Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #0 (2020-06-23 14:34)
Nya Ξlimu
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "kay", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (97)

"Para kay Aso, ito ay napakalamig."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Umaga na. Maliwanag na. Mainit na. At para kay Aso, napakainit na rin."
Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

"Ayaw bitawan ni Toto ang bulate. Itatanong nila kay Inang Manok kung kanino dapat mapunta ang bulate."
Si Tata at Si Toto

"Kinaumagahan, ikinuwento ni Nita kay Green Star ang naisip niya noong nakaraang gabi. Ginamit ni Green Star ang kasangkapang ginawa ni Nita. Puno siya ng enerhiya pagsapit ng gabi.Ipinagpatuloy nila ang paghahanap ng bola ng enerhiya noong gabi. Hayun, doon ay may berdeng liwanag na galing sa isang butas ng puno!" Masayang sigaw ni Nita. "Sa wakas, nakita na natin!" Sigaw ni Green Star."
Green Star

""Paalam Nita! Isa kang matapang at matalinong bata. Sana isang araw, makadalaw ka sa aming planeta ." Sabi ni Green Star. "Gagawa ako ng sasakyang pangkalawakan. Paliliparin ko ito upang makita kita balang araw." Sabi ni Nita. Kumakaway siya habang nagpapaalam kay Green Star."
Green Star

"Sumisid din si Gutu ng pailalim. Lumangoy si Gutu patungo kay Putu."
Si Putu at si Gutu

"Sumugod siya patungo kay Gutu."
Si Putu at si Gutu

"Naisip ni Tuna na hindi siya makapaghihintay. Wala nang kakainin si Twain ngayon. Nagpasalamat si Tuna kay Kabayong-Dagat at pinagmasdan niya itong lumangoy papunta sa tahanan nitong nasa gitna ng mga bangkota na nasa pinakailalim ng dagat. Ano na ang gagawin ni Tuna?"
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Inilawan ni Trang ang halamanan gamit ang lente at ipinakita kay Iskuwirel na ito ay isang bato lamang at napawi ang takot niya."
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

"Nagpatuloy sa paglakad ang magkaibigan. Napadaan sila sa isang ilog na rumaragasa ang alon. Nabahala si Iskuwirel. Sinabi niya kay Trang, "Bumalik na tayo, Trang!""
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

"Kung kaya't si lolo ay may naisip, Makulay na bola ang regalong bitbit, Ibinigay kay lola na ngayo'y nahihiya't namumula, Sabik na paglaruan ang mga bolang kay ganda!"
Ang Lola kong Naghahagis at Sumasambot ng mga Bagay

"Sumabit kay Boutong ang buntot ng sumbrero. Nahulog siya mula kay Buk-Le."
Ang Bagong Sumbrero ni Bountong

"Kay lamig at kay ginhawa,"
Isang Araw sa Kalawakan

"Ayaw ni Nina na maiwan mag-isa doon. Nais niyang sumama kay ate."
Si Ate Bungi

"Ang kwento ay tungkol kay Piko ang Giraffe."
Si Ate Bungi

"Sumunod si Sarah kay Reta sa bilihan ng pagkain. Dala-dala ng pinsan niya ang isang bayong sa pamamalengke. Sabi ng guro ni Reta sa kaniya na bawasan ang paggamit ng plastik. Gusto namang makilala ni Sarah ang guro ni Reta."
Ang Dakilang Guro

"Yehey! Makasasama si Sarah kay Reta upang mag-aral sa bahay ng kaniyang guro. Walang babayaran at walang gastos. Sobrang dali lang! Pero, para saan naman ang walis?""
Ang Dakilang Guro

""Ngunit mas magandang makabalik tayo sa oras ng hapunan," ani Madhav. "Hindi natin gugustuhing malaman kung ano ang nagpapagalit kay Aai.""
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

"“Nakikita mo ’yon?” tanong ni Anopol kay Tang-id. “Oo siyempre, nakikita ko,” sagot ni Tang-id. “Gumuguho na ang mga bangin,” sabi pa niya."
Ano ang Kinatatakutan nina Anopol at ni Tang-id

"“Naririnig mo ’yon?” tanong ni Anopol kay Tang-id. “Naririnig ko,” sagot ni Tang-id. “Meron na naman!”"
Ano ang Kinatatakutan nina Anopol at ni Tang-id

"Hiniling ng guro kay Urgen na magbasa ng Nepali. Hindi ito mabasa ni Urgen. Pinagtatawanan siya ng lahat."
Nasasabik sa eskwelahan

"Sabi ni Amma, "Nakipag usap siya ng matagal sa iyong Masi. Tinapos niyang gantsilyuhin ang panglamig para kay Raju. At pagkatapos ay tumungo siya upang maglakad lakad." Mayroon na ako ngayong mga bakas. Dali-dali kong tiningnan ang mga bagong lugar sa buong bahay. Aha! Nahanap ko na ang nawawalang mga salamin sa mata!"
Ang salamin ni Lola

"Pero si Lolo na nakatira kalapit namin ay ang may pinaka mahusay na bigote sa lahat! Tila mukha itong malaking puting ulap na bumaba galing sa langit upang manahan sa ilalim ng kaniyang ilong! Ang kaniyang bibig ay nakatago sa likod ng ulap. Si Anu ay natakot para kay Lolo.. paano siya kakain ng may ulap na nakaharang?"
Ang bigote ni Tatay

"'Paano ako makakagawa ng damit para kay Kooru?' Wika ni Gethum."
Ang damit para kay Kooru

"Gagawa ako kahit papaano ng damit para kay Kooru, naisip ni Gethum."
Ang damit para kay Kooru

""Walang damit na nagkasya sa kin dahil sa aking mga tinik, "sabi ni Kooru kay Gethum."
Ang damit para kay Kooru

"Isang araw, Sabi ni Ado kay Ali. " Bukas mahihinog ang gintong mansanas na prutas! Ako at si Aka ay kakainin ito." Ali, hindi mo ito pwedeng kainin ulit. "Tama iyon!" sabi ni Aka. "Ali, masyado kang maliit, hindi mo kailangan ng kahit anung prutas. Mag hintay ka lamang dito."
huwag mo akong maliitin

"Nang si Phyllis ay naging apat na taong gulang, marami ang kanyang napamangha. Pinabilib din niya ang kanyang mga guro, sa galing ng kanyang mga paa sa pagsayaw. Mula pagpasok sa paaralan, hanggang sa pag-uwi, araw-araw siyang nag-sasayaw. Wala nang ibang mas nakakapagpasaya kay Phyllis kundi ang mag-Ballet."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Nang sumunod na araw, nag-aabang na naman ang malaking pusa kay Phyu Wah. Ngunit ngayon ay hindi na siya takot."
Ang Kuting na si Phyu Wah at ang Bully

""Anong ginawa mo kay Tin Tin?" sigaw ni Sokha. "Easy, Sokha," panimula ng kanyang ina. "Anong nangyari Dara?" "Nasaktan siya," sabi ni Dara. "Nakapit yung braso niya sa dresser nung lumilipad kami." Namula ang mukha ni Sokha. Bakit pinaglalaruan ni Dara si Tin Tin? Ngayon ang kanyang minamahal na oso ay nasira magpakailanman."
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

""Sokha, kailangan mong maging mahinahon at matiyaga. Kailangang tiyakin ng isang doktor na ang pasyente ay hindi nasaktan saanman," paliwanag ng ina ni Sokha. "Sige," sagot ni Sokha, nakatingin kay Tin Tin. "Hindi masyadong maganda ang mata niya.Suriin natin iyon.""
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Si Sokha at ang kanyang ina ay magkasamang natapos ang kanilang pagsusuri kay Tin Tin. Tumingala si Sokha sa kanyang ina, "Mukhang nasaktan siya nang husto. Sa tingin ko kailangan nating mag-opera." "Sumasang-ayon ako," sabi ng kanyang ina."
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

""Sa palagay ko ay dapat ding tumulong ang iyong kapatid sa operasyong ito," sabi ng ina ni Sokha. "Pero siya ang gumawa nito kay Tin Tin!" protesta ni Sokha. "Oo pero hindi magaan ang pakiramdam niya, kaya mabuti para sa kanya na tumulong at makita kung gaano kalaki ang trabaho sa pag-aayos kay Tin Tin," tugon ng kanyang ina. "Bukod pa rito, ang mga mapanghamong operasyon ay nangangailangan ng isang buong koponan upang maibigay ng pinakamahusay na pangangalaga.""
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Sinimulan ng pangkat ang operasyon. Inabot ni Dara kay Sokha ang karayom ​​at sinulid. Maingat na sinulid ni Sokha at ng kanyang ina ang karayom, at ginawa ng kanyang ina ang unang tahi. Pinagmasdan ni Sokha ang kanyang ina na dahan-dahan at maingat na gumawa ng susunod na tahi. "Kumalma ka," sabi niya sa sarili."
Unang Operasyon ni Doktor Sokha

"Si Woodpecker ay naging kulay pula na. May isang maliit na ibon na nakatingin kay Woodpecker. Gusto din niyang maging maganda."
Makukulay na Ibon

""Ito ang aking paboritong bulaklak," sabi ng maliit na ibon kay Lolo Mahika. "Maari mo ba akong kulayan ng kagaya ng kulay ng bulaklak na ito?""
Makukulay na Ibon

"Ang dila na ibon ay nagpunta kay Woodpecker. "Tignan mo kung gaano ako kaganda, Woodpecker!" Sabi ng dilaw na ibon. "Hindi, hindi, ako ay mas maganda saiyo," sumbat ni Woodpecker."
Makukulay na Ibon

""K-k-ahel, o-o-riole! K-k-ahel, o-o-riole!" Tukso ng mga parrot kay Orielo. Galit na hinabol sila ni Oriole."
Makukulay na Ibon

"Ipinakita ng mga berdeng parrot ang kanilang kulay kay Kingfisher. "Saan ninyo nakuha ang magandang kulay, mga mahal na parrots?" "Magtungo ka kay Lolo Mahika!" huni nila. Gusto ni Kingfisher ang kulay ng langit. Kaya kinulayan syang asul ni Lolo Mahika."
Makukulay na Ibon

"Nagpunta si Kingfisher kay Woodpecker. habang sila ay naguusap, sila ay nabangga ni Pigeon. "Naku hindi!""
Makukulay na Ibon

"Ang kaunting pula galing kay Woodpecker ay humalo sa kaunting asul galing kay Kingfisher. Tinignan ni Kingfisher ang kaunting kulay na lila sa kanya. "Magandan kulay ang lila sa akin," sabi niya."
Makukulay na Ibon

"Ang bahagyang kulay pula mula kay Woodpecker ay humalo sa bahagyang kulay asul o bughaw mula naman kay Kingfisher. Nabahiran ng bahagyang lila o ube ang Pigeon. "Magandang tingnan ang lila o ube sa aking katawan," sabi ng Pigeon."
Makukulay na Ibon

"Pataas ng pataas ang paglipad ni Chandu. Ngayon naman ay nakita niya ang mga bituin na kumikislap sa paligid. Sila ay nakangiting lahat kay Chandu na parang hindi ito naiiba sa kanila. "Kumusta ka Chandu?" tanong ng isang bituin. "Mabuti naman ako" sagot naman ni Chandu. Bigla naman gumalaw ang mga bituin at umiling."
Ang paglipad ni Chandu

"Ang pagtakbo palayo ay hindi gumana. Ang pagtago ay hindi din nakatulong. Kung gayon ano ang ginawa nila kay Hatchuram?"
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"Wala silang ginawa kay Hatchuram. Sa halip, sinimulan nilang bumahing ng mas malakas sa kaniya. Ha-aaa-tchu Ha-aaa-tchu Ha-aaa-tchu Ha-aaa-tchu!"
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"At SOBRANG nagtaka siya kay Buwaya. "Ano ang kinakain ng Buwaya para sa hapunan?" tanong niya"
Ang mausisang batang elepante

"At sumunod ang batang elepante kay Uwak papunta ng ilog."
Ang mausisang batang elepante

"Lubos na nalulungkot at nangungulila si Nana sa kanyang Kamelyo. Siya ay lumapit kay Nini. - Patawad, Nini! - Patawad rin, Nana."
Pagpapaligo sa Kamelyo

"Nang siya ay makarating sa paaralan, walang siyang naabutang ibang mag-aaral. Isang lalaking naglalakad ang nagsabi na sarado and paaralan. Nagbigay ito ng kalituhan kay Tutu."
Unang Araw ng Eskwela

"Pagkilala Una sa lahat, nais naming pasalamatan ang pagiging bukas na ipinamalas ni Durga Lai Shrestha sa pagyakap sa proyektong ito. Siya ay isang inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng malikhaing mangangatha. Isang mainit na pasasalamat sa ilustrador Amber Delahaye mula kay Stichting Thang na humawak ng workshop sa pagguhit. At bilang pagtatapos, ang aklat na ito ay hindi magiging posible kung wala sina Suman at Suchita Shresta, mga anak ni Durga Lai Shrestha, at sa kanyang asawa, Purnadevi Shrestha na laging nasa kanyang tabi."
Hoy Makaw!

"Pinahiram ni Tatay kay Malik ang kanyang mga bota. Nais ni Malik na gawin ang tunog nito, thump thump thump."
Ang Sapatos ni Tatay

"Nagtaka ang mga bata at nagsilapit kay Didi. May dala-dalang mga makukulay na aklat si Didi. Mga aklat na naglalaman ng mga kuwento. Mas lumapit pa ang mga bata nang masilayan ang mga aklat."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Ang mga bata ay tumakbo papunta kay Didi. Niyakap nila siya at hinalikan. Dinala nila ang kanyang mga libro sa kanya. Umupo si Didi at binasahan siya ng mga bata. Nagsimulang magningning ang kanyang mga mata at bumalik ang kanyang ngiti."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

""Bumalik ka at bisitahin kami kaagad, Sasha," sigaw ni Bluey. Si Mere at ang kanyang mga kaibigan ay kumaway pabalik kay Sasha. Pinagmamasdan siya ng mga ito hanggang sa mawala siya sa dagat. “Natutuwa kaming nakatulong kami,” masayang sabi ni Mere."
Ang Pagkikita Nina Mere at Sashang Sirena

"Oops! Nahulog si Koni. Ntakot si Koni. Paano kung mapunta si Koni sa isang tahimik na lugar? Paano kung walang makahanap kay Koni? Malulungkot si Koni."
Isang natatanging kwentas

"Lumipas na ang oras at walang nakakakita kay Koni. "Andito ako!" sigaw ni Koni. Ngunit walang nakakarinig kay Koni. Gaano katagal kaya si Koni dito?"
Isang natatanging kwentas

"May nahulog. Cling! Cling…cling. Hurray! Nalaglag ito malapit kay Koni. Pupulutin ba ito ng bata?"
Isang natatanging kwentas

""Wow! May bagong kaibigan ang aking brotse," sabi ng batang babae. Dumampi ang kamay niya kay Koni. Yehey! Sa wakas ay may nakakita kay Koni. Masayang masaya si Koni. Mag-uumpisa ang bagong buhay ni Koni."
Isang natatanging kwentas

""Syempre. Kaya ni Olin na gumawa ng kwintas na tulad niyan," sabi ni Olin. Dumampi ang kamay ni Olin kay Koni. Ay, ano ang gagawin ni Olin?"
Isang natatanging kwentas

"Hooray! Handa na ang lahat ng kwintas. Si Olin ay isang mabait na babae. Masaya si Koni na maging kwintas para kay Olin."
Isang natatanging kwentas

"Kinaumagahan, ginising siya ng ina ni Moru sa oras para sa paaralan. Ngunit hindi tumayo si Moru. Humiga siya sa makitid na kama na mahigpit na nakapikit. Susunod na araw ito ay ang parehong kuwento, at sa susunod na araw at sa susunod. Walang makapaniwala kay Moru na bumalik sa paaralan. Isang linggo ang lumipas at pagkatapos ay isang buwan. Umupo si Moru sa pader sa harap ng kanyang bahay."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Dumating ang ulan at bumukas ang paaralan pagkatapos ng bakasyon sa tag-init. Akala ng lahat ay babalik sa paaralan si Moru kasama ang lahat ng mga bata. "Hindi," sabi ni Moru nang mahigpit. Isang taon ang lumipas. Sumuko ang lahat kay Moru. Marahil ay sumuko din si Moru sa kanyang sarili. Sa halip, nagsimula siyang gumawa ng iba pang mga bagay."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Dumadaan ang guro. Napatingin si Moru sa guro. Tumingin ang guro kay Moru Ni ngumiti at ni kunot noo. Kinabukasan, sa parehong oras at sa parehong lugar, tumingin si Moru mula sa dingding. Tumingin sa kanya ang guro at ngumiti. Ito ay isang maliit na ngiti. Tumalon si Moru mula sa pader at tumakbo palayo."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"- Oh, malambing na bata. Mahal na mahal mo siguro ng sobra ang Lola mo. Huwag mag-atubiling sumama sa aking mga apo mula ngayon, at mangyaring tulungan akong magturo kay Kurbadang Buntot. Ang kanyang ina ay abala ngayon sa pagpisa ng isang bagong anak, kaya't kailangan kong manatili sa mabait at mapaglarong batang ito."
Ang Lola ng Batikang Manok

"Nag sadya sila kay araw upang paghatian ang panahon ng kanilang trabaho, subalit ang araw ay hindi sumunod sa napag kasunduan."
Ang Araw at Gabi

"Nagmakaawa ang palaka kay Tins. "Tulungan mo kami Tina. Sinira ng bagyo ang aming mga tahanan kagabi." "Huwag kayong mag alala mga kaibigan. Tutulungan namin kayo," sabi ni Tina. Agaran siyang bumalik sa baryo."
Kaibigan sa Kagubatan

""Paru-paro ang iginuhit ko hindi bangka" Wika nya kay Piggy."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Nagtungo si Dira sa kwarto ng kanyang kapatid. Napansin niya na madaming koleksyon ng laruan sa kwarto nito gaya ng mga bola, sasakyan at may mga libro rin. Mayroon ring bagong pares ng sapatos samantalang ang kay Dira ay puro luma lamang. Kung marami namang gamit at laruan si Chaku bakit pa kailangan ni Dira ibahagi ang laruan nitong elepante sa kapatid?"
Si Dira at Chaku

"Ngunit nang hawakan ni Chaku ang kamay ni Dira, isang elepante ang humatak kay Dira mula mismo sa sanga. Inihagis ng elepante si Dira sa lupa!"
Si Dira at Chaku

"Nong sila'y bumalik, sinabi ng kanilang ina kay Meena na ibalik ang itlog kay Raju."
Hating Kapatid

"Hindi sumang-ayon si Raju. Sa kanyang palagay sya ay mas nag tatrabaho ng maigi kaysa kay Meena, at dahil dyan dapat sya makatanggap ng mas madaming pagkain. "Ang trabaho mo ay simple lang," sabi nya dito. Iminungkahi ni Meena na magpalit sila ng ginagawa sa look ng isang araw. Sumang-ayon si Raju."
Hating Kapatid

"Nong gabing iyon, binigyan ng kanilang Nanay si Raju ng karaniwang parte ng pagkain para kay Meena, at nilagyan nya ng mas madaming pagkain ang plato sa harapan ni Meena."
Hating Kapatid

"At binahagi nya ang prutas kay Meena, pina ngako ni Raju na tutulungan nya ito sa mga gawaing bahay kung kaya nya. Sabi ni Meena kay Raju na ang pagbabantay kay Lali ay hindi madali."
Hating Kapatid

"Isang gabing maliwang ang buwan. Lahat ng mga hayop sa Mangu's farm ay natutulog. Maliban kay Tinku!"
Goodnight, Tinku!

"Ang lahat ng mga dragon sa bayan ay naghahanda para sa Taunang Paligsahan sa Pagbuga ng Apoy. Maliban kay Drake."
Si Drake ang Mahiwagang Dragon

"Nakikita mo na, na pareho tayong kailangan ng mund," sabi ni Araw kay Ulap. "Kung wala ka, maging tuyo ang lupa, at kung wala ako, ang tubig ay ay hindi makababalik sa langit upanng maging ulap at ulan. Tayo ay bahagi ng isang siklo at pareho tayong mahalaga"
Ang Selosong Ulap

"‘Ting-a-ling’, tunong mula sa maliit na kampanilya nag mumula kay Yakko."
Ang panaginip ni Dholma

"Maging ang kanyang ama ay nag alala kay Yakko."
Ang panaginip ni Dholma

"Binantayan ng ama ni Dholma si Yakko. Labis ang pag aalala ni Dholma kay Yakko."
Ang panaginip ni Dholma

"Sabi ni Yeti kay Dholma na kaya sila nagkakasakit dahil sa mga tinatapon na basura ng mga tao."
Ang panaginip ni Dholma

"Tumakbo si Dholma papunta kay Yakko. Inalagaan ni Lola at Tatay ang ang may sakut na si Yakko."
Ang panaginip ni Dholma

"Sabi ng lola kay Dholma,"
Ang panaginip ni Dholma

""Huwag ka mag alala kay Yakko, pumasok ka at kami ang titingin kay Yakko.""
Ang panaginip ni Dholma

"Tumakbo si Dholma papunta kay Yakko.."
Ang panaginip ni Dholma

"Tumakbo siya kay Yakko at binigyan ng malaking yakap."
Ang panaginip ni Dholma

""gumawa tayo ng kastilyong gawa sa buhangin! Ayon kay Emma. Mukhang maganda yan. Iniisip ni Radinka kung ano kaya mgagawa nilang kastilyo sa buhangin ni Emma....."
Emma

"Napakasaya ng araw na ito para kay Radinka at Emma!"
Emma

"Pag-uwi, may naghihintay na gawain para kay Arin. Ang pulbo ng ladrilyo, asin, at abo ng balat ay pinaghalo sa isang kuwarta. Halo, halo, halo!"
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Ngumiti ako ng napaka laki kay Inay. Ako si pag-asa!"
Ekushey February

"Kaya't nagtungo si Mercury kay Venus at nagtanong, "Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

"Kaya sina Mercury at Venus ay nagpunta kay Earth at nagtanong, "Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus at Earth kay Mars at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus, Earth at Mars kay Jupiter at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus, Earth, Mars at Jupiter kay Saturn at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Kaya't nagtungo sina Mercury, venus, Earth, Mars, Jupiter at Saturn kay Uranos at nagtanong, "Nakita mo ba si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, at Uranus kay Neptune na naninigas na sa lamig at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto? Ikaw ang pinakamalapit na kapitbahay niya. Dapat alam mo kung saan siya pumunta!""
Finding Pluto

"Subalit, ang mga grupo ng kalalakihan ay nag bato ng kanilang mga pana kay Henry. Isang segundo bago sya masaktan, Ang segundong kamay ay winisik si Henry papalayo papunta sa ibang oras at panahon."
Ang Kapangyarihan ng Oras