Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Contributions 👩🏽‍💻
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "saan", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (39)

"Si Pusa at si Aso ay sinundan ang paruparo kahit saan ito magpunta. Tumakbo sila upang maabutan ang paruparo, pero ang paruparo ay mabilis. Ang paruparo ay sadyang napakabilis, at si Pusa at si Aso ay mabagal. Sila ay sadyang napakabagal."
Ang Pusa at Aso at ang mga Paruparo

"Subalit, saan na ang daan pauwi? Naliligaw si Greeny!"
Isang Luntiang Araw

"Tiningnan niya sa ibaba ang sirang saging kung saan siya ipinanganak."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Nakatira ako sa isang kuwadra kung saan dumarating ang mga bata upang matutong sumakay ng kabayo. Pero di pa ako napipili..."
Rudi

""Wow, galing ito sa Riedau Canal ah! Kung saan maaaring sumakay sa bangka, mangisda at mag-ski ang mga turista." Nasasabik na sigaw ni Reta. Hindi naman inasahan ni Sarah ang gano'ng reaksyon. Pa'no iyon nalaman ni Reta?"
Ang Dakilang Guro

"Hmmm! Mukhang masasarap ang mga nakahain. Ngunit saan magsisimula si Sarah? Mukhang nakatatakam yung fruit salad. Sabi ni Reta "rujak" ang tawag doon."
Ang Dakilang Guro

"Yehey! Makasasama si Sarah kay Reta upang mag-aral sa bahay ng kaniyang guro. Walang babayaran at walang gastos. Sobrang dali lang! Pero, para saan naman ang walis?""
Ang Dakilang Guro

""Nasaan ang buwan?" Tinanong nila ang isang kumikinang na kabayong may sungay ng direksyon. "Paano ka naging ganyang kakintab?" "Alam mo ba kung saan gawa ang buwan?" "Ikaw, saan ka naman gawa?""
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

""Hindi ko ito maibabalik!" iyak ng dragon. "Napakamapanganib nito." Kuminang ang mga mata ni Naina. "Kung saan may panganib, naroon ang pakikipagsapalaran." "At kinakailangan ng bawat paglalakbay ang isang matapang na bayani!" ani Madhav. "Mga bayani, ibig mong sabihin," ani Naina. "Ililigtas namin ang iyong buhok!" Pumayag ang dragon na ituro ang kinalalagyan ng buhok. Ngunit tumanggi siyang lapitan ito."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

""Hindi natin nalaman kung saan gawa ang buwan," ani Madhav. "Sino ba ang may pakialam doon? Nais kong malaman kung saan gawa ang mga bituin!" ani Naina, maraming nakikitang pakikipagsapalaran ang kanyang mga mata."
Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

"Sinabi nilang maaari niyang marating ang kanilang buwan; ang Bulang buwan, sa pamamagitan ng lagusan. Ngunit saan niya matagpuan ang lagusan?"
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Gusto ko lang po ay alagaan at mahalin. Pero paano ko mararamdaman ang ganyan kung ang mga masasakit na salita ay palaging itinatapon sa akin saan man ako magpunta? Mayroon ding mga mabubuting tao na nagpapakain sa akin, tulad ng bata sa panaderya na nagbibigay sa akin ng tinapay. Salamat sa pagkain. Ano ang pangalan mo? Itinanong ko. Ako si Kiko. Kumusta naman kayo?"
Unang kaibigan ni Iko

"Ang daming gusali sa bayan! Matataas at mabababa, gawa sa mga salamin at mga bato, saan man ako tumingin."
Isang Abalang Araw

"Wala silang mga anak, pero hindi naging dahilan upang sila ay malungkot, sapagkat nakaisip sila ng paraan upang makatulong sa ibang mga ina at ama. Itinatag nila ang kanilang sariling paaralan, ito ay tinawag na "Dance For All", kung saan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata, mula sa iba't ibang estado sa buhay, upang matuto at mahalin ang pagsasayaw."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Tuwing gabi, saan nag tatago ang araw?"
Ang mausisang bata

"Dahil sa kasiyahan ng mga bata, inayos nila ang lugar kung saan madalas magbasa ng kuwento si Didi. May nagdala ng upuan mula sa basurahan. May nagdala din ng carpet at inilatag sa sahig. May nagdala din ng mga kurtina. Naging maganda ang lugar."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Anong uri ng bahay ang pinakamataas halos sa taas ng puno? Anong uri ng bahay na may taong nagbukas ng isang panahian? Alam mo ba kung saan gawa ang bahay sa ibabaw ng tubig? Saan gawa ang iyong bahay? Ano ang hitsura nito?"
Iba't ibang Uri ng bahay

"Ang kanyang paboriting oras ng araw ay pagkatapos ng paglubog ng araw. Kung saan ang paligid ay madilim na para makita ang mga halaman. Alam ni Wangari na ito ay oras na ng pag uwi. Kailangan nyang sundan ang maliit na daan sa bukid patawid ng ilog upang sya ay makauwi."
A Tiny Seed

"Oo! Lilipat na naman si Koni. Pero saan lilipat si Koni? Sana sa lugar na malinis ang hiling ni Koni."
Isang natatanging kwentas

"Madilim at walang ilaw ang paaralan. "Kailangan mong umuwi ngayon, Moru, ngunit makakabalik ka bukas," sabi ng guro. "Ngunit maaari ka bang dumating kapag ang mga bata ay narito mangyaring?" Susunod na araw, kaagad pagkatapos magsimula ang paaralan, dumating si Moru. Nagulat ang mga bata nang makita siya at medyo natakot. Sa ngayon si Moru ay sikat bilang isang 'dada' ng kapitbahayan. "Mayroon akong makakatulong sa akin ngayon," sabi ng guro. Inilagay niya si Moru kasama ang mga nakababatang bata. Mayroong mga libro kung saan dapat magsulat ang mga bata. "Mangyaring, maaari mo bang tulungan ang mga bata na ayusin ang mga numerong ito sa pataas at pababang pagkakasunud-sunod?" Ang maliit na mga bata ay nag-agawan sa paligid ng Moru; namangha sila na ang isang matigas na kapwa tulad ni Moru ay may alam ng lubos."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Pagkalipas ng isang buwan, hinahanap siya ng ina ni Moru sa kalagitnaan ng umaga. Wala siyang saan. Tumingin siya sa terasa ngunit wala siya doon. Napatingin siya sa dingding kung saan siya karaniwang nakaupo na nakabitin ang kanyang mga paa, ngunit ang mga saranggola lamang niya ang namamahinga doon."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Sa pakikinig kuwento, nalagpasan ni Batik-batik na manok ang kanyang Lola. Tumakbo siya papunta sa hardin kung saan sya dinadala ng kanyang Lola kasama ang mga kapatid sa mag laro. Bigla niyang nakita ang isang matandang manok. Ang matanda ay sinusuyo ang isang maliit na manok na may maliit na buntot. - Kumuha ka ng ilang mga butil, aking mahal! Patuloy na iniyuko ng maliit na buntot ang kanyang ulo. - Cheep, cheep! Ayokong ng mga butil! Gusto ko ng isang tipaklong!"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Pagkatapos, nag-cluck si Granny upang tipunin ang lahat ng kanyang mga apo na nagkakalat kahit saan sa hardin. Nagbigay siya ng mga butil at bulate sa mga bata at Speckled Chicken din. Ang Curving Tail ay nasisiyahan sa pagkain kasama ang kanyang mga kapatid, siya ay umiiyak ng masaya. - Cheep, cheep! Masarap, masarap!"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Si Dolly Ducky ay may maliit na pulang payong na ibinigay sa kanya ng kanyang pinakamamahal na Lola. Kapag maaraw, kapag maulap, dinadala ito ni Dolly saan man siya magpunta."
Si Dolly at ang kanyang Munting Pulang Payong

"Makalipas ang ilang araw, dumating ang isang musikerong naghahanap ng magandang kahoy para makagawa ng bagong tambol. Napahinto siya sa mismong harap ng puno na kung saan ibinulong ng barbero ang kaniyang sikreto."
The King's Secret

"Ang MISSION CONTROL CENTER ay isang silid kung saan ang mga pinuno ng koponan ay nagkakasama at siguraduhin na ang paglunsad ay maayos at ang lahat ay gumagana tulad ng dinisenyo hanggang sa makumpleto ang misyon."
3…2…1… Blast Off

"Tahimik si Inay habang kami ay naglalakad pauwi. Bigla niyang sinabi, "Asha, alam mo na ang ibig sabihin ng iyong pangalan ay "pag-asa"? Iyon ay dahil marami kaming inaasahan para sa iyo. Na ikaw ay lalaking malakas, matapang, at matalino. Na ikaw ay makakapunta sa napakaraming lugar at matuto ng marami pang mga bagay. At lagi mong tatandaan na nagmula ka sa isang lupain ng mga ilog, kung saan laging nagbabago ang lahat. Pero may mga bagay na hndi tumatagal - ang ating katutubong wika, ating pamilya, at ating kultura.""
Ekushey February

""At saan napunta ang lahat ng mga isda?" Sigaw ng ibang bata"
Mahiwagang Ilog

"'Ito ay mga mahiwagang sapatos. Ang mga ito ay gawa sa halaman ng dyut, ang ginintuang damo na tumutubo mula sa iyong inang bayan. Dadalhin ka nila kung saan mo gustong magpunta at palagi ka ding sasamahan sa paguwi. At, saan ka man magpunta, mag-iiwan ka ng magandang bakas'"
Gintong Sapatos

"Sa aking paglalakad, napansin ko ang bakas ng aking mga paa sa daan, na inihahatid ako pabalik sa kung saan ako nagkamali sa pagliko."
Gintong Sapatos

"Hinanginan ni Darshana ang mga gulong at kaniyang napansin na hindi natanggal ang idinikit niyang gum at sticker. “Kung mayroon akong mas matibay na stickers kakayanin ko ng ayusin ang mga gulong kahit saan at kahit anong oras pa,” nasabi na lang siya sa kaniyang sarili."
Darshana's Big Idea

""Yung maliit na asul na Pluto? Hindi ko siya nakita, saan ba siya pumunta?" Sagot ni Mercury."
Finding Pluto

""Paano ko malalaman kung saan napunta ang maliit at nagyeyelong si Pluto?" Sagot ni Venus, habang ang ilan sa kanyang mga bulkan ay sumabog."
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus at Earth kay Mars at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus, Earth at Mars kay Jupiter at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus, Earth, Mars at Jupiter kay Saturn at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Lumapit si Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, at Uranus kay Neptune na naninigas na sa lamig at nagtanong, "Nakita mo kung saan pumunta si Pluto? Ikaw ang pinakamalapit na kapitbahay niya. Dapat alam mo kung saan siya pumunta!""
Finding Pluto

"Napailing si Neptune at sinabi, nakita ko siya nag empake ng kayang bags. Siya ay malungkot. Pero hindi niya sinabi kung saan siya pupunta at bakit.""
Finding Pluto

"Nang umagang ding iyon, merong bagong balita sa telebisyon tungkol sa isang malaking Ben, Ang toreng orasan kung saan iniwan nya ang kanyang sapatos! Sa unang pagkakataon sa loob ng isang daan at limamput' walong taon himinto ito sa pag galaw."
Ang Kapangyarihan ng Oras