Resources
Labeled content
EmojisImages
Videos
Storybook paragraphs containing word (8)
"Lumingon sa kaniya ang kapatid at sinabing "gusto ko ng pulang halamang may kakaibang maliliit na sanga." Alam kaya ni Tuna iyon? Nag-isip nang nag-isip si Tuna at saka sinabi, "Aha. Pulang lumot ba ang ibig mo! Saan ka nakakita ng ganoon?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Sumigaw si Twain at nagmamaktol na lumangoy at pagkatapos, paulit-ulit na sinabing "Hindi, hindi! Gusto ko ng lumot ngayon at hindi ako kakain ng kahit ano.""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Nag-isip ng malalim si Tuna kung paano siya makakakuha ng lumot sa kailaliman ng dagat. Naalala niyang tanungin ang kanyang kaibigang si Kabayong Dagat. Lumalangoy kaya siya ngayon sa mababaw na parte ng tubig? Naghanap siya ng naghanap hanggang matagpuan na niya ito."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Dahan-dahan niya itong nilapitan at sinabing, "Kailangan ko ng pulang lumot na mula sa pinakailalim ng dagat para sa kapatid kong si Twain. Maaari mo ba akong ikuha ng kaunti?" "Patawad, kaibigan, ngunit napakabagal ko," sagot ni Kabayong-Dagat. "Balikan mo ako pagkaraan ng isa o dalawang araw.""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Naalala ni Tuna si Lamprea. Mabilis niya itong pinuntahan at nakita niya itong nakakabit sa isang salmon. Tumingin siya dito at sinabing "Kailangan ko ng lumot para sa kapatid kong si Twain. Maaari mo ba akong ikuha ng ilan?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Pinuntahan ito ni Tuna at sinabing "Kailangan ko ng lumot para sa kapatid kong si Twain. Kaya mo ba akong ikuha ng kaunti?" "Siyempre, kaya ko," sagot ni Sapsap, "pero ano'ng ibibigay mong kapalit?""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Binilisan nya ang paglangoy at pinilit niyang makakuha ng lumot gamit ang bibig, ngunit hindi niya nagawa."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot
"Ibinigay ni Tuna sa kaniya ang pulang lumot at sinabing "masaya sana ang pagkain mo." Pagkasubo pa lang ni Twain ay agad niya rin itong iniluwa at sinabing "Kadiri! Ang sama ng lasa!""
Si Tuna at Ang Pulang Lumot