Export to CSVvertical_align_bottom

To add new content, click the button below. 👇🏽

Level 1. Beginning to Read

Ang Aming Pamilya

Anong nangyayari sa tahanan ni Dany? Bakit abala ang lahat?

Ang Batubato

Ang mga kaya at di-kayang gawin ng Batubato!

Ang Kapangyarihan ni Chiu

Nakikita ni Chiu ang kakaibang bagay na hindi nakikita ng iba - lumilipad na sasakyang pangkalawakan at isdang lumalangoy sa pisara. Dinala ni Ajji si Chiu sa doktor ng mga mata upang malaman ang kanyang kapangyarihan sa mahika.

Ang Langgam at Tinapay

May nakitang maliit na piraso ang isang langgam sa daan. Paano kaya niya ito maiuuwi?

Ang Munting Sisiw at Bibe

May dalawang munting magkaibigang sisiw at bibe na may taglay na magkaibang lakas, tunghayan natin kung papaano nila magagamit ito upang matulungan ang isa't isa.

Ang Paglalakbay sa Hardin

Habang masayang naglalakbay sa hardin, anu-ano ang mga makikita ni Sophea at ng kanyang ina?

Ang Pusa at Aso at ang mga Paruparo

Si Pusa at si Aso ay gustong mahuli ang makulay na paruparo. Pero ang paruparo ay sadyang napakabilis!

Ang pagtulong sa Ibon

One day, Buavanh hears a bird chirping because it has fallen from the nest. What will she do with the little bird?

Ano Kaya Ako Ngayon?

Ano kaya si Maria ngayon? Isang eksplorador, astronaut o alagad ng sining?

Gustong Magbihis ni Nin

Unang araw sa paaralan ni Nin. Gusto niyang isuot ang kanyang uniporme sa paaralan pero lahat sila ay abala! Kakayanin kaya ni Nin na magbihis mag-isa?

Halina't Lumipad

Sino ang nakakalipad at sino ang hindi?

Hindi na Ako natatakot!

Ang batang si Marah, mag-isang lumabas sa dilim. Matatakot kaya siya?

Kaibigan

Each day two friends play together. What things do you do with your friends?

Kaya Ko Ba o Hindi?

Maaari mong basahin ang aklat na ito pero hindi puwedeng hindi mo ito magustuhan! Sa mga batang hindi pa kayang basahin ang aklat na ito, maaaring magustuhan ninyo ang mga naggagandahang larawan dito.

Kaya Nilang Sumayaw

Paano sumayaw ang mga hayop?

Magbilang Tayo ng Binti

Kaninong mga binti ito? Bilangin natin sila!

Maghanda Ka! Nandito na ang Tigre!

Sa tuwing dadaan ang tigre sa kagubatan, nalalaman agad ito ng lahat ng mga hayop at mga ibon! Pakinggan ang iba't ibang tunog na naghuhudyat ng pagdating ng tigre sa kagubatan.

Matalinong Baboy

Mahilig maglaro si Baboy! Isang araw, bigla na lang siyang nawala. Babalik pa kaya siya?

Nakakatalon ba ang Bibe?

Alam ko gawin ito, alam nila gawin ang ibang bagay. Iba-iba tayo ng kayang gawin.

Narinig mo ba?

Makinig mabuti at malalaman mo na ang mga ibon ay maraming sinasabi.

Nasaan si Lulu?

Nasaan na si Lulu? At bakit kaya siya nagtatago?

Si Pusa at si Aso at ang Sumbrero

Mayroong mga bagong sumbrero sina Pusa at Aso! Ngunit ano ang kanilang gagawin pagkatapos tangayin ng malakas na hangin ang kani-kaniyang sumbrero sa tubig? Sana, mayroon silang kaibigan na nauuhaw.

Si Pusa at si Aso: Nilalamig si Aso

Masyadong nilalamig si Aso! Buti na lang, si Pusaay maraming damit para ipasuot sa kanya! Lalamigin pa ba si Aso?

Si Putu at si Gutu

Si Putu ay isang maliit na isda. Si Gutu ay isang malaking isda na may malalaking ngipin! Hala! Si Gutu ay patungo kay Putu! Paano makatatakas si Putu?

Si Tata at Si Toto

May dalawang sisiw na nakahanap ng isang bulate. Matuto kaya silang magbigayan?

Sino Ang Batang Iyon?

May isang batang dumating upang maglaro. Sino kaya siya?

Sino ang Tutulong sa Akin?

Alamin kung sino ang tutulong sa batang ito gumawa ng aklat!

Taguan

Kapag naglalaro ka ng taguan kasama ang iyong mga kaibigan, saan ka nagtatago? Gusto mo bang malaman kung saan ka pa puwedeng magtago? Basahin ang kuwentong ito.

Takbo Takbo Takbo!

Bakit kaya nagtatakbuhan ang mga hayop?

Tayo ay Magbilang!

Ano-ano ang mga hayop na makikita sa gubat? Bilangin natin ang mga ito.

Level 2. Learning to Read

Ang Bagong Sumbrero ni Bountong

Woooosh! Woooosh! Iyan ang ihip ng hangin habang nakasakay sa kalabaw si Bountong na suot ang kanyang bagong sumbrero na may mahabang buntot, mga sungay, at mga mata patungo sa bukid. Magkaroon kaya siya ng masayang paglalakbay?

Ang Lola kong Naghahagis at Sumasambot ng mga Bagay

Ipinapakilala ko sa inyo ang masayahin at mapaglaro kong Lola. Gusto niya na lagi siyang may inihahagis.

Ang Nawawalang Bola

Gusto ni Jami na makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan. Ngunit hindi niya mahanap ang bola niya sa silid niyang makalat. Gaano kaya katagal makapaghihintay ang kaniyang mga kaibigan?

Ang Regalong Tsokolate

Nais regaluhan ni Tutul ang kaniyang kaibigan ng tsokolate sa kaarawan nito. Ngunit abala ang lahat sa kanila upang siya ay matulungan! Kailangan niyang makaisip ng paraan. Maniwala kaya ang tindero sa naisip niyang paraan?

Ang magkaibigang isda na sina Gundu at Kutti

Gundu Fish and Kutti Fish are playing together when they're trapped in a net. Kutti Fish escapes but Gundu Fish is still stuck! What to do now?

Ang mga Mabituing Hiling ni Palaka

Gustung-gusto ni Palaka na tingnan ang mga bituin. Isang gabi, nagpasya siyang hawakan ang mga ito. Umakyat siya sa isang bato, isang mataas na puno ng niyog, isang burol! Ngunit ang mga bituin- palaging hindi naaabot. Makahahanap ba si Palaka ng isang paraan upang mahawakan ang mga bituin?

Ano kaya kung...?

Si Nandi ay nagmumuni muni ng mga kakaibang bagay sa buong mundo. At ito ay nagsisimula sa simpleng tanong: Ano kaya kung…?

Ganito Lumiwanag ang Aking Mukha

Minsan lumiliwanag ang aking mukha sa tuwing ako ay nasasabihan ng magagandang salita. Ano pa ang mga bagay na lumiliwanag gaya ng aking mukha at bakit?

Huwag Gisingin ang Sanggol!

Mula ng dumating sa kanilang bahay ang kanilang bagong kapatid, sina Zu at Zi ay bawal ng mag-ingay. Subalit paano nila maiiwasan ang pag-iingay kung sobra silang naliligayahan sa paglalaro..?

Isang Luntiang Araw

Si Greeny ay gising na gising at malakas. Ayaw niyang matulog! Isang araw, naisipan niyang magtatakbo. Pagkatapos maglaro sa ilalim ng araw, napagod sya at nais na umuwi. Ngunit nawala siya! Paano siya makakauwi sa kaniyang Tatay?

Nagpunta si Iskuwirel sa Paaralan

Nakatira si Trang sa bundok na kasama ang kaibigang si Iskuwirel. Isang araw, hiniling niya kay Iskuwirel na pumunta sa paaralan. Para kay Iskuwirel, walang kasiyahan sa paaralan. At napakalayo nito. Magiging matapang ba si Iskuwirel para sa kaniyang matalik na kaibigan?

Rudi

Kawawang Rudi! Walang batang gustong pumili sa kanya upang matuto mangabayo dahil sa kanyang buhok na hindi kasingganda ng buhok ng kanyang mga kaibigang kabayo. At isang araw...

Si Isa, ang Dilaw na Kulisap

Isang dilaw na kulisap sa mundo ng mga pula, gusto lamang ni Larang Kulisap na maging katulad ng iba.

Si Tumi ay Namasyal sa Parke.

Ito ang unang beses na mamamasyal si Tumi sa Parke. Siya ay nasasabik, Ang dami daming laruan doon. Pwede rin siya doon magkaroon ng bagong mga kaibigan…

Si Tuna at Ang Pulang Lumot

May nais na pagkain ang kapatid ni Tuna ngunit mahirap dahil sa kailaliman pa ng dagat ito makukuha. Ano ang gagawin ni Tuna?

Unang kaibigan ni Iko

Si iko ay naghahanap ng isang kaibigan, ang mga taong kanyang nakakasalamuha ay ayaw sa kanya. Makakahanap kaya si Iko ng kaibigan?

Level 3. Reading Independently

Ang Dakilang Guro

Ito ay ang unang pagbisita ni Sarah sa bahay ng kaniyang pinsan sa West Java. Si Sarah ay namangha sa katalinuhan ng kaniyang pinsan, parang ang dami niyang alam. Sabi sa kaniya ni Reta na ang kaniyang guro ang nagturo ng lahat ng ito sa kaniya. Si Sarah ay biglang nagkainteres, lalo na ng sumama siya kay Reta at sa mga kaibigan nito sa pagpunta sa bahay ng kanilang guro na may mga dalang panlinis. Sino nga ba itong guro ni Reta?

Ang Langaw sa Kalawakan

Dalawang mga langaw-prutas ang ipinanganak sa planetang Earth at lumaki sa kalawakan.

Ang Paglalakbay ng Aninag ng Bituin

Napagpasiyahan nina Naina at Madhav na ayusin ang kanilang magkaibang pananaw sa kalawakan. Nakasalubong sila ng iba’t ibang uri ng mga kakaibang nilalang – mula sa kabayong may sungay na ayaw huminto sa pagkain hanggang sa dragon na hindi tumitigil sa pag-iyak. Ngunit sino ang makikinang na mga nilalang na ito? Isang pakikipagsapalaran sa kalawakan na nagpapakilala sa mga mambabasa sa mga konstelasyon sa kalangitan tuwing gabi.

Isang Araw sa Kalawakan

Naisip mo bang pumunta sa kalawakan? Paano kung ito ay maganap sa araw ng iyong kaarawan? Narito ang isang kwento na magbibigay saya at pakikipagsapalaran! Tara na at lumipad sa kalawakan kasama ng iyong kaibigan!

Sa aking Paglaki

Isang batang babae ang inspiradong nag-isip sa kaniyang aralin kung ano ang gusto niya paglaki niya. Ano kaya ang pangarap niya?

Si Ate Bungi

Nahiwalay si Nina sa kaniyang mga magulang noong nagkaroon ng daluyong sa kanilang lugar. Sa pagmamadaling makarating sa ligtas na lugar mabilis na hinawakan ng isang babae si Nina noong makita siya nito. Naglaro sila habang hinihintay ang pagdating ng kaniyang mga magulang upang siya ay kunin. Nakalimutan niyang tanungin ang pangalan nito kaya tinawag na lang niya itong Ate Bungi.

Level 4. Reading Proficiently

Ano ang Kinatatakutan nina Anopol at ni Tang-id

Two flowers living in the forests of Mount Iriga hear the sounds of destruction all around them. Will they be safe or will their home be destroyed?

Green Star

Mahilig si Nita sa Agham. Isang araw, may narinig siyang isang malakas na ingay galing sa likuran ng kanilang bahay. Doon ay natagpuan niya ang isang batang lalaki na kakaiba ang hitsura---kulay berde. Natuklasan ni Nita na nawawala ang bola na pinanggagalingan ng lakas nito. Matutulungan kaya ni Nita ang batang lalaki na makita ang bola ng enerhiya para makabalik ito sa kanilang planeta. Paano niya magagamit ang kaalaman niya sa Agham para matupad iyon?

Paghahanap sa Araw

Hindi na sumisikat ang araw sa nayon nila Srey Pov. Nais niyang maglakbay upang hanapin ang araw at malaman ang dahilan. Alamin kung ano ang natuklasan niya sa paglalakbay sa kuwentong ito.

Prinsesa ng Siyudad ng Usok

Si Raymie, ang prinsesa ng Siyudad ng Usok, ay naghanap ng solusyon sa lahat ng problema ng karbon dioksido sa kapaligiran na nagiging dahilan ng pag-ubo ng mga tao araw at gabi. Sundan ang kaniyang paglalakbay.