Resources
Labeled content
EmojisImages
Videos
Storybook paragraphs containing word (5)
"Nakakita ng nakakapigil-hiningang tanawin sina Naina at Madhav. Isang galit na reyna ang nagbabantay ng isang
nakakandadong tore. Isang umiiyak na dragon ang nakadungaw sa bintana. "Bakit mo dinukot ang dragon?" tanong ni Naina sa reyna. "Sapagkat isa siyang masamang magnanakaw!" tugon ng reyna. "Ninakaw niya ang aking buhok habang natutulog ako at ngayo’y ayaw niya na itong ibalik sa akin.""
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin
""Hindi ko ito maibabalik!" iyak ng dragon. "Napakamapanganib nito." Kuminang ang mga mata ni Naina. "Kung saan may panganib, naroon ang pakikipagsapalaran." "At kinakailangan ng bawat paglalakbay ang isang matapang na bayani!" ani Madhav. "Mga bayani, ibig mong sabihin," ani Naina. "Ililigtas namin ang iyong buhok!" Pumayag ang dragon na ituro ang kinalalagyan ng buhok. Ngunit tumanggi siyang lapitan ito."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin
""Ang isang higanteng dragon na nagbubuga ng apoy ay natatakot sa isang maamong sisne," umiling si Naina. "Marahil ay hindi alam ng sisne na nakaw ang buhok," sagot ni Madhav. "Maaari naman tayong makiusap sa kanya na ibalik ito," mungkahi ni Naina. Mayroong mga hindi inaasahang pangyayari na wala sa plano. Hiss! Snort! Flap!"
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin
"Barado ang ilong ng dragon dala ng pag-iiyak nito. Hindi na nila masasakyan ang apoy nito pauwi. Ipinadala naman ng lumilipad na kabayo ang mga pakpak nito para malinis. Hindi na nito maiuuwi ang magkapatid. Nabali naman ng pinakamalakas na nilalang sa kalawakan ang braso nito. Hindi nito kakayaning itapon ang magkapatid pauwi. "Wala na tayong magagawa!" Ngunit may ibang ideya ang dragon."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin
"Ang lahat ng mga dragon sa bayan ay naghahanda para sa Taunang Paligsahan sa Pagbuga ng Apoy. Maliban kay Drake."
Si Drake ang Mahiwagang Dragon