Edit word


Add letter-sound correspondence launch
Peer-review 🕵🏽‍♀📖️️️️

Do you approve the quality of this word?



Contributions 👩🏽‍💻
Revision #2 (2025-07-28 03:34)
0xca5f...6d5c
Resources
For assistance with pronunciation and IPA transcription of "lahat", see:
  1. Forvo
  2. Google Translate
  3. Tagalog.com
Labeled content
Emojis
None

Images
None

Videos
// TODO

Storybook paragraphs containing word (78)

"Hindi lahat ay kayang gawin ng batubato."
Ang Batubato

"Ininom nang ininom ni Elepante ang lahat ng tubig."
Si Pusa at si Aso at ang Sumbrero

"Silang lahat ay kayang lumangoy, tumalon, lumipad, tumakbo, magpadulas, lumakad, at gumapang."
Nakakatalon ba ang Bibe?

"Si Gul at ang kanyang kuting ay lumulutang sa loob ng himpilan tulad ng mga lobo. Alinmang gamit o nilalang na hindi nakatali ay magpapalutang lutang sapagkat lahat ng ito ay walang angking bigat sa kalawakan. Nangyayari ito dahil ang himpilang pangkalawakan o Space Station at ang mga nasa loob nito ay sadyang nahuhulog ng mabilis papunta sa daigdig natin. Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi ito bumabagsak? Ito ay dahil sa hugis ng ating daigdig. Ang himpilang pangkalawakan ay nahuhulog ng nahuhulog pababa, samantalang ang ibabaw ng ating daigdig ay nakakurba sa direksyon na hindi maabot ng himpilan habang ito ay nasa kalawakan."
Isang Araw sa Kalawakan

"Wow! Ang ilang mga bata ay nag-aaral tungkol sa Matematika; ang iba ay nag-aaral ng Ingles at Agham. Natutuhan nila ang lahat ng asignatura. Ngayon, napatunayan na ni Sarah. Totoo ngang dakila ang guro ni Reta."
Ang Dakilang Guro

"Nang makarating siya, tinawag niya ang lahat para sa isang agarang pulong sa dakilang bakuran. Lahat sa Siyudad ng Usok ay dumating. Tumingin sila sa paligid habang nag-iisip kung ano ang mangyayari."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Sinabi ni Raymie, "May plano akong linisin ang ating hangin. Kailangan ng matigil ang mga pag-ubo. Sinalungat siya ng lahat at sinabi ni G. Noam, "Imposible ito, ganito na tayo ng ilang taon." Tumango ang lahat sa pagsang-ayon sa opinyon ni G. Noam. Sinabi ni Raymie, "Kung tayo ay sama-sama, magagawan natin ng paraan ito. Pangako ko magiging maayos ang lahat.""
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Ibinigay ni Raymie ang mga buto sa mga bata. Nagmadali silang sa lahat na tumungo sa mga lawa at balong malapit sa kanilang tahanan at inilagay ang mga buto dito."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Kailangang lumaki agad ang mga puno upang higupin ang mataas na bahagi ng carbon dioksido sa hangin. Pero bakit hindi pa lumalaki ang mga puno? Hinintay ng lahat sa Siyudad ng Usok na ang mga puno ay lumaki. Nais nilang lumanghap ng preskong hangin. "Bulok ba ang mga buto? Niloko ba ako ng mga aerospotics?" naisip ni Raymie. Nang biglang..."
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"At sinabi ng lahat ng mga nasa Siyudad ng Usok, "Bahagya na nating marinig ang mga sirena. Benepisyo natin ito. Ibig sabihin nito na ang antas ng karbon dioksido ay bumaba. Naging 1: 10 00 na lang. Ngayon tumataas na muli ang antas ng oksiheno hanggang 21 porsiyento. Lumaki ang mga puno at kinain ang karbon dioksido at naglabas ng oksiheno... Yey!!!"
Prinsesa ng Siyudad ng Usok

"Naglakbay si Srey Pov hanggang marating ang araw. "Kumusta, Araw!" bati niya. "Bakit hindi ka na sumisikat sa aming nayon?" "Hinaharang kasi ng maruming hangin ang aking liwanag," tugon ng araw. "Ganoon ba. Salamat, Araw. Sasabihin ko ito sa lahat at magtutulong-tulong kami upang malutas ito." "Maging mapalad sana kayo. Sana ay magkita tayong muli," sigaw ng araw habang lumilipad na ng pabalik sa mundo si Srey Pov."
Paghahanap sa Araw

"Pinitas niya ang lahat ng dahon sa isang sanga, saka tumalon sa kabilang sanga."
Ang Munting Matsing at ang Isda

"Naglakad kami patungo sa istasyon and nakita naming maraming mga tao. Bata, matanda, maiingay at tahimik, lahat papuntang bayan."
Isang Abalang Araw

"Sa lansangan, ang lahat ay bumabati. Binabati nila kami! "Bonjour!" "Ola!" "Kumusta!""
Isang Abalang Araw

"Oras na para umalis. Pinaalalahan ni Jyomo ang lahat para sa pagdiriwang kanyang kaawaran sa Linggo."
Ang regalo para kay Jyomo

"Natingnan ko na lahat ng sulok. Sa lahat ng karaniwang mga lugar. Sa kaniyang uluhan, sa banyo, sa loob ng kaniyang aparador, at sa istante ng puja. Natingnan ko na din sa ilalim ng kaniyang paboritong upuan at sa lamesa sa kusina. Wala. Wala ang mga salamin sa mata. Nasaan kaya ang mga ito?"
Ang salamin ni Lola

""Wala akong masyadong ginawa ngayong araw. Maliban lang sa pagpunta ng biyenan ni Veena, alam mo na. At kung gaano siya kahaba makipag tsismisan! Nakarami kami ng tasa ng tsaa. At kinain niya lahat ng laddoos na ginawa pa ng iyong ina," sabi ni Nani."
Ang salamin ni Lola

"Sa totoo lang, gusto ni Anu lahat ng may bigote. Katulad ng tatay ng kaniyang kaibigan na si Tuti, na ang totoong pangalan ay Smruti. Meron siyang napaka lagong bigote! Kakailanganin niya ng malaki na matabang suklay para suklayin ito. Magaling maglaro ng tennis ang tatay ni Tuti. Pero sa totoo lang, dapat siya maging mambubuno. Kung nakasuot siya ng turban na may plete at may dalang higanteng klab sa kaniyang balikat, maganda ang kaniyang hitsura."
Ang bigote ni Tatay

"Ang tatay ni Sahil ay may mala lapis sa nipis na bigote. Nagtataka si Anu kung paano niya nagawang pantayin ito ng pino. Kung nakasuot sana lang siya ng mataas na itim na sumbrero, mahabang itim na pamatong at itim na salamin, kahawig na niya iyong inspector sa telebisyon na nanghuhuli ng lahat ng magnanakaw!"
Ang bigote ni Tatay

"Espesyal ang isang cake. Ngunit may cake ako para sa lahat ng aking kaarawan. Dapat mayroong mas espesyal na nangyayari. Ano kaya yan?"
Espesyal na Regalo kay Ling

"Narito ang lahat ng aking mga kaibigan! May party ako!"
Espesyal na Regalo kay Ling

"Ang kanyang pagsayaw ng Swan Lake ay naayon lamang para sa isang reyna. matapos ang maraming taon ng pagikot sa isang paa, ito na ang panahon para makita siya! Pumagitna siya sa entablado, tumatalon, umiikot at ang lahat ay napapangiti! Sila ay pumalakpak at sumisigaw!"
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Mula Mexico hanggang Canada, mula US hanggang France, lahat sila ay inaanyayahan na sya ay bumisita at mag-sayaw. Kasama ang Royal Ballet, at kaniyang mga kaibigan, pinalaganap niya ang kanyang walang katapusang pagmamahal sa pagsasayaw."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Romeo at Juliet, Swan lake at Giselle. Nahuli niya ang lahat ng manonood sa kanyang salamangka. Katabi si Gary Burke at Eduard Greyling din, ang kanyang pagsasayaw ay itinuturing na salamangka sa lahat ng pahayag."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Ang regalo niya sa mundo at lahat ng kanyang tagumpay ay nagturo sa marami na kaya nilang maging pinakamagaling. Nagsasayaw sila para sa atin, gamit ang inspirasyon nila na nagsisilbi ding inspirasyon sa atin na mangarap sa ating mga kinauupuan."
Ang kwento ng isang Mananayaw

"Isang araw, lahat ng ibon ay kulay puti. "Gawin nyo akong maganda, Lolo Mahika," sabi ng Woodpecker. "Halika, kukulayan kita ng magagandan kulay," sabi ni Lolo Mahika."
Makukulay na Ibon

"Nagsimula ng mag-impake ang lahat ngunit ang bunsong babae ay hindi pa rin makkapadesisyon kung ano ang kanyang dadalhin. Napamahal na sa kanya ang mga bagay na kanyang naitabi."
Ang bagong Pugad

"Pataas ng pataas ang paglipad ni Chandu. Ngayon naman ay nakita niya ang mga bituin na kumikislap sa paligid. Sila ay nakangiting lahat kay Chandu na parang hindi ito naiiba sa kanila. "Kumusta ka Chandu?" tanong ng isang bituin. "Mabuti naman ako" sagot naman ni Chandu. Bigla naman gumalaw ang mga bituin at umiling."
Ang paglipad ni Chandu

"Kapag ang lahat ng ito'y iyong sinunod, hindi na ako makabibisita pa sa inyo. Samantala, ang mga doktor ay masikap na naghahanap ng bakuna upang hindi ka na magkasakit kahit na kumustahin pa kita."
COVIBOOK

"Alam ng lahat na ang elepante ay may napaka-habang ilong."
Ang mausisang batang elepante

"Isang araw, isinilang ang sanggol na elepante. Mataas ang kuryusidad niya sa lahat ng bagay. At may tanong siya sa lahat ng hayop."
Ang mausisang batang elepante

"Sa sobrang haba ng ilong niya, kaya nyang magbuhos ng tubig sa likod niya. Simula noon, lahat ng elepante ay may mahaba at may kapaki-pakinabang na ilong."
Ang mausisang batang elepante

"Kamusta mga damo, malambot at berde. Binibigyan mo kaming lahat ng lugar na mapaglaruan."
Si Lolo at ang kanyang mga Kaibigan

"Isang araw nakita ng mga bata ang tirahan ni Didi sa isang aklat. Umalis sila upang hanapin siya. Dinala nila ang isang bag ng mga aklat. Kaya ng basahin ng mga bata ang pangalan ng bus. Hinanap nila ang pangalan numero ng kalsada na tinitirhan niya. Kaya nila itong gawin lahat dahil itinuro ito ni Didi sa kanila."
Si Didi at ang Makulay na Kayamanan

"Pagkilala Una sa lahat kami ay lubos na nagpapasalamat sa pagiging bukas palad ni Durga Lal Shrestha sa lubos na pagtanggap ng proyektong ito. Isa siyang inspirasyon para sa susunod na henerasyon na may malikhaing imahinasyon. Pasasalamat din sa ilustrador na si Amber Delaheya mula sa Stichting Thang na siyang humawak ng illustration workshops. At higit sa lahat, ang akdang ito ay hindi magagawa kung wala sina Suman at Suchita Shrestha, na mga anak ni Durga Lal Shrestha's at ang kaniyang kabiyak, Purnadevi Shrestha na palagi niyang karamay."
Alitaptap

""Ang hirap hirap magplano ng kasal!" Ang sabi ni Fox sa kaibigan na si Kuneho. "Sa palagay ko hindi ko magagawa ang lahat ng mag-isa." "Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa mga taganayon?" Mungkahi ni Kuneho."
Ang Kasal ni Lobo

"Noong unang panahon, salamat sa magandang panahon, ang lahat may masaganang ani. Ang mga hayop ay masaya at matiwasay ang pamumuhay."
Ang tipaklong laban sa elepante

"Pero kung lahat tayo ay aatake nang sama sama...."
Ang tipaklong laban sa elepante

"Pakikinig sa Maliit na Tipaklong, lahat ng kanyang mga kaibigan ay tumango bilang pagsang-ayon. Nagkalat sila upang makalikom ng mas maraming kaibigan na magkakasama at maitaboy ang Masamang Elepante."
Ang tipaklong laban sa elepante

"Isang araw sa kagabutan, may nagsimulang sunog. Ang lahat ng mga hayop ay pinilit na tumakas."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Kinabukasan, ipinag-utos ng Hari na putulin ang lahat ng puno sa kaharian. "Hindi natin gusto na mahulog ang mga puno at masaktan ang mga bata," katwiran niya. "Tatanggalin natin ang kagubatan at sa halip, magtatanim nalang tayo ng gulay." Nagustuhan ng mga tao ang mungkahi ng Hari, sa ngayon sila ay may pumili ng pinakamagandang kahoy sa kagubatan upang magtayo ng mga bahay at kasangkapan, at ang natitirang mga puno ay ibinenta sa magagandang presyo sa karatig na mga kaharian."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Pagkatapos putulin ang lahat ng mga puno, ang Hari ay nakaramdam ng kasiyahan, at kaginhawaan. Pero ang mga tao ay hindi masaya. Ang mga puno ay nagbigay ng trabaho para sa mga magtotroso at karpintero, at tahanan para sa mga ibon. At habang hinahanap-hanap nila ang kanilang trabaho, higit na hindi nila makalimutan ang mga ibon."
Tatlong kwento tungkol sa Mundo

"Ngayon ay nararamdaman ni Koni na lahat sila ay umiindayog. Saan dinadala ng dalaga si Koni?"
Isang natatanging kwentas

"Hooray! Handa na ang lahat ng kwintas. Si Olin ay isang mabait na babae. Masaya si Koni na maging kwintas para kay Olin."
Isang natatanging kwentas

"Isang araw, sumulat ang guro ng ilang kabuuan sa pisara. Madali ang kabuuan ngunit nakakasawa. Hindi gusto ni Moru na gawin ang mga ito at wala siyang pasigan. Nasira ang kanyang pasigan at walang pera ang kanyang ina upang makabili ng bago. Sa halip ay binilang niya ang daan-daang mga langgam na umaakyat sa dingding. Tumingin siya sa puno sa labas at napansin na perpekto ang mga dahon. Ang mga perpektong dahon ay may perpektong mga anino. Sa kanyang isipan, binibilang ni Moru kung gaano karaming mga sirang ladrilyo ang nandoon sa kahabaan ng compound wall ng paaralan. Kinakalkula niya na kung ang bawat ladrilyo ay nagkakahalaga ng limang rupees ay kukuha ng higit sa isang libong rupees upang mapunan ang lahat ng mga puwang at sirang puwang sa dingding."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Dumating ang ulan at bumukas ang paaralan pagkatapos ng bakasyon sa tag-init. Akala ng lahat ay babalik sa paaralan si Moru kasama ang lahat ng mga bata. "Hindi," sabi ni Moru nang mahigpit. Isang taon ang lumipas. Sumuko ang lahat kay Moru. Marahil ay sumuko din si Moru sa kanyang sarili. Sa halip, nagsimula siyang gumawa ng iba pang mga bagay."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Sa loob ng paaralan, maingat na inilagay ang bag sa mesa ng guro. Binuksan ng guro ang bag at hinayaang tumingin si Moru sa loob. Maraming mga libro, makukulay na mga libro ng lahat ng mga laki at hugis. Nakaramdam sila ng makintab at naamoy na bago. "Maaari mo ba akong tulungan upang ilabas ko sila?" tanong ng guro."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Kinabukasan, naghintay si Moru hanggang matapos ang klase at umalis na ang lahat ng mga bata. Nag-iisa ang guro. Tahimik na pumasok si Moru at tumayo sa may pintuan. Parang multo ang paaralan nang nawala ang lahat ng ingay at tawanan at pagsigaw. Tumingala ang guro at sinabi, "Mabuti na dumating ka. Kailangan ko ng tulong mo." Nausisa si Moru. Anong uri ng tulong ang kailangan ng guro? Marami siyang mga anak sa kanyang paaralan na tutulong sa kanya. Sa isang bagay na talagang uri ng boses sinabi ng guro, "Maaari mo ba akong tulungan na maisaayos ang mga libro?""
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Pagkatapos ay dumating ang mga libro na may mga numero. Bumagal ang mga mata at daliri ni Moru. Ang mga numero ng taba ay sumayaw kasama ang mga payat. Ang dalawang numero na balanseng isa sa tuktok ng iba pa tulad ng isang hindi matatag na gusali na naghihintay pa rin na mapunan ang silong. Ang mga dumaragdag na kabuuan ay tumingin maikli at naglupasay at tumaba at tumaba sa ilalim ng lumaki ang mga numero. Ang dibisyon ay nasa kabaligtaran lamang. Nagsimula ka sa maraming at pagkatapos kung ikaw ay maingat, pinagtrabaho mo ito upang lumikha ng isang mahabang manipis na kaaya-aya na buntot. Kung ikaw ay mapalad ay walang maiiwan. Isa-isa ang lahat ng mga numero at ang kanilang mga lansihin ay bumalik sa Moru."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Tumingala siya sa puno ng mangga, ang mga dahon ay umusok sa simoy ngunit walang Moru sa mga sanga. Pumunta siya sa palengke ngunit lahat ng mga nagtitinda ng gulay ay nagbebenta ng kanilang mga gulay nang hindi ginugulo ng karaniwang barkada ng mga lalaki. Sa wakas, naglakad siya sa linya at nangyari na tumingin sa bintana ng paaralan."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Naroon si Moru. Nakayuko ang kanyang ulo, at tinitigan niyang mabuti ang kanyang notebook. May nakakunot na konsentrasyon sa kanyang noo at malalim na pagsipsip sa kanyang mga mata. Siya ay abala sa paglutas ng mga kumplikadong problema sa matematika kasama ang lahat ng iba pang mga bata sa kanyang edad. Tumingin din ang guro, at ngumiti siya sa kanyang malambot na mainit na ngiti sa ina ni Moru. Masaya siyang ngumiti pabalik. Si Moru ay nasa paaralan muli. Sa pagkakataong ito ay lalo siyang natuto. At higit sa lahat, sa pagkakataong ito ay minahal na niya ito."
Tayo ang magbilang kasama si Moru

"Talagang nadama ng batik-batik na manok ang mainis. - Sa lahat ng pag-aalaga ng kanyang granny, siya pa rin ay humihingi ng higit pa? Hindi ito matulungan, Ang batik-batik na manok ay ibinigay sa maliit na buntot ang isang tuka at sinabi. - Itigil mo ang iyong pagka-inis. Gusto mo ba siyang ubusin ang maghapon para suyuin ka?"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Pagkatapos, nag-cluck si Granny upang tipunin ang lahat ng kanyang mga apo na nagkakalat kahit saan sa hardin. Nagbigay siya ng mga butil at bulate sa mga bata at Speckled Chicken din. Ang Curving Tail ay nasisiyahan sa pagkain kasama ang kanyang mga kapatid, siya ay umiiyak ng masaya. - Cheep, cheep! Masarap, masarap!"
Ang Lola ng Batikang Manok

"Nakita ni Tina ang pinuno ng baryo, si Tui. Sinabi niya dito lahat ng nasaksihan niya. Magkasama nilang tinipon ang mga taga baryo at agad n bumalik sa batis."
Kaibigan sa Kagubatan

"Nang makita ng lahat ang nangyari, bigla silang nalungkot."
Kaibigan sa Kagubatan

"Ang maaasahang si Tina ay tinipon ang mga hayop para magplano. Gusti nilang maging pinakamagandang tirahan sa lahat ang Purple Cherry. Ang kanyang grupi ay ginawa ang lahat ng nakakaya para maiwasan ang sunog at baha. "Napakahirap pero nasayahan ang lahat," sabi ni Tina."
Kaibigan sa Kagubatan

"Natuwa din si nanay, dahil naibenta niya lahat ng asukal sa palma. Laging maaalala ni Euis ang kagalakan ng pista. Mahal na mahal niya ang jipang paruparo at niyakap niya ito hanggang sa pag-uwi."
Isang Pagdiriwang

""Hindi ko alam kung paano gumuhit ng bangka," Wika niya "Ngunit sinabi ng lahat na gumuhit ka ng bangka sa klase nyo ngayon," sabi ni Piggy."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Pagkatapos ng eskwela, ikinuwento ng batang kambing sa kanyang ina ang lahat ng tungkol sa bago niyang kaibigan."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Isang gabi, ang batang kambing ay nakatulog agad. Sa kaniyang panaginip, nakita niya si Piggy kasama ang lahat ng kambing na may kakaibang sungay na nagsasayaw sa hardin. "tumalon, umindak, sumigaw ng malakas Maaaaa! Tumalon, umindak, sabay-sabay sabihing baaaaaa!" Sa panaginip na ito siya ang nangunguna sa sayaw. Napabuntong hininga ang batang kambing at nagpatuloy managinip ng maganda."
Ang batang kambing at kanyang mga kaibigan

"Ang kawawang Raju nalungkot sa nangyari! Lahat ay nagtawanan ng nakita nila ang mukha ni Raju. Ngayon alam na nilang lahat na ang babae at lalake ay kaylangan ng pantay na pagkain para lumakas."
Hating Kapatid

"“Itapon niyo na rin ang tambol sa kulungan!” Dagdag na utos ng Hari. “At parusahan ang lahat ng nakarinig ng aking lihim.” Nanginginig na utos ng Hari."
The King's Secret

"“Kung ganoon, mas mabuting itapon ang buong kaharian sa kulungan, mahal na Hari. Dahil alam na ng lahat ang inyong lihim,” buong-tapang na sinabi ng bantay."
The King's Secret

"Ang MISSION CONTROL CENTER ay isang silid kung saan ang mga pinuno ng koponan ay nagkakasama at siguraduhin na ang paglunsad ay maayos at ang lahat ay gumagana tulad ng dinisenyo hanggang sa makumpleto ang misyon."
3…2…1… Blast Off

"Ang lahat ng mga dragon sa bayan ay naghahanda para sa Taunang Paligsahan sa Pagbuga ng Apoy. Maliban kay Drake."
Si Drake ang Mahiwagang Dragon

"Ngunit ang lahat ay naging kulay abong usok!"
Si Drake ang Mahiwagang Dragon

"Kaagad, ang liwanag ni Araw ay nabawasan at naging makulimlim ang kalangitan. Nagtaka ang lahat sa mga nangyayari."
Ang Selosong Ulap

"Tumangging makinig si Ulap, at inipon ang lahat ng mga ulap para magdala ng ulan sa mundo."
Ang Selosong Ulap

""Tama, Lunes nga, ika-21 ng Pebrero. Ang araw na ito ay mahalaga dahil ipinagdiriwang naten ang ating katutubong wika. Noong 19 52,ang mga mamamayan ng Pakistan sa Kanluran, na tinatawag ng Bangladesh sa ngayon, ay ipinaglaban at ipinanalo ang karapatan na magsalita ng Bangla. Pero ito ay hndi naging madali at maraming tao ang nasawi. Kada taon sa araw na ito at ipinagdiriwang natin ang lahat ng wika sa buong mundo at ang karapatan na bigkasin ito.""
Ekushey February

"Ang araw ay sumisikat nang marating namin ang Minar. Maraming tao, at sabay kaming kumakanta at naglalagay ng mga bulaklak sa paanan ng rebulto. Sa karamihan ng tao, narinig ko ang mga tao na nagsasalita ng mga wikang hindi ko alam. Sinabi ni Inay na maraming wika ang Bangladesh at lahat sila ay magaganda."
Ekushey February

""At saan napunta ang lahat ng mga isda?" Sigaw ng ibang bata"
Mahiwagang Ilog

"Sa huling sandali, binuksan ng mga tagabaryo ang dam. Sumugod ang tubig at inagaw si Thida kasama ang basura at basurahan, dala ang lahat ng bagay sa ibaba."
Mahiwagang Ilog

"Ang lahat ay nakahinga nang maluwag nang gumaling si Thida. Ang kaniyang pamilya ay masaya na iniligtas niya ang ilog."
Mahiwagang Ilog

"Ipinagkakaloob ng mundo ang lahat ng ating pangangailangan upang mabuhay - tubig, pagkain, hangin, at mga materyales upang makagawa ng mga damit at bahay. Ang Dyut, na kilala bilang Ginto ng Bengal, ay may napakaliit na bakas ng karbon na maaaring gamitin upang gumawa ng anumang bagay mula sa sapatos hanggang sa mga bangka hanggang sa tsaa."
Gintong Sapatos

"Hindi kalaunan ay gumana ang ideya ni Darshana. Halos lahat ng bata sa eskwela ay nais bumili ng pantapal na stickers niya. Mismong mga tindahan ng bisikleta ay tumawag sa kaniya para bumili. Nagsimulang maramdaman ni Darshana ang pagod sa pagta trabaho. Hindi siya masiyadong makapaglibang tulad ng buong akala niya."
Darshana's Big Idea

"Itinawag niya lahat ng planeta ang pinalinya, sinuot ang kaniyang salamin at nagbilang. "Naku!" sigaw niya. "Saan pumunta si Pluto?""
Finding Pluto

"Ang lahat ng mga planeta ay nagdiwang ng masaya, "Kami ay isang pamilya! Pamilyang kalawakan!""
Finding Pluto

"Hindi makapaniwala si Henry. Totoo ba ang lahat ng ito? Talaga bang ang sapatos nya ang nakapagpahinto sa loob ng malaking Ben?"
Ang Kapangyarihan ng Oras