ikaw, saan ka naman gawa?""
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

" "AKO'Y ISANG ABA!" tangis ng bagong boses. "Mananatili na lang ba ako rito habambuhay?""
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

""Hindi natin nalaman kung saan gawa ang buwan," ani Madhav. "Sino ba ang may pakialam doon? Nais kong malaman kung saan gawa ang mga bituin!" ani Naina, maraming nakikitang pakikipagsapalaran ang kanyang mga mata."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

"Kailangang lumaki agad ang mga puno upang higupin ang mataas na bahagi ng carbon dioksido sa hangin. Pero bakit hindi pa lumalaki ang mga puno? Hinintay ng lahat sa Siyudad ng Usok na ang mga puno ay lumaki. Nais nilang lumanghap ng preskong hangin. "Bulok ba ang mga buto? Niloko ba ako ng mga aerospotics?" naisip ni Raymie. Nang biglang..."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Wika ng kanyang ina: " Ilang mangga ba ang gusto mo?"."
Tayo ay Magbilang

""Aangi, nanglo ba ang bagay na iyan?" Tanong ni Jyomo."
Ang regalo para kay Jyomo

""Ito ba ay plato?" tanong ni Jyomo."
Ang regalo para kay Jyomo

""Handa ka na ba sa unang araw ng pasukan, Urgen?" tanong ni Urmu. "Handa na ako, Nana," sabi ni Urgen sa kapatid."
Nasasabik sa eskwelahan

"Maaari ba kayong tumingin sa paligid at humanap ng higit pang mga Hugis at CATS"
Cube Cat, Cone Cat

"Ano ang pagkakaiba ng mga ibon? Ang agila na ito ay may mga pakpak na mahaba at malapad. Ang mga ibon ba ang tanging mga hayop na may pakpak?"
Patungkol sa mga Ibon

"Ang mga ibon lang ba ang may mga tuka."
Patungkol sa mga Ibon

"Ang mga ibon ba ang tanging mga hayop na nangingitlog?"
Patungkol sa mga Ibon

"Ang lalaking bird of paradise ay may maliwanag na kulay. Ang ibon lang ba ang may maliwanag na kulay?"
Patungkol sa mga Ibon

"Ang aguila at seagull ay may matalas na mata. Ang ibon lang ba ang may matalas na mata?"
Patungkol sa mga Ibon

"Ang cassowary at owl na ito ay may matatalas na kuko. Ang mga ibon ba ang tanging mga hayop na may matalas na kuko?"
Patungkol sa mga Ibon

"1. Ang mga ibon lang ba ang may mga pakpak? 2. Ano pang mga hayop ang may mga pakpak? 3. Ang mga ibon lang ba ang mga nangingitlog? 4. Ano pang mga hayop ang nangingitlog? 5. Aling PNG ng ibon at insekto ang may matitingkad na kulay? 6. Bakit kailangan ng mga hayop ang matatalas na mata? 7. Bakit kailangan ng mga ibon at ibang hayop ang matatalas na kuko? 8. Ano ang kaibhan ng mga ibon sa mga ibang hayop? 9. Sa papanong paraan kapaki-pakinabang ang mga plumahe? 10. Gusto mo rin bang maging ibon? At bakit? Aktibidad Iguhit ang paborito mong ibon."
Patungkol sa mga Ibon

"Maraming bagay ang gusto ni Anu sa kaniyang Ama. Gusto niya ang matingkad na papel na parol na gawa niya, ang malulutong na "onion pakodas" na kaniyang pinrito, at ang nakakatuwang pagong na ginawa niya gamit ang papel. Bukod pa doon, umaakyat siya ng hagdan ng palukso, at nakikipagbuno sa kaniyang Tito para sa kasiyahan. Kapag may dumadating na bisita, lagi niya silang pinapatawa. Lahat ng bagay na iyon tungkol sa kaniyang ama ay gusto ni Anu. Ngunit alam mo ba ang pinaka gusto ni Anu sa lahat? Ang bigote ng kaniyang ama!"
Ang bigote ni Tatay

"Tanong 1. Ano ang iginuhit ng apo na si Ngee? 2. Saan nagpunta si Lolo? 3. Alam ba natin ang dahilan bakit sinabi ni Lolo sa apo nyang si Ngee na wag syang iguhit? 4. Mahilig ka bang gumuhit? Bakit?"
Gustong gumuhit ng aking Apo

""Naniniwala ka ba sa akin ngayon? Mahal ka rin at suportado," sabi ng halamang sitaw."
Ang mabuting kaibigan

"Hinintay ni Sophy kung ano ang mangyayari. "Kailan ka lalaki biik? Sapat ba ang pagdilig at paglagay ko ng pataba sa iyo?" tanong nya sa baboy."
Nagtanim si Sophy ng Biik

""Hindi ka ba natakot sa kalapati?", ang tanong ni Phyu Wah sa maya."
Ang Kuting na si Phyu Wah at ang Bully

"1. Sino ang unang gustong dalawin nina Da at Sa? 2. Sino ang huling dadalawin nina Da at Sa. 3. Alam mo ba kung bakit gustong dalawin nina Da at Sa sina Samnang, Socheata,, Seiha, Bopha, Bona, Sokha, Sophy at ang kanilang tiyahin at tiyuhin? 4. Nasubukan mo na bang dalawin ang isang tao sa kanilang tahanan? Sino ang kasama mo?"
Gustong bisitahin ni Da at Sa

""Hindi ba kailangan nating bantayan sandali si Tin Tin? Nabasa ko lang na ang susunod na pangangalaga ay kasinghalaga ng operasyon." "Tama ka," sabi ng kanyang ina. "Siguraduhin na bigyan siya ng maraming pahinga at babantayan natin ang mga tahi na iyon para makita kung gaano ito katagal. Dapat ay handa na siyang maglaro muli sa loob ng ilang araw""
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

""Ito ang aking paboritong bulaklak," sabi ng maliit na ibon kay Lolo Mahika. "Maari mo ba akong kulayan ng kagaya ng kulay ng bulaklak na ito?""
Makukulay na Ibon

"Paalam na mga matatandang puno. Ay sandali, may bagong puno doon. Ito na ba ang ating bagong pugad. msayang sabi ni bunsong babae."
Ang bagong Pugad

"Narinig mo na ba ang tungkol sa akin? Oo? Hindi? Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mo ang pangalan ko? 1) Kalmado? 2) Nalilito? 3) Nag-aalala? 4) Nagtataka? 5) Natatakot? 6) Nalulungkot?"
COVIBOOK

"Ano ang hinahanap ni Tatay? Saan itinago ni Sokha ang shampoo? Alam mo ba kung bakit pinuri ni Tatay si Sokha? May kinuha ka ba sa iba para itago? Saan mo itinago ang mga bagay na iyon?"
Itago

"Hindi ka ba matalino?"
Hoy Makaw!

"Kitty, gusto mo ba ng mais?- tanong ni Bo."
Magbilang ng Ibon

"Anong uri ng bahay ang pinakamataas halos sa taas ng puno? Anong uri ng bahay na may taong nagbukas ng isang panahian? Alam mo ba kung saan gawa ang bahay sa ibabaw ng tubig? Saan gawa ang iyong bahay? Ano ang hitsura nito?"
Iba't ibang Uri ng bahay

"Nang dumating na ang mga ibon at mga hayop. Sabi ng Lobo "kailangan kong maghanda para sa kasal ng aking anak na lalaki pero hindi ko ito magagawa mag-isa, pwede niyo ba akong tulungan?""
Ang Kasal ni Lobo

"Matiyagang naghihintay si Koni hanggang... Tap. Tap. Tap. Mga yabag na tila ba may paparating... "Halaaaaaaa!" Muntik nang maapakan si Koni."
Isang natatanging kwentas

"May nahulog. Cling! Cling…cling. Hurray! Nalaglag ito malapit kay Koni. Pupulutin ba ito ng bata?"
Isang natatanging kwentas

"Narinig ni Koni ang isa pang boses. "Olin, may bago akong kwintas." Nakikinig si Koni. Olin? Olin ba ang pangalan ng babae?"
Isang natatanging kwentas

"Sa loob ng paaralan, maingat na inilagay ang bag sa mesa ng guro. Binuksan ng guro ang bag at hinayaang tumingin si Moru sa loob. Maraming mga libro, makukulay na mga libro ng lahat ng mga laki at hugis. Nakaramdam sila ng makintab at naamoy na bago. "Maaari mo ba akong tulungan upang ilabas ko sila?" tanong ng guro."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Kinabukasan, naghintay si Moru hanggang matapos ang klase at umalis na ang lahat ng mga bata. Nag-iisa ang guro. Tahimik na pumasok si Moru at tumayo sa may pintuan. Parang multo ang paaralan nang nawala ang lahat ng ingay at tawanan at pagsigaw. Tumingala ang guro at sinabi, "Mabuti na dumating ka. Kailangan ko ng tulong mo." Nausisa si Moru. Anong uri ng tulong ang kailangan ng guro? Marami siyang mga anak sa kanyang paaralan na tutulong sa kanya. Sa isang bagay na talagang uri ng boses sinabi ng guro, "Maaari mo ba akong tulungan na maisaayos ang mga libro?""
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Talagang nadama ng batik-batik na manok ang mainis. - Sa lahat ng pag-aalaga ng kanyang granny, siya pa rin ay humihingi ng higit pa? Hindi ito matulungan, Ang batik-batik na manok ay ibinigay sa maliit na buntot ang isang tuka at sinabi. - Itigil mo ang iyong pagka-inis. Gusto mo ba siyang ubusin ang maghapon para suyuin ka?"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Tumakbo si Dolly palabas ng bahay, at nakasalubong niya si Squeaky the Squirrel. "Nakita mo ba ang maliit kong pulang payong?" tanong ni Dolly. "Hindi," sabi ni Squeaky, "ngunit maaari mong makuha ang akin." “Salamat, napakabait mo, pero ang maliit kong pulang payong, kailangan kong hanapin,” sabi ni Dolly habang naglalakad sa tabi ng ilog."
Si Dolly at ang kanyang Munting Pulang Payong

"Si Freckle isang Frog ay nagpapahinga sa isang troso. "Nakita mo ba ang maliit kong pulang payong?" tanong ni Dolly. "Hindi," sabi ni Freckle, "ngunit maaari mong makuha ang akin." "Salamat, oh napakabait mo". "Pero ang maliit kong pulang payong, kailangan ko talagang mahanap." sabi ni Dolly habang mabilis na tumatawid sa ilog."
Si Dolly at ang kanyang Munting Pulang Payong

"Kalalabas lang ni Mighty the Mouse sa kanyang bahay. "Nakita mo ba ang maliit kong pulang payong?" tanong ni Dolly. "Hindi," sabi ni Mighty, "ngunit maaari mong makuha ang akin." "Naku..." sigaw ni Dolly, nangingilid ang mga luha sa mga mata, "Gusto ko ang payong ko, maraming taon na itong kasama ko.""
Si Dolly at ang kanyang Munting Pulang Payong

"Siya ay nagtanong, Ano ang jipang bike ina? "Isang matamis na kakanin gawa sa kanin, ani ng ina" "Maaari ba akong bumili sa pagdiriwang? "Tumango ang ina at sumang ayon" "Yahoo, sabe ni Euis."
Isang Pagdiriwang

""Manong, magkano po ito?" Tanong ni Euis sabay turo sa ibang hugis na jipang. “Sampung libo lang,” sagot ng nagbebenta. “Pwede ba akong bumili niyan?"
Isang Pagdiriwang

"Biglang may maliit na tinig ang nagsalita sa malapit sa kanya. Maari mo ba akong turuang gumuhit ng bangka?"
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Sa may kalayuan sa taas ng isang puno, may mga mumunting ilaw. Isang ilaw ang lumipad pababa! 'Ako ay isang alitaptap,' sabi ng isang ilaw. Kumikinang ako sa dilim! Pwede ba kitang maging kaibigan? tanong ni Tinku. Oo, pwede! sabi ng alitaptap."
Goodnight, Tinku!

"May lumipad at sumabit ng pabaliktad sa puno. Ano ang pangalan mo, ibon? tanong ni Tinku. Hindi ako ibon, ako ay isang paniki. Pwede ba kitang maging kaibigan? tanong ni Tinku. Oo pwede! sabi ng paniki."
Goodnight, Tinku!

"Ang ilang mga dahon ay lumipat sa mga palumpong. May nagtatago! Sino ka? tanong ni Tinku. Ako ay isang soro. Ako ay namamasyal sa gabi. Pwede ba kitang maging kaibigan? tanong ni Tinku. Oo, pwede! sagot ng soro."
Goodnight, Tinku!

"Tumingin sa kanya ang dalawang maningning na mga mata mula sa puno. Sino ka? tanong ni Tinku. Ako ay isang kuwago, sabi ng kuwago. Nangangaso ako ng pagkain sa gabi. Pwede ba kitang maging kaibigan? tanong ni Tinku. Oo pwede! sabi ng kuwago."
Goodnight, Tinku!

"CHIRRRRRP! CHIRRRRRP! Sino ang nandito? tanong ni Tinku. Ako ay isang kuliglig. Humuhuni ako kapag gabi. Pwede ba kitang maging kaibigan? tanong ni Tinku. Oo pwede! sabi ng kuliglig."
Goodnight, Tinku!

"Natigilan ang hari. Tumingin siya sa kanyang pinagkakatiwalaang bantay. “Totoo ba ito?” tanong ng Hari. “Opo, kamahalan,” sagot ng bantay. “Wala kaming sinabi dahil ayaw naming magalit ka.”"
The King's Secret

"Alamin Natin: Salted EggNakakain ka na ba ng inasnan na itlog? Para makagawa ng inasnan na itlog, nililinis muna ang mga itlog ng pato. Pagkatapos, ang mga itlog ay nakabalot sa pinaghalong pulbo ng ladrilyo, asin at abo ng balat. Ang mga itlog ay pagkatapos ay incubated. Sa oras na iyon, naganap ang proseso ng osmosis, lalo na ang paggalaw ng mga molekula ng tubig at asin sa pamamagitan ng mga pores ng kabibi patungo sa puti at pula. Ang pag-aasin ay isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong inasnan na itlog.Alamin Natin: Maalat na itlog"
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Nakakain ka na ba ng inasnan na itlog? Para makagawa ng inasnan na itlog, nililinis muna ang mga itlog ng pato. Pagkatapos, ang mga itlog ay nakabalot sa pinaghalong pulbo ng ladrilyo, asin at abo ng balat. Ang mga itlog ay pagkatapos ay incubated. Sa oras na iyon, naganap ang proseso ng osmosis, lalo na ang paggalaw ng mga molekula ng tubig at asin sa pamamagitan ng mga pores ng kabibi patungo sa puti at pula. Ang pag-aasin ay isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong inasnan na itlog."
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Narinig nyo na ba ang insektong tinatawag na Anay? Ito ay maliit na nilalang na naninirahan ng ng isang pangkat. Gusto nilang kainin ang mga kahoy, Kasama pati kahoy sa inyong mga bahay. Alitaptap ay isang uri ng anay."
Misyon ni Alates

""Asha, alam mo ba kung anong araw bukas?" Tanong ni Inay."
Ekushey February

""Mukha maayos," sabi niya. "Pinapanatili ba nito ang hangin?""
Darshana's Big Idea

""May magbabayad ba talaga sa akin na mga tao para dito?" Pag-iisip ni Darshana. "Maaari akong magsimula sa isang negosyo at maging mayaman!""
Darshana's Big Idea

"Nang matapos magsalita ay huminto si Darshana sapat upang huminga, sumangayon naman ang kaniyang tiyo sa kaniyang ideya. “Alam mo ba kung magkano ang magagastos sa pag gawa ng mga patches at kung magkano sa tingin mo natin maibebenta ito?” tanong nito. “At kung paano ang pagimbentaryo at paraan ng pagbenta at pagadbertasyo ng mga ito?” Nalaglag ang tingin ni Darshana sa kaniyang plato. Hindi sumagi sa isip niya ang mga ito."
Darshana's Big Idea

"Tumingin sa malayong kalawakan si Haring Araw. "May nawawala ba sa aking mga planeta?""
Finding Pluto

""Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

""Yung maliit na asul na Pluto? Hindi ko siya nakita, saan ba siya pumunta?" Sagot ni Mercury."
Finding Pluto

"Kaya't nagtungo si Mercury kay Venus at nagtanong, "Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

"Kaya sina Mercury at Venus ay nagpunta kay Earth at nagtanong, "Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

"Kaya't nagtungo sina Mercury, venus, Earth, Mars, Jupiter at Saturn kay Uranos at nagtanong, "Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

"Ang kandilang ito ay isang orasan, ang sabi ng segundong kamay. Nakita mo ba ang mga guhit sa waks? Ito ay tumatagal ng dalawampong segundo bago masunog ang bawat marka."
Ang Kapangyarihan ng Oras

"Hindi makapaniwala si Henry. Totoo ba ang lahat ng ito? Talaga bang ang sapatos nya ang nakapagpahinto sa loob ng malaking Ben?"
Ang Kapangyarihan ng Oras