Peer-review: PENDING

Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Delete
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #2 (2021-01-30 15:31)
Nya Ξlimu
Added letter-to-allophone mappings
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "araw", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis

Images

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (87)

"Ngayong araw kami ay maraming gagawin. Lahat kami ay tutulong!"
Ang Aming Pamilya

"Ngayong araw ay kaarawan ni Ate."
Ang Aming Pamilya

"Balang araw tayo ay lilipad."
Halina't Lumipad

"Isang araw magkasama silang namasyal."
Ang Munting Sisiw at Bibe

"Lumangoy si Tuna patungo sa ilalim ng dagat. Nakita nya na pakonti konting nawawala ang liwanag ng araw at palamig ng palamig habang lumalalim."
Si Tuna at Ang Pulang Lumot

"Ngunit nagdesisyon si Iskuwirel na sumama, dahil sa hiling ni Trang. Sumunod na araw bago magbukang-liwayway, ang dalawang munting magkaibigan ay nagsimulang maglakbay."
Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

"Ngayon ang araw ng paglipad ni Rica sa kalawakan."
Ang Langaw sa Kalawakan

"Ngayon ang unang araw sa paaralan ni Nin. Ngunit hindi maisuot ni Nin ang kaniyang unipormeng mag-isa!"
Gustong Magbihis ni Nin

"Ngayon, handang handa na pumasok sa paaralan si Nin. Maligayang unang araw ng pasukan, Nin!"
Gustong Magbihis ni Nin

""Abala ako ngayon anak, maaari bang sa susunod na araw na lang," sabi ng kaniyang Itay."
Ang Regalong Tsokolate

"Ngayon ang unang araw ng pamamasyal ni Tumi sa parke."
Si Tumi ay Namasyal sa Parke.

"Ipagpalagay na ang aking mukha ay tulad ng sa araw na makintab at maliwanag na nagbibigay liwanag din sa buwan."
Ganito Lumiwanag ang Aking Mukha

"ito ay araw ng kagalakan,"
Isang Araw sa Kalawakan

"Para sa natatanging araw na ito, ang aking kaarawan"
Isang Araw sa Kalawakan

"Mula pa nang madaling araw ay pabalik-balik na nagtungo si Raymie mula sa silangan ng lawa patungo sa kanluran. Ang iniisip lang niya ay makahanap ng paraan upang makipag-usap sa aerospotics. Ang aerospotics ay may tirahan malapit sa Sistema Solar. Sinabi nila sa kaniya na mayroon silang solusyon sa kaniyang problema."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Sinabi ni Raymie, "Ako ang prinsesa ng Siyudad ng Usok. Puno ng karbon dioksido ang aming kapaligiran. Inuubo ang mga tao araw at gabi. Hindi kailanman tumitigil ang mga sirena at narinig naming mayroon kayong solusyon sa aming problema.""
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Nakatira si Srey Pov malapit sa isang malaking pabrika ng goma. Ang araw ay tumigil sa pagliwanag malapit sa pabrika."
Paghahanap sa Araw

"Pumunta si Srey Pov sa kapitan ng nayon. “Nais kong gumawa ng lumilipad na makina upang mabisita ko ang araw at alamin kung bakit hindi na ito lumiliwanag.” Ngunit hindi pinakinggan ng kapitan si Srey Pov. “Hindi mo kayang lumipad patungo sa araw. Maliit ka pa! Umuwi ka na lang!”"
Paghahanap sa Araw

"Narinig ng mga taga-nayon ang kaniyang plano at sila ay dumating upang tulungan siya sa kaniyang ikalawang paglipad. Kahit na ang kapitan ay humanga. “Narito ang damit at helmet upang protektahan ka laban sa init. Ang araw ay sobrang init!”"
Paghahanap sa Araw

"Naglakbay si Srey Pov hanggang marating ang araw. "Kumusta, Araw!" bati niya. "Bakit hindi ka na sumisikat sa aming nayon?" "Hinaharang kasi ng maruming hangin ang aking liwanag," tugon ng araw. "Ganoon ba. Salamat, Araw. Sasabihin ko ito sa lahat at magtutulong-tulong kami upang malutas ito." "Maging mapalad sana kayo. Sana ay magkita tayong muli," sigaw ng araw habang lumilipad na ng pabalik sa mundo si Srey Pov."
Paghahanap sa Araw

"Hindi nagtagal, sumikat muli ang araw sa nayon ni Srey Pov. Ang bawat isa ay nagpasalamat at ipinagmamalaki si Srey Pov."
Paghahanap sa Araw

"Lumipas ang mga araw at unti-unting lumalakas ang ibon."
Ang pagtulong sa Ibon

"Kinalaunan sa araw na iyon, pinastol ni Bouavanh at ng kanyang ama ang kalabaw pauwi at ang ibon ay dumapo sa likuran ng kalabaw."
Ang pagtulong sa Ibon

"Oktubre 8, Biyernes. “Ah! Alam ko na, paruparo pala ang nasa loob nung berdeng nakabitin. Nagsimula sa itlog, naging uod, at pagkalipas ng ilang araw ang uod ay naging paruparo na,” manghang sabi ni Kakay."
Misteryo ng Itlog

"​Lumipas ang maraming araw at lumalakas ang ibon.​"
Pagtulong sa Ibon

"Sa unang araw ni Lita sa paaralan, hindi pa niya alam kung paano magbilang."
Masaya ang Magbilang

""Handa ka na ba sa unang araw ng pasukan, Urgen?" tanong ni Urmu. "Handa na ako, Nana," sabi ni Urgen sa kapatid."
Nasasabik sa eskwelahan

"Ngayung araw na ito, si Sophy at ang kanyang nanay ay pupunta sa bahay ni Tiya Chamnan upang kuhanin ang biik na ipinangako sa kanya ng kanyang tiyahin."
Nagtanim si Sophy ng Biik

""Walang pag-asa!" sabi ni Nanay. “Papalapit na ang araw ng konsiyerto…”"
Sayaw, Mihlali!

"Lahat ay nakasuot ng magandang damit sa araw ng Bagong Taon!"
Ang damit para kay Kooru

"Siya ay tumakbo, tumalon at kumakantang tumungo sa kagubatan. "Yay! makakakain ako ngayon araw ng gintong mansanas!"
huwag mo akong maliitin

"Ang pagsasayaw ay hindi lang upang magsaya, alam ni Phyllis iyon; araw at gabi siyang nagsasanay, at ang hirap ng pagsasanay na iyon ang tumulong sa kanyang pag-unlad. Palagiang pag-ngiti, na para bang hindi siya napapagod, kahit minsan man ay nahihirapan, palagi niyang iniisip na maging pinakamagaling. Ang salitang "magaling lang" ay hindi kailanman naging sapat sa kanya."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Dumating ang araw at nakita niya ang pagmamahal sa katauhan ni Philip Boyd an isa ring mananayaw. Lubha silang naging masaya. Dahil nagmamahalan, sila ay nagpakasal sa madaling panahon at magkasamang sumasayaw. Walang pagtatambal ang mas mainam kapag nabigyan ng pagkakataon!"
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Isang nakakapagod na araw para sa mga ibon! Sa wakas, sila ay makakapag pahinga na sa kanilang bagong kumportable na pugad."
Ang bagong Pugad

"Ang higanteng gulong na si Chakraa ay napahinto sa pag hatchu hatchu ni Hatchuram. Ang araw na si Surya ay napatago sa likod ng ulap sa pag hatchu hatchu ni Hatchuram"
Hatchu! Ha-aaa-tchu!

"Si Tutu ay nagising ng ika-pito ng umaga. Ito ang unang araw niya sa paaralan ngunit huli na siya sa kanyang klase"
Unang Araw ng Eskwela

""Tutu!" tawag ng kanyang ina, "bilisan mo o mahuhuli ka sa unang araw mo!""
Unang Araw ng Eskwela

"Tapos biglang umulan at si Tutu ay nabasa at nadulas sa daanan. Ang kanyang damit ay labis ang dumi. Sa pagkakataong ito, grabe ang kanyang dinanas sa unang araw ng klase."
Unang Araw ng Eskwela

"Si Tutu ay tumingin sa bintana at nakita niya na madaming estudyante ang naglalakad patungo sa paaralan. "Ito nga ang unang araw ng pasukan sa eskwelahan!" kanyang sinigaw. Nang siya ay lumabas, nakita niya ang kanyang mga kaibigan na si Tetey at si Pipi. Sila ay naglakad papuntang paaralan ng magkakasama."
Unang Araw ng Eskwela

"Habang oras ng pahinga, si Tutu at ang kanyang mga kaibigan ay naglaro sa bakuran. Hanggang ngyon, ito ang pinakamasayang unang araw ng klase!"
Unang Araw ng Eskwela

"Hello Araw, malaki at maliwanag. Pinupunan mo ang araw ng iyong maliwanag na ilaw."
Si Lolo at ang kanyang mga Kaibigan

"Hello Ibon, lumilipad sa ulap. Pinupunan mo ang aming araw ng magagandang kanta."
Si Lolo at ang kanyang mga Kaibigan

"Isang araw ay di pumunta si Didi. Hindi rin pumunta si Didi ng sumonod na araw. Ang mga bata ay patuloy na naghintay. Sila ang nagbabasa ng mga aklat sa sarili nila. At binabasa nila ang mga aklat sa bawat isa."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Isang araw nakita ng mga bata ang tirahan ni Didi sa isang aklat. Umalis sila upang hanapin siya. Dinala nila ang isang bag ng mga aklat. Kaya ng basahin ng mga bata ang pangalan ng bus. Hinanap nila ang pangalan numero ng kalsada na tinitirhan niya. Kaya nila itong gawin lahat dahil itinuro ito ni Didi sa kanila."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Alitaptap! Alitaptap! Halina, halina! Ang araw ay sisikat. Darating ang umaga."
Alitaptap

"Kasama ang araw Ang gintong pintuan Marahan at banayad Halina at buksan! Alitaptap! Alitaptap! Halina! Halina!"
Alitaptap

"Mabilis lumipas ang araw at padating na ang araw ng kasal. Matapos maipadala ang mga paanyaya, naging abala si Fox at mga taganayon. Hindi nagtagal at ang mga tarangkahan ay pinalilibutan na ng mga bulaklak at mga ilaw na nagkikislapan kahit saan. Natapos din ang preparation."
Ang Kasal ni Lobo

"Ang araw ay sumisikat nang maliwanag, at ang tubig ay mababa. Ang mga bato sa pangpang ay kumikinang sa liwanag. Si Mere ay nasa kanyang paboritong pool at binibisita ang kanyang mga kaibigan. "Kumusta kayo," kumakanta si Mere, sumilip sa gilid ng mga bato sa pool."
Ang Pagkikita Nina Mere at Sashang Sirena

"Isang araw sa kagabutan, may nagsimulang sunog. Ang lahat ng mga hayop ay pinilit na tumakas."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Di-nagtagal matapos mawala ang mga puno, isang tuyong hangin sa timog ang nagsimulang humihip. Umiihip ito araw araw. Nagsimulang matuyo at mamatay ang mga pananim na gulay. Ang mga tao sa kanilang mga bahay ay walang magawa habang pinapanuod na hanginin ang kanilang mga hardin at ikalat ang mga patay na halaman sa buong lupain."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Di-nagtagal matapos mawala ang mga puno, isang tuyong hangin sa timog ang nagsimulang humihip. Umiihip ito araw araw. Nagsimulang matuyo at mamatay ang mga pananim na gulay. Ang mga tao sa kanilang mga bahay ay walang magawa habang pinapanuod na hanginin ang kanilang mga hardin at ikalat ang mga patay na halaman sa buong lupain."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Ang kanyang paboriting oras ng araw ay pagkatapos ng paglubog ng araw. Kung saan ang paligid ay madilim na para makita ang mga halaman. Alam ni Wangari na ito ay oras na ng pag uwi. Kailangan nyang sundan ang maliit na daan sa bukid patawid ng ilog upang sya ay makauwi."
A Tiny Seed

"Kinaumagahan, ginising siya ng ina ni Moru sa oras para sa paaralan. Ngunit hindi tumayo si Moru. Humiga siya sa makitid na kama na mahigpit na nakapikit. Susunod na araw ito ay ang parehong kuwento, at sa susunod na araw at sa susunod. Walang makapaniwala kay Moru na bumalik sa paaralan. Isang linggo ang lumipas at pagkatapos ay isang buwan. Umupo si Moru sa pader sa harap ng kanyang bahay."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Isang araw, umalis ang matandang guro. Isang bagong batang guro ang pumalit sa kanya. Sa araw na iyon si Moru ay nakaupo sa dingding at pinapanood ang mga bata na pumapasok sa paaralan. Wala nang nagtanong sa kanya kung bakit hindi siya sumama sa kanila. Sa halip, iniwasan siya ng mga bata sapagkat natatakot silang abalahin sila ng mga ito."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Noong unag panahon, ang araw ay napakatamad. Sumisikat lamang ito kung kailan niya gusto."
Ang Araw at Gabi

"Ang tandang ay tumitilaok ngunit ang araw ay hindi sumisikat."
Ang Araw at Gabi

"Nag sadya sila kay araw upang paghatian ang panahon ng kanilang trabaho, subalit ang araw ay hindi sumunod sa napag kasunduan."
Ang Araw at Gabi

"Ang kalangitan at nag pasya para kanilang hatiin ang oras sa araw at gabi."
Ang Araw at Gabi

"Kung hindi susunod ang araw hindi na siya pahihintulutan sa langit."
Ang Araw at Gabi

"Tumilaok ang tandang nang sumikat ang araw sa umaga at paglubog ng araw sa gabi"
Ang Araw at Gabi

"Simula noon, ang araw ay masigasig na nagtrabaho at sumisikat sa umaga."
Ang Araw at Gabi

"Nag isip ang mga taga baryo kung ano ang kanilang gagawin. Naalala ni Tina ang araw na nasira ang bahay ng kanyang lola dahil din sa bagyo. "Kailangan muna nating maglinis at ayusin ang mga nasira, tapos magtanim tayo ng mga bagong puno." mungkahi ni Tina. "Tama, tutuling din kami dahil tirahan din namin ito," sabi ng mga hayop."
Kaibigan sa Kagubatan

"Sa wakas, pinatuktok ng bulate ang ulo nito sa ibabaw ng lupa. "Hindi ako maaaring manatili sa araw ng masyadong mahaba, masyadong mainit. Mas malamig doon.""
Ang Kuneho at Uod

"Tanghalian ng araw na iyon mag-isa muling umupo at kumain ng kanyang baong pipino ang munting kambing."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Si Raju ay pagod at gutom. Pinag mamasdan sya ng kanyang Lola buong araw at kanyang napagtanto kung gaano kadami ang gawain ni Meena araw araw."
Hating Kapatid

"Nangako ang barbero na hindi niya ito ipagsasabi. Lumipas ang mga araw at nagsimulang lumaki ang kaniyang tiyan. “Kailangan kong masabi ito sa iba, kung hindi sasabog ang aking tiyan!” naisip ng barbero."
The King's Secret

"Kinabukasan, nagkaroon ng araw ng pahinga ang buong kaharian. Pinangunahan ng mga bantay ang parada na sinundan ng musikerong gamit ang bagong tambol."
The King's Secret

"Ang BULALAKAW ay malalaking tipak ng yelo, bato at gas. Umiikot ito sa araw pero kadalasan ay malayo sa ating mundo. Sa pagdaan nito, nagiiwan sila ng bakas na mistulang buntot. Ang ilan sa sikat na bulalakay ay ang Hale-Bopp, Halley, Hyakutake and Shoemaker-Levy."
3…2…1… Blast Off

"Si Tipaklong, Palaka, at Kuliglig ay mahilig tumakbo at maglaro sa luntiang kaparangan araw araw."
Nagsalita na si Tipaklong

"Ilang araw ang lumipas, binisita ni Kuliglig si Tipaklong. "Saan ka nanggaling?" tanong ni Tipaklong. "Bakit hindi ka tumungo ng damuhan upang maglaro?" "Ah, nagkaroon ako ng matinding sakit ng tiyan at ulo. Halos di ako makalakad," daing ni Kuliglig."
Nagsalita na si Tipaklong

"Si Drake ay nagbababad sa araw haang kumakain ng makatas na mangga. Kung makikita mo siya, maiisip mong ayaw niyang manalo sa patimpalak."
Si Drake ang Mahiwagang Dragon

"At mula sa araw na iyon, wala nang barko ang nawala sa dagat."
Si Drake ang Mahiwagang Dragon

"Tuwing umaga, ang araw ay nagbibigay ng ginintuang sinag sa mundo. Napapansin at humahanga ang mga tao sa kaniyang ganda at init."
Ang Selosong Ulap

"Tatlong araw at gabi na nagdilim ang mundo."
Ang Selosong Ulap

"Sa araw na ito, ang tahanan nina Dholma ay masaya gaya ng nakasanayan."
Ang panaginip ni Dholma

""Lagi akong may sakit nitong mga nakaraang araw dahil sa mga basura. Pati ang mga puting Himalayan. Ang mga baka din ay nagkakasakit dahil sa basura. Pakiusap, huwag ka na magtapon ng kalat sa daan.""
Ang panaginip ni Dholma

"Pero isang pako ang muntik makasira sa araw namin."
Si Didi at ang kanyang Motorsiklo

"Napakasaya ng araw na ito para kay Radinka at Emma!"
Emma

""Asha, alam mo ba kung anong araw bukas?" Tanong ni Inay."
Ekushey February

""Tama, Lunes nga, ika-21 ng Pebrero. Ang araw na ito ay mahalaga dahil ipinagdiriwang naten ang ating katutubong wika. Noong 19 52,ang mga mamamayan ng Pakistan sa Kanluran, na tinatawag ng Bangladesh sa ngayon, ay ipinaglaban at ipinanalo ang karapatan na magsalita ng Bangla. Pero ito ay hndi naging madali at maraming tao ang nasawi. Kada taon sa araw na ito at ipinagdiriwang natin ang lahat ng wika sa buong mundo at ang karapatan na bigkasin ito.""
Ekushey February

"Ang araw ay sumisikat nang marating namin ang Minar. Maraming tao, at sabay kaming kumakanta at naglalagay ng mga bulaklak sa paanan ng rebulto. Sa karamihan ng tao, narinig ko ang mga tao na nagsasalita ng mga wikang hindi ko alam. Sinabi ni Inay na maraming wika ang Bangladesh at lahat sila ay magaganda."
Ekushey February

"Natutunan kong isulat ngayong araw sa Bangla ang salitang Inay. Sinusulat ko siya ngayon kahit saan. Sa lupa ng palaruan. Sa mga regalo na binibigay namin sakanya. Sa harina sa lamesa ng kusina. Sa aking kuwaderno, paulit-ulit, sinulat ko ang aking unang salitang Bangla - Inay."
Ekushey February

"Ang ika-21 ng Pebrero ay ang International Mother Language Day. Ipinagdiriwang ng araw na ito ang kalayaan ng bawat isa na magsalita sa kanilang sariling wika. Sa araw na ito noong 19 52,ang mga tao ay pinatay habang nagpoprotesta para sa karapatang mag-aral sa Bangla, ang wika ng lupain."
Ekushey February

"Isang araw habang naglalaro sa ilog, napansin ni Thida at ng iba pang mga bata ang isang kakaibang bagay."
Mahiwagang Ilog

"Mula sa araw na iyon, hindi na muling dudumihan ng mga taga baryo ang tubig. Nanatili ito sa kanilang Mahiwagang `ilog na binibigyan si Thida at ang kanyang mga kaibigan ng ligtas at espesyal na lugar upang maglaro."
Mahiwagang Ilog

"Napakainit ng araw ngayon, ang pagsakay ay delikado ngunit sulit."
Darshana's Big Idea

"Biglang namula si Mars at mahinahong sumagot, "Si pluto ay nakatira sa Kuiper Belt, diba? Hindi ko siya nakita sa mga huling araw na to.""
Finding Pluto