Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #3 (2022-01-14 19:57)
Nya Ξlimu
Revision #0 (2020-06-30 14:19)
Nya Ξlimu
Revision #0 (2020-06-30 14:18)
Nya Ξlimu
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "hanggang", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (41)

"Sabay silang naglakad hanap ng bola ng enerhiya... mula tanghali hanggang gabi... Pero hindi nila ito makita."
Green Star

"Nag-isip ng malalim si Tuna kung paano siya makakakuha ng lumot sa kailaliman ng dagat. Naalala niyang tanungin ang kanyang kaibigang si Kabayong Dagat. Lumalangoy kaya siya ngayon sa mababaw na parte ng tubig? Naghanap siya ng naghanap hanggang matagpuan na niya ito."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Habang palalim nang palalim ang nilalangoy niya, mas kaunting ingay ang naririnig hanggang ganap nang tahimik. Pinataas ni Tuna ang temperatura ng katawa niya at hindi na siya gininaw, ngunit hindi naman siya makaangkop sa dilim. Sa katunayan, nanginginig siya dahil sa takot. Wala siyang makitang kahit ano."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Hinanap ni Tatay si Greeny. Tuloy-tuloy sa paglakad si Greeny hanggang makarating siya sa isang ilog."
Isang Luntiang Araw

"Si Zu ay nagtampo. Ayaw niya na siya ay sinisigawan. Inaliw siya ni Zi. Sinabi niya na mas masayang maglaro sa labas. Puwede silang mag-ingay hanggang gusto nila."
Huwag Gisingin ang Sanggol!

"Pataas nang pataas na lumipad si Droso, hanggang sa..."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Mahimbing na nakatulog si lolo buong magdamag, Si lola nama'y naghagis at sambot hanggang lumiwanag! Kaniyang anino sa kurtina ay sumasayaw, Siya ang pinakamagaling, tiyak na mahusay!"
Ang Lola kong Naghahagis at Sumasambot ng mga Bagay

"Si Juan ang taya kaya siya naman ang magbibilang hanggang isang daan."
Taguan

"Ang guro ay si Een Sukaesih, kilala sa tawag na Bu Een. Nakapagtapos si Bu Een sa Indonesian University of Education sa Bandung. Nagkaroon siya ng sakit na Rheumathoid Arthritis (RA) na naging dahilan kung bakit hindi siya nakakagalaw ng 27 na taon. Sa pagsusumikap, nagturo siya kahit nakahiga mula 8 ng umaga hanggang 8 ng gabi. Nagtuturo siya ng Ingles, Kasaysayan, Kompyuter at Matematika. Kahit sino galing sa elementarya at sekondarya ay tinatanggap. Mahal siya ng kanyang mga estudyante kaya tinutulungan siya sa mga gawaing bahay katulad ng paglilinis."
Ang Dakilang Guro

"At sinabi ng lahat ng mga nasa Siyudad ng Usok, "Bahagya na nating marinig ang mga sirena. Benepisyo natin ito. Ibig sabihin nito na ang antas ng karbon dioksido ay bumaba. Naging 1: 10 00 na lang. Ngayon tumataas na muli ang antas ng oksiheno hanggang 21 porsiyento. Lumaki ang mga puno at kinain ang karbon dioksido at naglabas ng oksiheno... Yey!!!"
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Naglakbay si Srey Pov hanggang marating ang araw. "Kumusta, Araw!" bati niya. "Bakit hindi ka na sumisikat sa aming nayon?" "Hinaharang kasi ng maruming hangin ang aking liwanag," tugon ng araw. "Ganoon ba. Salamat, Araw. Sasabihin ko ito sa lahat at magtutulong-tulong kami upang malutas ito." "Maging mapalad sana kayo. Sana ay magkita tayong muli," sigaw ng araw habang lumilipad na ng pabalik sa mundo si Srey Pov."
Paghahanap sa Araw

"Nagpatuloy silang magbilang hanggang makarating sila sa paaralan."
Masaya ang Magbilang

"Sa buwan ng Jaishtha, ang mga mangga at langka ay hinog na. Gustong kantahin ng Cuckoo ang kanilang sarap! Lumipad siya mula sa puno hanggang sa puno, sinusubukan at sinusubukang kantahin ang kanyang masarap na kanta. Ngunit, walang ingay na lumabas sa kanyang lalamunan."
Gustong Kumanta ni Cuckoo

"Ang puno ng kadam ay namumulaklak sa mga bilog nitong dilaw na bungkos. Lumipad ang kuku sa ulan mula sa puno hanggang sa puno, hinahanap ang kanyang boses. Pero, hindi pa rin siya marunong kumanta."
Gustong Kumanta ni Cuckoo

"Nang si Phyllis ay naging apat na taong gulang, marami ang kanyang napamangha. Pinabilib din niya ang kanyang mga guro, sa galing ng kanyang mga paa sa pagsayaw. Mula pagpasok sa paaralan, hanggang sa pag-uwi, araw-araw siyang nag-sasayaw. Wala nang ibang mas nakakapagpasaya kay Phyllis kundi ang mag-Ballet."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Mula Mexico hanggang Canada, mula US hanggang France, lahat sila ay inaanyayahan na sya ay bumisita at mag-sayaw. Kasama ang Royal Ballet, at kaniyang mga kaibigan, pinalaganap niya ang kanyang walang katapusang pagmamahal sa pagsasayaw."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Si Chandu ay pinakikinggan ito hanggang siya ay makatulog. Sa kanyang panaginip, siya ay lumilipad."
Ang paglipad ni Chandu

"Si Chandu ay lumipad pa ng mas mataas hanggang sa makita niya ang isang agila. "Kumusta kaibigan?" tanong ng agila. "Mabuti naman" sagot naman ni Chandu."
Ang paglipad ni Chandu

"Si Chandu ay lumipad pa ng mas mataas hanggang sa maramdaman niyang madali na para sa kanya ang paglipad. Sa sobrang taas ng kaniyang nilipad ay nakita niya ang isang eroplano. "Kumusta ka Chandu?" tanong ng eroplano. "Mabuti naman,mag ingat ka" mabilis na wika ni Chandu."
Ang paglipad ni Chandu

"Di nagtagal ay umakyat pa ng mas mataas si Chandu. Lumipad siya ng lumipad hanggang sa masalubong niya ang isang rocket. "Kumusta ka ginoo?" sigaw ng rocket. "mabuti naman" wika ni Chandu ng nakangiti."
Ang paglipad ni Chandu

"At makatutulong ka sa pamamagitan ng: 1) Paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig habang kumakanta. Maaari mong kantahin ang paborito mong kanta, ang "happy birthday" o ang "abakada". 2) Paggamit ng hand sanitizer at pagpapatuyo ng kamay. Huwag gagalawin ang kamay habang nagbibilang hanggang sampu: 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10.Kapag tuyo na ang kamay mo, maaari ka nang maglaro ulit!"
COVIBOOK

"Tungkol sa May-akda Si Durga Lai Shrestha ay isang tanyag na makata ng Nepal Bhasa at Nepali. Bilang isang guro ng Nepal Bhasa sa Kanya Mandir Higher Secondary School noong 19 50 s-19 70 s, gumawa siya ng mga kanta upang mapasigla ang mga bata na ipahayag ang kanilang sariling wika. Ang kanyang mga kanta ay naging malawak na kilala sa buong Kathmandu Valley at ang mga koleksyon ng mga kanta ng kanyang mga anak ay napagdaanan ng labis na muling pag-print at hanggang ngayon Tungkol sa Illustrator Si Ashish Shakyais isang kamakailang nagtapos sa Lalit Kala Campus sa Kathmandu, Nepal. Mayroon siyang diploma sa animasyon at mga visual effects mula sa Black Box Academy. Nagtrabaho siya bilang isang character designer, storyboard artist at animator para sa Fire studio, Arcoiris studio, at iba't ibang mga freelance na proyekto."
Hoy Makaw!

"Mayroong ilang mga bata na namuhay sa gilid ng isang lungsod. Nakatira sila malapit sa isang malaking tambak ng basurahan. Napakalaki ng basurahang ito kasing lawak ng hanggang sa kayang makita ng iyong mga mata."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Ang May Akda Si Durga Lal Shrestha ay isang tanyag na makata sa Nepal Bhasa at Nepali. Bilang isang guro sa Nepal Bhasa sa Kanya Mandir Higher Secondary School noong dekada singkwenta hanggang dekada sitenta, gumagawa siya ng mga kanta upang makakuha ng inspirasyon ang mga bata na maipahayag ang kanilang mga sarili sa kanilang sariling salita. Ang kaniyang mga kanta ay nakilala sa buong Kathmandu Valley at ang mga koleksyon ng mga kantang pambata ay umabot hanggang ikalabintatlong imprenta at patuloy pa rin hanggang sa ngayon."
Alitaptap

""Bumalik ka at bisitahin kami kaagad, Sasha," sigaw ni Bluey. Si Mere at ang kanyang mga kaibigan ay kumaway pabalik kay Sasha. Pinagmamasdan siya ng mga ito hanggang sa mawala siya sa dagat. “Natutuwa kaming nakatulong kami,” masayang sabi ni Mere."
Ang Pagkikita Nina Mere at Sashang Sirena

"Nagustuhan ni Moru ang mga numero. Ang bilang 1 ay mukhang payat at malungkot; 10 0a y mataba at mayaman. Napakaganda ng 9, lalo na noong tumayo siya sa tabi ng 1 at naging 19.Ang mga numero ay tulad ng isang walang hanggang hagdanan. Naiisip ni Moru ang pag-akyat sa kanila isa-isa, karera ng pataas, minsan dalawa, minsan tatlo o apat o higit pang mga hakbang nang paisa-isa."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Kinabukasan, naghintay si Moru hanggang matapos ang klase at umalis na ang lahat ng mga bata. Nag-iisa ang guro. Tahimik na pumasok si Moru at tumayo sa may pintuan. Parang multo ang paaralan nang nawala ang lahat ng ingay at tawanan at pagsigaw. Tumingala ang guro at sinabi, "Mabuti na dumating ka. Kailangan ko ng tulong mo." Nausisa si Moru. Anong uri ng tulong ang kailangan ng guro? Marami siyang mga anak sa kanyang paaralan na tutulong sa kanya. Sa isang bagay na talagang uri ng boses sinabi ng guro, "Maaari mo ba akong tulungan na maisaayos ang mga libro?""
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Sobrang galing ng orasan, Gising magmula gabi hanggang umaga."
Orasan

"Natuwa din si nanay, dahil naibenta niya lahat ng asukal sa palma. Laging maaalala ni Euis ang kagalakan ng pista. Mahal na mahal niya ang jipang paruparo at niyakap niya ito hanggang sa pag-uwi."
Isang Pagdiriwang

"Si Tinku at ang kanyang mga kaibigan ay tumalon at hinagis at gumulong hanggang sa humikab si Tinku. Inaantok na ako. Kailangan ko nang umuwi. sabi ni Tinku. Masaya siya na marami siyang bagong kaibigan. Nagkukusot malapit sa kanyang ina, sabi niya, Ang gabi ay hindi isang malungkot na lugar, ina. Ang gabi ay puno ng mga kamangha-manghang nilalang. Oo, sagot ng kaniyang ina. Ang iyong mga bagong kaibigan ay panggabi, tulad ng ligaw na aso."
Goodnight, Tinku!

"Ang MISSION CONTROL CENTER ay isang silid kung saan ang mga pinuno ng koponan ay nagkakasama at siguraduhin na ang paglunsad ay maayos at ang lahat ay gumagana tulad ng dinisenyo hanggang sa makumpleto ang misyon."
3…2…1… Blast Off

"Nag ensayo siya nang nag ensayo at hanggang sa..."
Si Drake ang Mahiwagang Dragon

"Si Yakko ay patuloy na inubo hanggang sa pag-lalim ng gabi."
Ang panaginip ni Dholma

"Itinulak namin ng Itinulak hanggang kami ay makaramdam ng pagod, nakita kame ng batang monghe sa monasterio."
Si Didi at ang kanyang Motorsiklo

"Nang may kagalakan sa kanyang mukha tinulungan niya kame hanggang makalalis sa kanyang lugar."
Si Didi at ang kanyang Motorsiklo

"Ngunit kinabukasan umakyat pa si Daisy ng mas mataas pa rin, hanggang sa tuktok ng rondavel. Flap, flap, flap, si Daisy ay nag-flap ng kanyang mga pakpak."
Kamangha-manghang si Daisy

"Naglakad siya hanggang sa marinig niya ang pagdaloy ng tubig. Ito ay ilog! Naririnig niya ang mga alon."
Paano nailigtas ng Langgam ang Kalapati

""Mananatili lang ako dito hanggat makapagpasalamat ako sa kaniya," desisyon ng Langgam. "Maghihintay ako hanggang sa bumalik siya para uminom.""
Paano nailigtas ng Langgam ang Kalapati

"Dahan-dahan silang pinulot ni Arin, isa-isa, hanggang sa maging dalawampu. Ang balde ay nilagyan ng mga dayami upang hindi pumutok ang mga itlog."
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Ipinagkakaloob ng mundo ang lahat ng ating pangangailangan upang mabuhay - tubig, pagkain, hangin, at mga materyales upang makagawa ng mga damit at bahay. Ang Dyut, na kilala bilang Ginto ng Bengal, ay may napakaliit na bakas ng karbon na maaaring gamitin upang gumawa ng anumang bagay mula sa sapatos hanggang sa mga bangka hanggang sa tsaa."
Gintong Sapatos

"Bigla na lang dumating si Haring Araw. "Walang problem iyon," sinabi niya sa mainit niyang boses na naramdaman hanggang sa lumalamig na puso ni Pluto, "Magiging parte ka parati ng ating pamilya, ang pamilyang Solar System!""
Finding Pluto