Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Contributions 👩🏽‍💻
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "silang", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis

Images

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (48)

"Isang araw magkasama silang namasyal."
Ang Munting Sisiw at Bibe

"Pagtataka ng tigre, nasaan na kaya silang lahat?"
Maghanda Ka! Nandito na ang Tigre!

"Sabay silang naglakad hanap ng bola ng enerhiya... mula tanghali hanggang gabi... Pero hindi nila ito makita."
Green Star

"Ano kaya kung ang kambing at manok ay nakakapagsalita? Magaling kaya silang magbiro?"
Ano kaya kung...?

"Sa sumunod na araw, hinanap ni Jami ang kaniyang mga kaibigan. Ngayon, may bola na silang gagamitin sa paglalaro!"
Ang Nawawalang Bola

"Kung gusto nilang tumawa, puwede silang humagikgik ng mahina lamang."
Huwag Gisingin ang Sanggol!

"Si Zu ay nagtampo. Ayaw niya na siya ay sinisigawan. Inaliw siya ni Zi. Sinabi niya na mas masayang maglaro sa labas. Puwede silang mag-ingay hanggang gusto nila."
Huwag Gisingin ang Sanggol!

"Wala silang sinasayang na sandali. Palagi silang masaya na magkasama."
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

"Ngayon, maaari na silang maglaro tulad ng dalawang kalabaw!"
Ang Bagong Sumbrero ni Bountong

"Ngayon, maaari na silang muling maglaro tulad ng dalawang kalabaw. Si Bountong, si Buk-le at ang sumbrero. Ang kamangha-manghang kayumangging sumbrero na may mahabang buntot, sungay at malalaking mata."
Ang Bagong Sumbrero ni Bountong

"Nagmamadaling naglakad si Sarah. Kung tatakbo sila ay mas mabilis silang makararating doon."
Ang Dakilang Guro

"Mula pa nang madaling araw ay pabalik-balik na nagtungo si Raymie mula sa silangan ng lawa patungo sa kanluran. Ang iniisip lang niya ay makahanap ng paraan upang makipag-usap sa aerospotics. Ang aerospotics ay may tirahan malapit sa Sistema Solar. Sinabi nila sa kaniya na mayroon silang solusyon sa kaniyang problema."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Ibinigay ni Raymie ang mga buto sa mga bata. Nagmadali silang sa lahat na tumungo sa mga lawa at balong malapit sa kanilang tahanan at inilagay ang mga buto dito."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Meron silang tag-iisang mangga at kinain nila ito."
Tayo ay Magbilang

"Pagkatapos noon, sabay-sabay silang naglakad papunta sa paaralan. Binilang nila ang mga puno sa gilid ng kalsada."
Masaya ang Magbilang

"Nagpatuloy silang magbilang hanggang makarating sila sa paaralan."
Masaya ang Magbilang

"Nang mapuno na nila ang kanilang mga lalagyan, nagtulungan silang buhatin at dalhin sa bahay ang mga panggatong."
Magtulungan

"Maraming bagay ang gusto ni Anu sa kaniyang Ama. Gusto niya ang matingkad na papel na parol na gawa niya, ang malulutong na "onion pakodas" na kaniyang pinrito, at ang nakakatuwang pagong na ginawa niya gamit ang papel. Bukod pa doon, umaakyat siya ng hagdan ng palukso, at nakikipagbuno sa kaniyang Tito para sa kasiyahan. Kapag may dumadating na bisita, lagi niya silang pinapatawa. Lahat ng bagay na iyon tungkol sa kaniyang ama ay gusto ni Anu. Ngunit alam mo ba ang pinaka gusto ni Anu sa lahat? Ang bigote ng kaniyang ama!"
Ang bigote ni Tatay

"Pareho silang namulaklak."
Ang mabuting kaibigan

"Hinila ang pinitas ni Ali ang prutas. At agad kinagat. Masarap! Sila Aka at Ado ay nakatingin sa kanya mula sa itaas. Masyado silang mabigat para sa mga maliliit na sanga."
huwag mo akong maliitin

"Dumating ang araw at nakita niya ang pagmamahal sa katauhan ni Philip Boyd an isa ring mananayaw. Lubha silang naging masaya. Dahil nagmamahalan, sila ay nagpakasal sa madaling panahon at magkasamang sumasayaw. Walang pagtatambal ang mas mainam kapag nabigyan ng pagkakataon!"
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Wala silang mga anak, pero hindi naging dahilan upang sila ay malungkot, sapagkat nakaisip sila ng paraan upang makatulong sa ibang mga ina at ama. Itinatag nila ang kanilang sariling paaralan, ito ay tinawag na "Dance For All", kung saan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata, mula sa iba't ibang estado sa buhay, upang matuto at mahalin ang pagsasayaw."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Ang mga drayber ng sasakyan ay nag simulang umiyak. Naisip nila na mayroon silang naka limutang importanteng bagay."
Nagmamadaling mga Drayber

""Ikaw naman," Sabi ng kanyang kuya. "Ano?" Sigaw ng nakakababatang babae. "Ikaw na!" Ang malakas na ingay ay ang dahilan kaya nahihirapan silang maglaro"
Ang bagong Pugad

"Magmadali na kayo!!! sigaw ni Ama. Ang pusa ay paakyat na ng puno. At sabay-sabay na lumipad silang apat"
Ang bagong Pugad

"Wala silang ginawa kay Hatchuram. Sa halip, sinimulan nilang bumahing ng mas malakas sa kaniya. Ha-aaa-tchu Ha-aaa-tchu Ha-aaa-tchu Ha-aaa-tchu!"
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"Natuyo na si Kamelyo at Dyirap. Marahan silang inilagay ni Nanay sa mga bisig ng kanyang dalawang mahihimbing na natutulog na mga anak."
Pagpapaligo sa Kamelyo

"Oooh, ang mga langgam ay naglalakad habang bitbit ang mga pagkain. Mukha silang tren ng pagkain."
Ang Sapatos ni Tatay

"Hinanap ng mga bata ang kanyang bahay. Taas baba silang tumitingin sa bawat daanan. Subalit hindi nila it makita. Sa oras na sila ay pabalik na, may nakakita ng isang pulang dupatta. Ito ay nakasabit ito sa isang kawit malapit sa bintana."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Ngayon, araw-araw na uling pumupunta si Didi pati na rin ang mga bata. Maaari mong makita ang mga ito tuwing gabi. Maririnig mo silang nagtatawanan. Maririnig mo silang nagbabasa. Masasabi mong nagkakasayahan sila. Ang mga bata, si Didi at mga libro."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Isang araw, umalis ang matandang guro. Isang bagong batang guro ang pumalit sa kanya. Sa araw na iyon si Moru ay nakaupo sa dingding at pinapanood ang mga bata na pumapasok sa paaralan. Wala nang nagtanong sa kanya kung bakit hindi siya sumama sa kanila. Sa halip, iniwasan siya ng mga bata sapagkat natatakot silang abalahin sila ng mga ito."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Umupo si Moru sa sahig. Nasa paligid niya ang mga libro. Maraming mga kwentuhan. Pinagsama niya ang mga hayop. Ang kwentong leopard ay magiging mas komportable sa mga elepante at kamelyo. Ang mga engkanto ay maaaring umupo kasama ang mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa. Ang mga kwentong pakikipagsapalaran ay umupo sa kanilang sarili. O marahil dapat silang sumama sa mga bayani at tanyag na tao?"
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Hindi sumisikat ang araw. Kung kaya't ang buwan at mga butuin ay marubdobna nag tatrabaho subalit wala silang panahon upang magpahinga."
Ang Araw at Gabi

"Nahirapan silang umuwi ng biglang bumagyo. Natumba ang mga puno dala ng malalakas na hangin. Tinangay din ng hangin ang mga ibon mula sa kanilang pugad. Tumaas ang tubig sa batis dahil sa malakas na ulan. "Ito ay dala ng pagbabago ng panahon," sabi ng mga matatanda."
Kaibigan sa Kagubatan

"Bigla niyang napagtanto na nga humihingi ng tulong ay nasa batis ay agaran silang pumarito. Nakita ni Tina at ng mga kaibigan nya doon: Isda, palaka at igat. Natatabunan ng mga dahon at sanga na tinangay ng bagyo"
Kaibigan sa Kagubatan

"Nang makita ng lahat ang nangyari, bigla silang nalungkot."
Kaibigan sa Kagubatan

"Isang umaga, isang puting kuneho ang dumating sa hardin upang kumain ng gulay. Wow, ang mga gulay na ito ay malaki at berde! Dapat silang maging masarap! sabi niya sa sarili."
Ang Kuneho at Uod

"Tumalon ang kuneho sa susunod na bukid. Nakita niya roon ang isang kasaganaan ng mga sariwang gulay. Ang mga gulay na ito ay malaki at sariwa, sinabi niya sa sarili. Mukha silang masarap!"
Ang Kuneho at Uod

""Mayroon silang pagkain na ang tawag ay jipang bike at gusto ko iyon" "Mayroon akong meatballs na kasing laki ng buko" "Mayroon kaming malalaki at makukulay na payong" Si Euis ay nakikinig sa kanyang mga kaibigan habang pinaguusapang ang pagdiriwang. Siya ay napaisip, isang pagdiriwang? ano iyon?."
Isang Pagdiriwang

"Ang mga DWARF PLANET ay tulad ng mga planeta ngunit ang mga ito ay mas maliit at wala pa silang malinaw na landas sa paligid ng Araw. Nangangahulugan ito na ang mga bagay tulad ng asteroid at kometa ay magkalat sa kanilang landas. Ang Pluto, Ceres, Eris, Makemake at Haumea ang bumubuo sa limang kinikilalang mga dwarf planeta ng ating solar system."
3…2…1… Blast Off

"Bigla, naputol ang patpat! Ang tipaklong at kuliglig ay nahuhulog sa tubig. Tumalon ang isang higanteng palaka, handa nang lunukin silang dalawa."
Nagsalita na si Tipaklong

"Nang biglang nabali ang patpat! Nahulog sina Tipaklong at Kuliglig sa tubig. May lumundag na isang dambuhalang palaka, na handa silang lamunin."
Nagsalita na si Tipaklong

"Habang naghihintay siya, may dalawang lalaki na dumating sa ilog. May dala silang tirador."
Paano nailigtas ng Langgam ang Kalapati

"Dahan-dahan silang pinulot ni Arin, isa-isa, hanggang sa maging dalawampu. Ang balde ay nilagyan ng mga dayami upang hindi pumutok ang mga itlog."
Ang Itlog na Maalat ni Nanay

"Kapag nagsimula na ang kanilang kisyon, Ang mga alitaptap ay nag hahanap na ng liwanag ng buwan. Kailangan ng alitaptap ang gabay para sya ay lumipad ng malayo. Subali't, sa mga lugar na napakaraming ilaw, ang mga alitaptap ay nalilito. Nahihirapan silang matukoy ang mga liwanag. Kung kaya't madalas nakikita umaaligid sa paligid ng ng ilaw."
Misyon ni Alates

"Hindi nailigtas ng mga tagabaryo si Thida mula sa ilog. Wala silang pag-asa na mabuhay siya."
Mahiwagang Ilog

"Kinabukasan, nagtatrabaho si Darshana sa pagtatanong sa kanyang mga kaibigan. Ang ilan sa kanila ay nagsabi na hindi sila bibili ng sticker patch ngunit marami rin ang nagsabi ng dami ng pera na nasisiyahan silang bayaran."
Darshana's Big Idea

"Bigla-bigla, may narinig ang mga planeta ng bagay na umiiyak na malapit lang. Dali-dali silang lumapit para tingnan kung ano nangyayari."
Finding Pluto